“are you serious with your decision? Hindi naman pwedeng aalis ka na lang bigla, paano yung mga commitments natin dito? Come on Gray, think about it malaki ang mawawala sa atin!! Huwag ka naman magpadalos-dalos”medyo naiinis na reklamo ni Troy sa akin nang sabihin ko sa kanya ang plano kong pag-uwi sa Pilipinas. To be honest hindi ko rin alam kung anong rason nang mabilis kong pagpayag unlike before na sapilitan pa ang naging pag-uwi ko. Basta ang gusto ko lang ay tulungan si Papang. I am worried about him at alam ko kung gaano kahalaga sa kanya ang hacienda. Nakakagulat man kung bakit ganun na lang kabilis ang nangyaring pagbagsak ng hacienda ay kailangan ko agad na ma-aksyunan ito. “Shut up Troy! I am taking a leave! Gusto ko muna magpaghinga at for Pete’s sake we are talking about my

