Vaniah's POV
Nang marinig ko ang sinabi ni Airish ay napawang ang labi ko. Kaya pala nag prisinta siyang maging partner ni Theo at kaya pala pinipilit nila si Theo na sumali, para para masiraan na naman ako. Mabuti na lang ay pinapaalala lagi sa akin ni Theo na walang malisya iyon at para sa akin ang pagsali niya.
Nang paalis na ako sa kinatatayuan ko ay biglang nasipa ko ang latang walang laman na nasa likod ko, nakalikha iyon ng malakas na ingay kaya napalingon sa gawi ko si Airish at ang kaibigan niya. Mabuti na lang at tumakbo ako para makapag tago. Ngayon na alam ko na ang plano niya, mas nagiging excited ako sa intramurals na gaganapin na bukas.
Dumiretso na ako sa canteen para bumili ng makakain ko. Hindi ko namalayan na tinatawag na pala ako ng cashier para ibigay ang sukli ko, nag sorry na lang ako at umalis. Hindi ako nababahala dahil may tiwala ako kay Theo pero naiisip ko kung anong gagawin ni Airish. Matagal na siyang may galit sa akin dahil mas matalino at ako ang nangunguna sa mga academic contests na sinasalihan naming dalawa. Hindi ko siya ininuturing na kalaban noong mga bata pa kami pero dahil sa inggit at mga ginagawa niya sa akin, natuto na rin akong magalit sa kaniya.
Nang makarating ako sa room, tinapos agad namin ang nililinis namin dahil parating na daw si Ma'am. Malaki ang school nila Theo kaya malayo layo ang nilalakad ng mga teachers para maka punta sa iba't ibang room.
Sinigurado na nila ang mga magpeperform at ibang kasali sa contest para bukas. Pinaalala na rin ni Ma'am na dalhin ko ang gitara ko dahil mas maganda daw kung makikita akong tutugtog. Pumayag naman ako dahil wala namang klase bukas.
Hindi na kami nagkasabay ni August sa pag uwi dahil may gagawin pa daw siya sa school at sila ang naatasan na i decorate ang stage. Umuwi din ako agad para ako na ang magluto ng dinner. Maaga din kasing umuuwi si mama ngayon galing sa trabaho, mabuti at mabait ang mga boss niya.
Sumakay ako ng jeep pauwi dahil kulang na ang pamasahe ko kung sasakay ako ng tricycle, kaunting lakad na lang din naman ang bahay namin mula sa babaan ng jeep.
Nagbayad na ako sa driver at bumaba, sinimulan ko nang maglakad sa isang eskinita dahil mas malapit dito. Kailangan pa kasing umikot bago ako makarating sa bahay.
Habang naglalakad ay nakaramdam ako na para bang may sumusunod sa akin. Nakasuot ito ng facemask at hoodie na kulay itim. Nang binilisan ko ang lakad ko ay mas binilisan din nito ang paglakad na para bang hinahabol ako. Nang binagalan ko ang paglalakad ko ay naramdaman ko siya sa likod ko.
“Gago, holdaper din ako.” Sambit ko habang hindi lumilingon sa kaniya.
“Wtf, babe.” Natatawang sabi ni Theo. Shutang ina, bakit hindi niya sinasabing sinusundan niya ako? Napag kamalan ko tuloy siyang holdaper.
“S-sorry! akala ko kasi holdaper ka eh.” Naiinis na sabi ko.
“No, that's bad. Wag mo ring gawin yun, wag na.” Pagpapaalala niya kaya tumango ako.
“Bakit mo ako sinusundan?” Tanong ko habang naglalakad kami.
“Kakatapos lang po namin mag practice for tomorrow, namiss lang kita. Pagpa-paliwanag niya. Hindi na ako sumagot dahil nakarating na kami sa bahay. Mas excited pa nga siya sakin na makauwi dahil alam niyang magluluto ako. Dito na daw siya kakain at uuwi na rin pagkatapos dahil maaga silang pinapapunta bukas.
Nagluto na ako at nag request pa siya. Gusto niya daw ng kare kare kaya sinabi kong lalabas muna ako para bumili ng ingredients. Hindi siya pumayag at sinabing magpapabili na lang sa driver niya dahil gabi na daw.
Ilang sandali pa ay dumating na ang driver at binati pa kami nito. Nagpaturo pa si Theo sa akin kung paano ang tamang pag hiwa ng mga ingredients at kung paano ito iluto. Ingat na ingat naman ako dahil baka masugatan siya, ang kinis kinis pa naman ng balat ng lalaking ito.
“Bango ah.” Sambit ni mama habang palabas ng kwarto at habang papunta sa kusina, nagmano si Theo sa kanya at binati nya rin ito. Tuwang tuwa naman si mama nang makita si Theo na sobrang clingy sa akin.
“Tita, pupunta po ba kayo sa school bukas? Kasali po ako sa Mr Intrams!” Sabi ni Theo.
“Osige, nak. Pupunta si tita.” Nakangiting sabi ni mama. Wow ah, magkasundo.
Tuwang tuwa naman si Theo. Maya maya pa ay dumating na si August, ngiting ngiti pa siya. Malamang ay nakasama niya na naman ang crush niya sa section nila. She's gay and we're fine with it.
Nagpaalam na si Theo para umuwi. Hinatid ko siya sa labas at nag goodluck para bukas. “See you, love. I love you.” Sambit niya.
“I love you, ingat ka.” Niyakap ko siya bago siya umalis.
(THE NEXT DAY)
Maaga akong pumasok para ayusin ang gitara ko at mag practice ng performance ko. Madali na lang naman din dahil pumili ako ng kantang alam ko na.
8am magsisimula ang program. 7am pa lang naman kaya napag pasyahan kong puntahan muna si Theo sa room nila, sinabi kasi ni Kikay na doon inaayusan ang mga candidate. Nagpasama na rin ako sa kaniya dahil hindi ako sanay at nahihiya ako. Nang matapat kami sa room nila ay agad itong lumingon sa akin, kasalukuyan siyang inaayusan kaya napatitig ako sa kaniya, ang gwapo naman. Nasa kabilang sulok naman si Airish at inaayusan din. “Dapat ikaw partner niya eh.” Pagrereklamo ni Kikay sa tabi ko.
Napa-iling na lang ako at sinenyasan si Theo na aalis na muna ako. Dinala ko si Kikay sa canteen at nilibre ko ng breakfast, kanina niya pa kasi bukambibig na hindi siya nag almusal.
Pagkatapos naming kumain ay nakarinig na kami ng nagsasalita sa stage kaya dali dali kaming pumunta doon. Nagpapakilala na ngayon ang mga candidate at nagulat ako nang lumabas na si Theo, ang gwapo talaga shuta.
“Marcus Theo Feriola, Section A.” Sabi niya habang nagpapakilala, napairap naman ako nang makita ko ang kamay ni Airish sa braso nya, pfft.
Nagpakilala pa lamang sila at tinawag na kami sa backstage para sa performance at iba pa. Naghanda na ako at uminom ng tubig bago umakyat sa stage. Nakita ko si Theo sa audience at gulat na gulat ang mukha nang makita ako. Rinig na rinig ko naman ang sigaw ng section namin, nangunguna na si Kikay.
Sinimulan kong tugtugin ang gitara at naghiyawan naman ang mga tao na nasa harap ko.
Daylight - Taylor Swift
My love was as cruel as the cities I lived in
Everyone looked worse in the light
There are so many lines that I've crossed unforgiven
I'll tell you the truth, but never goodbye
“Woaaahhhh!” Sigawan ng mga tao. Hiyang hiya na ako pero pinagpatuloy ko pa rin.
I don't wanna look at anything else now that I saw you
I don't wanna think of anything else now that I thought of you
I've been sleeping so long in a 20-year dark night
And now I see daylight, I only see daylight
Napatingi ako kay Theo na seryosong nakatingin sa akin. Nakapag bihis na siya at nasa gilid lang malapit sa stage dahil babalik na din sila sa backstage mamaya.
Luck of the draw only draws the unlucky
And so I became the butt of the joke
I wounded the good and I trusted the wicked
Clearing the air, I breathed in the smoke
Maybe you ran with the wolves and refused to settle down
Maybe I've stormed out of every single room in this town
Threw out our cloaks and our daggers because it's morning now
It's brighter now, now
Napapikit ako habang kumakanta, I feel free.
I don't wanna look at anything else now that I saw you
(I can never look away)
I don't wanna think of anything else now that I thought of you
(Things will never be the same)
I've been sleeping so long in a 20-year dark night
(Now I'm wide awake)
And now I see daylight (Daylight), I only see daylight (Daylight)
I only see daylight, daylight, daylight, daylight
I only see daylight, daylight, daylight, daylight
Nang malapit nang matapos ang kanta ay napatingin ulit ako kay Theo. Parang tumigil ang ikot ng mundo, i feel safe just by looking at him.
And I can still see it all (In my mind)
All of you, all of me (Intertwined)
I once believed love would be (Black and white)
But it's golden (Golden)
And I can still see it all (In my head)
Back and forth from New York (Singing in your bed)
I once believed love would be (Burning red)
But it's golden
Like daylight, like daylight
Like daylight, daylight
Natapos na ako at nag-palakpakan ang mga tao. I smiled before i left the stage. Pagbaba ko ay sinalubong agad ako ni Theo at hinalikan sa noo.
“That’s my girl.” Sambit niya.
Ngumiti naman ako at nagpaalam na siya dahil magsisimula na ang program at maya maya lang ay iaannounce na ang mga panalo.
May mga nagperform pa na kaklase ko, si Kikay ay sumayaw ng kpop dance kasama ang iba naming kaklase. Ang galing pala nila, hindi ko kasi sila masyadong nakakausap.
Umingay ang buong lugar nang sabihin ng mc na iaannounce na ang mga panalo. Kinakabahan ako, iiyak ’yon kapag hindi siya nanalo, pero sigurado naman na mananalo siya dahil siya ang pinaka magaling at qualified.
Napapikit ako nang sasabihin na ang grand winner. Nanalo bilang Ms. Intrams ang representative ng Section D, deserving naman siya dahil talented at marunong sumagot, maganda pa. Sunod na sinabi ang pano bilang Mr Intrams.
“Marcus Theo Feriola!!!” Sigaw ng mc kaya naghiyawan ang mga taga section A at ang ilan sa mga kaklase ko.
“Boyfriend niya yan!!!” Sigaw ni Kikay habang nakaturo sa akin. Ito talagang babaeng ’to.
Tinanong ng mc si Theo kung anong gusto niyang sabihin at nanlaki ang mata ko.
“I just want to thank my girl, she supported me even tho she's not okay with it at first, iloveyou love. and thankyou too to everyone.” Nakangiting sabi niya habang nakatingin sa mga mata ko.
...