Ben’s POV Hanggang ngayon parang nasa alapa-ap pa rin ako dahil ngayon masasabi kong mahal na talaga ako ni Gray. Akala ko kasi dati napilitan lang siya dahil sa kakulitan ko sa loob ng mahigit dalawang buwan. Alam ko na marami ang maaring tumutol sa pagmamahalan namin pero gagawin ko ang lahat para protektahan siya. Sa loob ng mahabang panahon ay naranasan ni Gray ang mabuhay nang mag-isa, walang pamilya na dapat ay nagmamahal at nag-aaruga sa kanya. Sa murang edad narananasan niya ang mga bagay na hindi dapat maranasan ng mga batang tulad niya. Hindi ko alam pero noong mga panahong iyon, noong mga panahon na ikinukwento sa amin ni Papang iyon ay mas lalo akong humahanga sa kanya.Parang gusto kong takbuhin ang New York para makasama siya, para sabihan siya na hindi siya nag-iisa, na umal

