CHAPTER 5

760 Words
Bella’s Point of View “Bakla ka?” I asked him. Humagulgol talaga ako ng iyak. Nataranta sila kung paano ako papatahanin. Pinaupo nila ako sa couch. Saka binigyan ng tissue, tubig, at pamaypay. “Juice colored.” Naitirik ko ang mata ko. “Parang ikaw lang ang hindi nakakaalam. Hindi ba halata?” “Baka naman phasing lang ‘yan? Confirmed ba?” I asked again. Ano bang heart break ‘to? Bakit ang sakit? “Anong phasing?” parang naiinsulto na tanong nito. “Ay, gaga yata itong contestant niyo,” he told his friends. Hinampas siya ng throw pillow ni Sam para manahimik. “Bakit umiiyak ka?” he asked me. “Kasi— mahal kita. Tapos…” “My God!” napatayo ito. Parang diring-diri sa revelation ko. “Umupo ka,” Trisha told him.  Pinagtulungan siyang paupuin nila Kaye. “Ate girl, hindi tayo talo. I appreciate your kindness and sweetness pero girl at heart din ako. Same tayo ng gusto. Huwag mo akong iyakan, buhay pa ako,” he told me. Medyo matagal bago tumigil ang mga luha ko. Nang alam kong kaya ko nang magsalita saka nag-sink in sa akin na nakakahiya ang ginawa ko. “Okay ka na ba Bella?” nag-aalalang tanong ni Trisha. “Sorry po. Pwede po bang sa ibang araw na lang natin ituloy ‘to?” hindi ako makatingin sa kanila. “Oo naman. Isang outfit na lang naman. Magpahinga ka na muna,” Lise advised me. I tried to smile. Ito ang pinakamasakit na break up. Iyong tipong ikaw lang ang nasaktan. Nasaktan ka kasi umasa ka. Umasa na magiging kayo pero hindi naman pala. Dahil hindi babae ang gusto niya. “Sorry po talaga.” Tumayo ako at nagmamadaling nagpalit ng dahit sa change room. Mabuti na lang at mayroon akong assistant na pwedeng pag-iwanan ng shop. Kaya nang nag-message ako kay Yumi at Merjie, alam nila kaagad na may problema. Pinapunta ako ni Yumi sa bahay ng Papa niya sa loob ng Country Club. “Anong nangyari?” tanong ni Yumi nang yumakap kaagad ako sa kanya pagkabukas ng pintuan. “Bella? What happened?” pati si Cloud, nag-aalala na rin. Wala pa si Merjie pero papunta na raw. Pinapasok ako ni Yumi at pinaupo sa sala nila. Humihikbi na ako dahil kanina pa ako iyak nang iyak. Hindi na nakuhang kumatok ni Merjie. Bigla na lang siyang pumasok sa bahay at dumiretso sa amin. “Bella. Bakit umiiyak ka? Ano nangyari sayo?” tanong nito. Kasunod nito si Redgie na nagtataka na rin siguro bakit humahagulgol ako. “Si Frank…” “Anong ginagawa sayo ni Frank?” tanong ni Cloud. “Bakla… bakla siya…” napahagulgol na naman ako. “E? matagal na naming sinasabi sayo ‘yan,” Yumi replied as if I don’t know. “Ang sakit…” I told them. Alam kong nagpipigil ng tawa si Cloud kaya lalo akong naiyak. “He was never mine, but it still hurt. Ang masakit pa hindi babae karibal ko kung hindi lalaki…” Tumawa si Merjie. Nakuha niya pang tumawa sa mga oras na iyon. “Ay, sorry, Bella. Kasi paminta siya. Hindi totally na bakla. Hindi ba, Cloud?” “Wala akong alam d’yan,” sagot nito. “What do you mean by that?” Nabuhayan ako ng loob. “Ano siya— ano bang term do’n— ah, basta. Hindi pa siya bading na bading. Baka confused lang, gano’n,” sabi ni Merjie. Nakatingin si Redgie at Cloud sa amin. “Hindi alam sa kanila na gay siya… sort of gay. Hindi ba, Cloud?” “Ewan,” sagot nito. “Wala ka ba talagang ishe-share sa amin?” tanong ni Yumi. “Kasi ano…” naku, naipit na si Cloud. “Complicated si Frank.” “Panong complicated?” tanong ni Yumi. Sige, Yumi. Magtanong ka pa. Sayo lang magsasalita ‘yan. Napakamot ng ulo si Cloud saka tumingin kay Redgie. “Wala akong alam, pre,” sabi ni Redgie. “Hindi kasi siya nagkakagusto sa babae,” kwento ni Cloud. “Pero hindi naman kasi siya kagaya ng bakla na babae na manamit. Basta, hindi ko rin maexplain.” “Mag-move on ka na lang, Bella. Mas mahirap kung aasa ka pa,” dugtong ni Cloud. “Bakit gano’n?” naiyak na naman ako. And we started, all over again. Bakit kasi gano’n? Bakit kasi baklita ka, Frank?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD