"Ang point ko bakit mo agad sinabi yun?!!! May sapak ka ba? Ano ba yan!" galit na galit kong tanong sa mokong na ito na tinatawanan lang ang galit ko sa kanya. "Wala namang masama ha? Hahahaha sinasabi ko lang ang nararamdaman ko, that's freedom of expression" katwiran nito sa akin na sinabayan ko ng pagbato dito ng isang maliit na dalandan na dala pa nila ate kanina. "Expression? Are you out of your mind? Pati ako dinadamay mo sa mga trip mo sa buhay ,Ben ha!" singhal ko dito habang masama pa rin akong nakatingin sa kanya. "Ilang ulit ko bang sasabihin sayo na hindi kita pinagtitrip-an. Sana naman malaman mo na ang taong tulad mo ay hindi dapat pinaglalaruan bagkus dapat inaalagaan" seryoso nitong sagot sa akin. Umaandar na naman siya sa mga ganito niyang patutsyada. " Tigil-tigilan

