CHAPTER 4

946 Words
Frank’s Point of View “Uncle Frank! Uncle Frank!” Tumatakbong pumasok sa office ko si Cailee. “Yes Cailee, what is it?” I asked her. Pagkaganda-gandang bata. “Aunty-Ninang Diane called. She said I can have my pony now. Isn’t it wonderful?” Nagniningning ang mata ni bagets. “When did Ninang Diane call you?” I asked her. Naku Diane, malalagot ka kay Red. “Just now. She called mommy. And she— she told me my pony is on the way.” Pumasok si Marie sa office na parang sasabog ang ulo. “Ang Diane na ‘yan!” bungad niya. Naupo siya sa chair sa harap ng table ko. “I heard about the pony.” Tinuro ko si Cailee na busy sa paglalaro ng parrot sa cage. “Ayan nga ang ikinasasakit ng ulo ko. Saan ko itatago ang pony na ‘yan?” “We can keep it in my room, Mommy,” suggestion ni Cailee. Pinipigilan kong tumawa. “Hayaan mong si D ang magpaliwanag kay Red,” I replied. “Tatawa lang si Diane. Parang hindi ka sanay sa kaibigan mo,” she replied. May point siya. Tatawanan ka lang talaga ni Diane. Baka kumanta pa ng Vet on your pony ‘yon, lalo ng naloko. After ng rounds ko sa Country Club, nagpunta ako sa clinic. May emergency CS daw ang isang aso ngayon. Complete ang clinic ni Diane, okay fine, clinic namin. Silent partner ako. Ayaw ko lang ipagsabi dahil baka malaman pa ng mga magulang ko. Gulo na naman ‘yon. Nagtayo talaga kami ng hospital para sa mga hayop. Pangarap namin ‘yan noong nasa London kami. Natupad na rin sa wakas. Normal na sa mayayaman na magpa-CS ng mga alagang hayop. Minsan kasi, sobrang dami ng puppies, sobrang liit ng aso. It’s very fulfilling kapag nakita mo nang lumalakad ang maliliit na tuta o kaya kuting sa cage. After kong mapirmahan ang mga birth certificate ng mga tuta, I decided na maglakad-lakad muna. Sisilipin ang mga girls kung ano ginagawa nila sa Grace Hotel. Naabutan ko sila sa studio ni Lise. Nagkakagulo sa photoshoot. Aalis na nga sana ako ng hatakin ako pabalik ni Kaye. Pinaupo ako sa couch at binigyan ng cupcakes. “Bagong flavor. Bilis na, hindi ‘yan matamis,” sabi ni Kaye saka isinubo sa akin ang medyo kalakihang cupcake. In fairness hindi nga matamis, sarap ng combination ng dark chocolate at mint. “Ano?” tanong ni Kaye. Tumango ako at inubos ang cupcake na binigay ni Kaye. “Anong mayro’n? Nagsama-sama kayo?” tanong ko kay Kaye. Namimili siya sa nagkalat na gown sa mga couch. “Photoshoot ng candidate namin,” sagot nito. “Candidate saan?” “Binibining Pilipinas,” sagot niya. Saka itinaas ang gown na puro beads, sequence, at crystals. “Change outfit,” Lise said somewhere sa mga nagkukumpulang tao malapit sa mga spotlight niya. Lumapit sa amin si Bella na naka-swimsuit. In fairness kay ate girl, maganda ang katawan at hindi sakang. Iyon ang importante sa mga candidate sa mga pageant. Iyong iba, Lord, kitang-kita ang siwang ng hita. “Hi,” bati ni Bella sa akin. Hindi nakaligtas sa akin ang pagtaas ng kilay ni Lise. “Nagustuhan mo?” tanong niya. Tinuturo ang hawak kong balat ng cupcake na hawak ko pa. “Yeah. It tastes perfect for me,” I replied. “Great. I’ll make it as a permanent flavor,” she replied. Lise looked me like I will run away anytime soon. Sinamahan ni Kaye na magbihis si Bella. Umupo si Lise sa tabi ko at kumuha ng cupcake. “Ano sa tingin mo?” ngumuso si Lise sa direction na pinuntahan ni Kaye at Bella. “Maganda ‘yong gown. Parang may peak-a-boo na drama,” I replied to her. Humalpak ng tawa si Lise. “Taragis ka. Si Bella ang tinatanong ko, hindi ‘yong gown.”  I rolled my eyes. “Stay here muna. Para makalabas naman tayo mamaya.” “Iyong mga chikiting gubat niyo ba, hindi kayo hahanapin?” I asked her. “Kaya ako wala pa akong anak,” Sam said confidently. “Sayang matris mo girl. Dapat gamitin mo ‘yan,” I commented. “Sino ba ang may sabing hindi ginagamit ‘yong matris ni Sam?” natatawang tanong ni Trisha. “Gamit na gamit ‘yan.” Muntik ko nang maibuga ang cupcake na kinakain ko. Bastos na Trisha na ito. “Kailan ang balik ni Diane?” tanong ni Cheska. “Ewan ko. Baka matagalan kasi nagsakay pa ng pony,” tumatawang sagot ko. “Dadalhin na raw ‘yong pony na pinangako niya kay Cailee. Ang bagets kanina tuwang-tuwa na ibinalita sa akin. Sakit ng ulo ni Marie.” Nagtawanan sila. Kulit kasi ni Diane, sinabihan na nga na huwag dalhin ang pony. Dadagsa ang pony na Country Club. Syempre, papatalo ba ang mga anak ng rich and famous na members sa prinsesa ni Red? Paglabas ni Bella, natahimik ang lahat. f*****g hell, ang ganda talaga ng gown. “Perfect,” Lise commented. “Taasan mo pa ang slit ng kaunti, Kaye. Tapos, half updo mo ang hair with curls at the end. Tapos lagyan mo na lang si ate girl ng highlighter sa may cheek bone saka sa collar bone niya,” I commented. Para kasing kulang sa glow. Nanlaki ang mata ni Bella. “Bakit mo… alam ang mga bagay na ‘yan?” “Huh? Malamang, girl. Bakla ako e,” I replied to her. And to my horror— umiyak si Bella.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD