Simula noong narealize ko sa sarili kong may kakaiba akong nararamdaman para kay Olivia, lahat nagbago. Parang bawat araw na kasama ko siya, mas lalo akong nalulunod sa isang bagay na matagal kong iniiwasan. Kaya, sinubukan kong umiwas. Sinadya kong bumangon ng mas maaga para makaiwas pumasok kasama siya. Umiiwas ako sa canteen, sa uwian, kahit sa simpleng chat sa gabi.
Pero habang iniiwasan ko siya, tila lalo akong kinukulong ng sariling damdamin. Sa bawat pag-iwas ko kay Olivia, tila lalong lumalapit si Terence. Nagsimula na naman ang pang-aasar niya, pero sa pagkakataong ito, hindi na ako ganun kaapektado sa kanya—mas apektado ako sa mga sulyap ni Olivia, sa katahimikan niya, sa pag-iwas niya ng tingin tuwing nadadaan ako sa harap niya.
---
Martes ng umaga, habang naglalakad ako mag-isa papasok ng school, sumabay si Terence sa lakad ko.
"Oh, Louise. Anong balita? Hindi na kayo sabay ng prinsesa?" nakangising tanong niya.
Wala akong sagot. Binilisan ko lang ang hakbang ko.
"O baka naman na-realize mo na rin, na hindi ka kabilang sa mundo niya?" dagdag niya.
Narinig ko ang matabang boses niya pero ang utak ko, kay Olivia nakatuon. Napatingin ako sa may hallway—nandoon siya, kasama ang ilang classmates, pero hindi niya ako tinignan. Sa loob ng ilang linggo, ngayon lang ako hindi niya nilapitan o nginitian.
At sa kabila ng lahat ng drama, 'yun ang pinakanakakasakit.
---
Lumipas ang mga araw, paulit-ulit lang ang pangyayari. Pilit kong tinatago sarili ko sa bawat sulok ng school habang sinasadyang iwasan ang pinakaimportanteng tao sa akin. Sa tuwing susubukan niyang lumapit, umiiwas ako. Sa tuwing makikita ko siyang naghihintay sa labas ng room, kunwari nagmamadali ako. Sa tuwing may chance na makipag-usap siya, laging may dahilan ako para umiwas.
Pero isang lunch break, hindi ko na napigilan mapansin ang mga titig niya mula sa kabilang mesa. Hindi siya kumakain, nakatulala lang. Halos isang linggo na akong umiiwas pero ngayon ko lang napansin kung gaano kalungkot ang mga mata niya.
---
“Louise.”
Napalingon ako. Nandoon si Terence sa gilid ko, dala pa ang tray niya. “Libre tayo mamaya, punta tayong mall.”
“Wala akong balak sumama sa’yo,” diretsong sagot ko. Mas matalim pa sa karaniwan.
“Wow. Ang init. Akala mo tayo lang?” pang-aasar niyang biro.
“Hindi,” sagot ko ulit, mas madiin.
Mula sa gilid ng mata ko, napansin kong biglang tumayo si Olivia at lumabas ng canteen.
Parang sinakal ako ng guilt.
---
Kinahaponan, habang nag-aayos ako ng bag ko, napatigil ako nang tumapat si Olivia sa harap ng desk ko. Tahimik siya, pero matalim ang mga mata.
“Pwede kang makausap?” mahina pero seryoso niyang tanong.
Tumango ako, wala nang ibang choice. Sumunod ako sa kanya palabas ng room. Nasa hallway pa lang kami, nagsalita na siya.
“Anong problema, Louise?” diretsong tanong niya.
Napatingin ako sa sahig. “Wala.”
“Wala?” Umirap siya. “Akala mo ba hindi ko napapansin? Hindi mo ba nararamdaman kung gaano ka na kalayo? Kahit maglakad ka sa tabi ko, parang wala ka na.”
Nagkuyom ako ng kamao. Hindi ko kayang tingnan siya.
“Tapos ngayon, kung sino-sino na lang sinasamahan mo. Akala ko ba importante ako sa’yo?”
Sumikip ang dibdib ko. Hindi ko rin alam paano sasagutin. Ang totoo, iniiwasan ko siya dahil masyado siyang naging mahalaga sa akin.
Naramdaman ko na lumapit siya. “Bakit mo ko iniiwasan? Sumama ka na ba kay Terence? Mas gusto mo bang kasama siya kaysa sa’kin?”
“Hindi,” mabilis kong sagot, nanginginig ang boses ko. “Hindi ko siya gusto. Never ko siyang gusto. Kaya nga ako lumayo…”
Huminga ako nang malalim, pilit hinahanap ang lakas ng loob.
“Lumalayo ako kasi natatakot ako.”
“Takot saan?”
Dahan-dahan akong humarap sa kanya. Ramdam ko ang bilis ng t***k ng puso ko.
“Natatakot ako kasi… parang hindi na kita tinitingnan bilang kaibigan,” bulong ko. “Hindi lang ikaw ‘yung kasama ko palagi… ikaw na ‘yung hinahanap ko. Ikaw na ‘yung iniisip ko bago matulog.”
Humakbang siya palapit, pero nanginginig pa rin ako. Hindi ko na natiis ang bigat sa dibdib ko. Sa pagitan ng kaba at pagsisisi, ginawa ko ang pinaka-diwang desisyon na hindi ko na kayang pigilan.
Hinawakan ko ang pisngi niya. Tumingin siya sa akin, nagulat pero hindi umaatras. Dahan-dahan akong lumapit… at hinalikan ko siya.
Marahan, puno ng pag-amin, puno ng pagsuko sa kung ano man ang nararamdaman ko.
Nang maglayo ang labi namin, pumikit ako. “Nagkakagusto na ata ako sa’yo,” mahina kong bulong.
Tahimik lang siya sa ilang segundo bago ngumiti, ‘yung pamilyar niyang ngiti na parang lahat ng bagyo sa mundo ay kaya niyang paamuhin.
“Alam ko,” bulong niya. “Ako rin, Louise. Hindi lang kita gusto bilang kaibigan. Mas higit pa.”
Bumagsak ang mga balikat ko. Parang lahat ng takot ko, unti-unting natunaw.
“Hindi ko na kailangan ng dahilan para samahan ka,” dagdag niya. “Kahit anong mangyari, hindi na kita iiwasan.”
Napangiti ako, sa wakas nakaluwag ang dibdib ko.
At kahit sigurado akong susubukan pa ring manggulo si Terence, isang bagay ang sigurado ako—hindi ko na kailangang magtago, hindi ko na kailangang umiwas.
Kasi sa dulo ng lahat ng pagkalito… siya ang gusto ko.
Si Olivia.