Black Sheep 2

1425 Words
“BUNSOY!”masayang bungad sa akin ng isang babaeng nakasuot ng mahabang bulaklaking bistida, na pinatungan ng isang kulay itim na knitted cardigan. In short she's out-of-fashion,medyo manang ang datingan looks like she needs to browse fashion magazines. Well you're thinking it right, nandito na ako sa Pilipinas the place where Gray Vasquez was born. After thinking of Melissa's offer for almost a month nakapag-decide din ako na patulan at igrab na lang yun. Maganda talaga ang offer niya at willing akong magtiis dito for six months makuha ko lang iyon. Staying here by the way is just like staying with Melissa....its also annoying. But Philippines is really different... its painful, a reminder of heartaches and disappointments. "Hi" plain kong sagot dito sabay bigay ng pilit na ngiti. Wala pa ring pinagbago si Ate Gracia, yes she's my sister if you're asking bakit nasa Pilipinas siya while ako nasa New York, that will be a very long story to narrate ,but I'll make it short by saying na kasi "she's lucky". Six years ang age gap namin ni Ate Gracia bale 28 or 29 years old na siya ngayon,nursing graduate, old maid from what I've heard from Melissa. Our Eldest , Kuya Gary is 35 years old who has his own family in the City , he's an architect , a businessman and a very workaholic father of two boys. "Bunsoy!!! Miss na miss ka ng ate!!! Ang laki mo na !!!!!!!" masaya ulit nitong sabi sa akin habang niyayakap ako. Ngayon ko lang rin napansin na may kasama siyang isang matandang lalaki na sa tingin ko ay driver dahil kinuha niya na ang mga maleta ko habang pinapatay naman ako ni Ate Gracia sa higpit ng yakap niya. Pati way nang pagyakap niya manang na manang. "You should be surprise if in nine years hindi ako lumaki" pilosopo kong sagot dito habang inaalis ko ang paglingkis ng mga braso niya sa katawan ko. Hindi pa rin siya nagbabago masyado pa rin siyang clingy kahit na ang tanda tanda na niya. Halos mapudpud ng labi niya ang buong mukha ko noong bata pa kami dahil sa hilig niyang manghalik ganyan yan si Ate Gracia kaya paboritong-paborito siya ni Melissa at Papang e. "Ang sungit naman ni Bunsoy....sige na nga .Tara na pasok na tayo!! Alam kong pagod ka sa byahe mo" sagot naman nito habang pinipilit pa rin ang pag-ngiti. God!! Hindi niya kailangang ngumiti pretending na "okay ang lahat" or "okay kami" dahil hindi! I mean wala akong problema kay Ate at Kuya , mabait sila sa akin but ...basta!! If things worked differently before mas masaya sana kaming magkakapatid ngayon pero hindi nga e. Tatlong oras ang byahe namin from the airport dahil we're not living in the city according to Ate Gracia they already transferred in one of the provinces in the South kung saan may hacienda sila with their dad....okay!! my father, the one who released a sperm reason why I am here. Wala namang problema sa byahe, medyo maingay lang talaga si Ate Gracia na walang ibang ginawa kung hindi magkwento nang magkwento tungkol sa mga nangyari,as if interested ako. Ate Gracia is staying with our dad and siya na rin ang nagmamanage ng havienda na binili nila few years ago. "Bunsoy namiss talaga kita!! Ang laki na ng pinagbago mo ha. Mas maganda ka na sa akin ngayon siguro maraming nanliligaw sayo doon? Hahaha" nakangiti nitong sabi habang nasa sasakyan kami. I don't know if matutuwa or maaasar ako sa sinabi niya, pasalamat siya wala ako sa mood ngayon. "Thanks, namiss din kita. And I dont do relationships" sagot ko naman dito habang sinusuot ko ang Aviator sun-glasses ko We're already in the province dahil unti-unti nang nawawala ang mga buildings and establishments. I think its okay dahil makakalanghap na ako ng mas sariwang hangin , the place sounds interesting and promising I just don't know if I'm going to like the people there. Well excited talaga ako dahil bata pa lang ako hilig ko na ang tumambay sa mga mapunong lugar. I remember having a dream na magkaroon ng sariling garden dahil sa hilig ko sa mga halaman....... pero before pa yun..when my life was still fine. Halos thirty minutes na lang ang tinagal at pumasok na kami sa isang malaking gate na kahoy kung saan nabasa ko ang "Hacienda Vasquez", sounds old! "Nandito na tayo Bunsoy! Hinihintay ka na din ni Papang. Naku kahapon pa yung aligaga at nasasabik sa pagbabalik mo" masiglang sabi sa akin ni Ate habang nag-aayos bago bumaba. There I heard that word again "papang", yan yung dati kung tawag sa kanya......nung mahal ko pa siya....nung tanggap pa niya ako. "Okay ka lang Bunsoy? Okay na ang lahat, wala kang dapat ikabahala" paga-assure sa akin ni Ate nang marinig niya akong bumuntong hininga. I appreciate the concern pero ilang beses ko nang hinarap ang mga problema ko ng mag-isa at maning mani lang ito sa lahat ng iyon. "Of course I am okay...." Palusot kong sabi while faking a smile. Narinig ko nang binuksan ni Ate ang van para lumabas habang ako naman ay inaayos ang mga gamit ko. "Bunsoy iwan mo na yan diyan,si manong na ang bahala diyan" sabi sa akin ni Ate habang hinihila ako pababa. "Fine...fine... wag mo akong hilain" irita kong pigil dito pero as usual tinawanan lang ako nito at dumiretso sa paghila sa akin papasok ng bahay. Ang cool ng bahay hindi siya kasing-laki ng mansion namin sa city before pero mapapansin na mostly gawa sa kahoy ito. Ang lakas maka-rancho nang datingan. Hindi ko alam pero there's something in me na nagugustuhan ang lugar na ito, the nature...yung bahay na malayo sa nakasanayan kong polluted and busy streets of New York. "WELCOME SIR GRAY!!!!!" Masiglang sigawan na bumungad sa akin nang pumasok kami ni Ate sa dining area. Napakaraming tao na sa tingin ko ay mga trabahador sa haciendang ito. Mala-fiesta sa dami ng mga pagkain sa lamesa habang nasa itaas naman ang malaking banner kung saan nakasulat ang "welcome sir Gray". There I saw him, smiling at me while clapping. Yung taong inakala kong magiging superhero ko, yung taong pinakapinahahalagahan ko noon, yung taong tinitingala ko.....pero tinalikuran ako dahil lang sa pagiging bakla ko. Paano siya nakakangiti nang ganyan after all what happened? Paano siya nakakatulog sa gabi knowing na pinagtabuyan niya ang anak niya dahil sa makitid niyang pangunawa? "Welcome home ....anak" nakangiti nitong bati sa akin matapos kong pagmasdan ang bawat lakad niya sa kinatatayuan namin ni Ate Gracia. Anak?? Biruin mong maririnig ko pa pala mula sa kanya yun matapos nila akong pagpasapasahan ni Melisaa. Anak pala nila ako pero in nine years bakit hindi ko man lang naramdaman na may magulang pala ako. Bakit sa siyam na taong yun pakiramdam ko mag-isa lang ako? Naglolokohan ba kami dito? or kailangan ko ding magpanggan na mahal na mahal ko siya para lumabas na huwaran at mabait siya sa harap ng mga trabahador niya. "...bunsoy" mahinang bulong sa akin ni Ate Gracia nang hindi ako magsalita " I'm tired. Where's my room?" Pagiiba ko ng topic. I had too much for today, nakakatakot lang na baka sumabog ang emosyon ko sa harap ng maraming tao. Kahit papaano I have my respect for him at ayokong mapahiya siya sa harap ng mga tauhan niya. "Bunsoy naman....kuma.." pagpigil sana sa akin ni Ate na kaagad pinutol ng lalaking nasa harap namin "Let him rest Gracia....its okay" nakangiting sabi niya na kaagad namang sinunod ni Ate na hinatid kaagad ako sa silid ko na hindi naman kalayuan sa dining area. Sinarado ko kaagad ang pinto pati mga kurtina at padabog na humiga sa kama. Maaliwalas ang kwarto hindi rin ito masyadong magarbo at gawa sa kahoy ang kama at iba pang muebles, naaayos sa gusto ko.... Hindi ko alam kung tama ba ang desisyon kung bumalik kasama sila. Ang mga taong parte nang nakaraan ko pero matagal na nawalan ng parte sa buhay ko. Kung si Melissa pa lang ay nahihirapan na ako paano pa kaya dito? Si Ate Gracia....si Papang...na mas higit akong naging malapit noon? Na mas higit akong nasaktan noon? I guess maraming nag-iisip na ang sama kong anak. Pero this is not just about me being a rude son or being a black sheep in the family. It's about how I've become like this, paano ako naging ganitong tao nang hindi ko namamalayan? Paano ako naging ganito na malayo sa dating ako. Dahil na din sa matinding pagod at mahaba-habang byahe ay hindi ko namalayang nakatulog na lang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD