Gray's POV "Tara na Gray hapon na" istorbo ng boses na kanina pa tawag nang tawag sa akin habang nakahiga ako sa kawayang papag na ito. After kasi akong utusan...take note ha! Utusan ni Ben na pumunta dito ay nagandahan ako sa silong sa na sinasabi niya kung kayat natulog na lang ako lalo na at napakasarap ng simoy ng hangin dito. "Ano ba yan istorbo!" inis kong reklamo habang tinitignan ang kanina pa gising nang gising sa akin. Ayown! Si Ben pala na nakasimangot na nakatingin sa akin. What new? "Ang galing mo din noh?" inis nitong sabi sa akin "FYI ikaw ang nagsabi na pumunta ako dito para magpahinga technically sinunod lang kita...so shut up!" angil ko naman dito na mukhang mas ikinainis nito. "Ang sabi ko magpahinga ka dahil nasugatan ang daliri mo wala akong sinabing matulog ka sa

