Kabanata 3

2380 Words
Kabanata 3 After Six Years I HEAVE a deep sigh. This is it. The time already comes. Goodbye to the very important thing i have—that'll gone soon. Goodbye, freedom. "Sigurado ka na ba? Pwede mo naman siguro siyang takasan diba?" narinig 'kong tanong ni Klariz sa akin. Pareho kaming nakaupo sa kama ko, at magkaharap na nag-uusap. Klariz is my bestfriend since i came here in Russia to study. Pareho kaming pagdo-doktor ang gusto, kung tutuusin pwede naman na sa Pilipinas na lang ako mag-aral kaya lang, parang nai-imagine ko na pag duon ako nag aral ay may mga matang nakamasid sa akin. Lalo na't makapangyarihan at mayaman ang asawa ko. Asawa ko. Yes. I promise to be his wife after six years. Makakaya ko kaya? Magkakasundo kaya kami? Ano na kayang itsura nya ngayon? Nakaka-intimidate pa rin ba siyang kausap? Is he still serious and emotionless? I sighed, as i laid my back on the soft mattress. "As if naman na hindi nya ako mahahanap pag tumakas ako." ani ko naman. I hear Klariz sighed. "So, tatanggapin mo na lang na makulong ka sa loveless marriage na iyan?" ani pa nito. "Wala na akong magagawa, Klar. This is my fate. Tinanggap ko na ito six years ago, at nangako ako sa kanya na magiging mabuti akong asawa paglipas ng anim na taon." sabi ko, kasunod ang pagpapakawala ng isang malalim na buntong hininga. "He grant my favor before, and it's my responsibility to do this—to be his wife." Naramdaman ko rin ang paghiga ni Klar sa tabi ko. "Hayst. Siguraduhin mo lang na gwapo yang asawa mo, kung hindi pagagawain ko nang paraan si Drake para paghiwalayin kayong dalawa." nagbababalang sabi pa nito. Drake is her cousin, isa itong magaling na lawyer. Kaibigan ko din si Drake, pero kailan lang umamin ito na may gusto siya sakin. Drake is a handsome, manly and kind. Maraming nagkakagusto dito dahil boyfriend material naman talaga ito. Pero, sa totoo lang wala talaga akong nararamdamang atraksyon sa kanya. Hindi ko alam kung hindi ko talaga sya tipo, o baka naman napipigilan lang ako sa pagkahulog sa kanya dahil sa katotohanang may asawa na ako. Kasal na ako. Not in the church though. Pangarap ko pa naman na ikasal sa simbahan. But look what happened to me instead? Walang kasal sa simbahang nangyari, wala ring proposal na naganap, at mas lalong walang pagmamahal na nabuo. Ballpen at pirma lang ang nangyari then boom—i'm married. I remained silent, hanggang sa si Klar na ang bumasag ng katahimikan. "I wish you goodluck, Raye. Hindi madali ang magkaroon ng asawa, lalo na kung loveless marriage pa. You need a lot of goodlucks." I smiled, sweetly at her. "Thank you Klar. Thank you for everything that you've done for me. For being there when i was in my downs. For giving me strength and for helping me. I wish you goodluck too pag nakabalik ka na din ng Pilipinas." I said. Klar smiled. "Magkaibigan nga tayo. Pareho tayong tumakas at nagpunta ng Russia para magbagong buhay, but we still need to go back and face the reality." She said. Tama sya. Pareho kaming dalawa. "Maaayos din ang lahat." I said, before i felt my eyes dropping close for a heavy sleep. "DALA MO NA BA LAHAT NG GAMIT MO?" tanong ni Klar matapos naming makababa sa kotse ni Drake. Kasalukuyan na kaming papasok ng airport dahil ito na ang araw na kailangan kong bumalik sa Pilipinas. "Oo. Dala ko na lahat." paniniguro ko naman. Klar just nod at me, when i felt someone stand beside me. Nilingon ko kung sino iyon at agad ko namang nakita si Drake na malungkot ang itsura. Nginitian ko muna ito at pi-noke ang pisngi. "You look awful." I joke, expecting him to lessen the sadness in his eyes. Pero wala man lang nabawas dito. Talagang malungkot pa din siya. "Dinala mo na lahat ng gamit mo, ibig sabihin wala ka nang balak na bumalik." pagsasalita naman nito, na ngayon ay nakatingin na ng diretso sa mga mata ko. Nakagat ko ang pang-ibaba 'kong labi bago siya sinagot. "Drake, hindi porke't dala ko ang mga gamit ko eh hindi na ako babalik. If there's a chance, i will go back here to visit the two of you." I mumbled. "Bakit ka ba naman kasi nagpakasal agad?" halata ang inis sa boses nito. Unlike Klar who knows everything, Drake only knows that i am married. Married to the man i love, hindi nya alam na marriage for convenience lang ang mayroon sa amin ng asawa ko. Ayoko na kasi na umasa pa sya sakin. Yes, hindi kami nagmamahalan ni Danger ng pumirma kami ng kontrata but still asawa ko na sya. And i don't want Drake to feel hurt even more. Tama nang alam nyang mahal ko ang asawa ko kesa magkaroon pa sya ng dahilan para agawin at ipaglaban ako. It's much more easier. Lalo na't alam ko sa sarili ko na hindi ko kayang suklian ang pagmamahal na gusto niyang ibigay sakin. I shrugged my both shoulders. "Well, i fell inlove at the age of 18. That's the reason." I lied. I saw pain crossed his face but it didn't last long. Instead, Drake released a consecutive deep breaths before lifting his eyes up on me. He smiled, sadly. "Mag-iingat ka dun, Doc. Sebastian." aniya pa. Napangiti naman ako sa sinabi nya. "You too, take care here Attorney Llano." I said, at ako na ang yumakap sa kanya. Naramdaman ko naman ang pagyakap din nito sa akin. It's hard to lie at you, Drake. But i need to do this, and you need to know it. We both need it. "Alagaan mo si Klar, ha?" Bilin ko naman. I felt him nod. "Duly noted." He said. Ako na ang naunang kumalas sa yakap namin, sinunod kong lapitan si Klar na kasalukuyang hila ang maleta ko, at malungkot ang mga matang nakatingin sakin. I smiled at her. "Wag ka ngang malungkot, magkikita din naman tayo agad. Ilang months lang din, pupunta ka na ng Philippines to settle your issues. So it's not a goodbye, it's see you soon." I said, as i pulled her for a hug. Klar was the one who were there when i really need someone's help and care. Kaya malaki ang utang na loob ko sa kanya. Kung wala siya—sila ni Drake, baka hindi ko nakayanan ang mag-isa sa Russia. She's like Flurr, kaya lang nagkahiwalay kami ni Flurr dahil palihim ang naging pag-alis ko noon. I'm sure, sobrang laki ng tampo nun sakin. Lalo na't wala man lang akong paramdam sa kanya. "Mag-iingat ka dun, Raye ah? Call me if you have time. Or email me if you want. Basta, andito lang ako palagi. Okay?" She said, sobbing. "Ofcourse." bulong ko, bago bumitaw sa yakapan namin. "Sige na. Papasok na ako sa loob, mag-iingat kayo pauwi." paalala ko naman. They both nod at me, and for the last time i smiled at them before i turned my back and started walking towards the airport's entrance. Sakto naman na pagdating ko sa waiting area ay narinig ko nang tinawag ang Flight number ko, kaya agad akong nag-boarding. After a minute or so, I'm already walking towards the airplane. The plane which will brought me back to home. To the Philippines. MAINGAT AT TAHIMIK akong naglalakad sa Arrival Area. Halos 8 hours din ang binyahe ko mula Russia, and thank god! Safe naman akong nakarating. I'm not expecting someone to fetch me, since wala naman akong sinabihan tungkol sa pag-uwi ko. Ang alam nila Tito, after six years ako babalik. But they didn't know when is the exact date. Pero kung matandain sila sa araw, maiisip nila na ito ang saktong araw na iyon. April 6. Exactly six years before, we both signed the contract. It means, this is our 6th Marriage Anniversary. But, maybe i am only the one who remembers this day. I'm sure walang halaga para kay Danger ang araw na to. It was like a normal day for him, samantalang ako. I'm always having a cake when this day comes. Still celebrating, even though it's not a real marriage. Paglabas ko sa exit ng NAIA, agad akong nagtawag ng Taxi na masasakyan. Hindi naman nagtagal dahil maraming yellow cabs na nag-aabang ng mga pasahero. Matapos malagay ng mga maleta ko sa compartment ng kotse, agad akong pumasok sa loob, at kaagad na tinawagan si Tito. Ilang rings lang din ay sumagot na ito. "Hello, This is Attorney Steve Vallega, What can i do for you?" I heard him said from the other line. "Tito Steve it's me, Raye." I said. I heard him gasps from the other line, "What? Wait—my phone says that this call is coming from the Philippines. Don't tell me andito ka sa Pilipinas?" Pagtatanong naman ni Tito. "Tes Tito. I'm back." "Really? Bat hindi ka nagsabi edi sana nasundo na lang kita." ani pa nito. Napangiti naman ako. Still caring and sweet. "No need na Tito. Kaya ko naman po. Uhm, actually tumawag po ako para ipaalam sa inyo na andito na ako sa Pilipinas at para hingin ang address ng bahay ni Danger." ani ko naman at napakagat labi. Nakita ko naman na pumasok na ang driver sa loob ng taxi. "Pupuntahan mo na sya? Ngayon din?" Tanong ulit ni Tito. "Yes. So, where can i find him?" i asked. "Okay. Here is his address." Anito, at agad naman itong nagbigay ng address na hindi pamilyar sa akin. "Mag-iingat ka." dagdag naman nito. "Okay po. thanks Tito. See you soon." ani ko, at agad na pinatay ang tawag. Mabilis kong sinabi sa driver ng taxi ang address, at mabuti naman ay alam nya ang lugar na iyon kaya nakahinga ako ng maluwag. Agad na nagsimula ang byahe namin, habang ako naman ay patingin-tingin lang sa paligid. So, ganito na pala ang itsura ng Pilipinas. Maraming pagbabago simula ng umalis ako. But still, the feels is there. Iba talaga pag nandito ka sa sarili 'mong bansa. Our journey continues, at napasandal na lang ako sa upuan ko at ipinikit ang mata. I feel so tired all of a sudden. Hayst. That 8 hours flight is tiring! And namalayan ko na lang ang sarili ko na pahimbing na ang tulog. "MAAM. Gising na ho." Napadilat ako, at napakurap-kurap nang maramdaman ko ang marahang tapik sa balikat ko. Agad na rumihistro sa mukha ko ang mukha nung driver ng taxi na kinalululanan ko. Agad naman itong ngumiti ng makitang nagmulat na ako. "Pasensya na ho maam kung naistorbo ko kayo. Kaya lang po, nandito na po kasi tayo sa address na bigay nyo." ani naman nito. Mabilis akong nagpalinga-linga sa kaliwa ng kotse at halos wala naman akong makitang bahay dito. Seriously? Lumingon ako sa kanan at duon ko natagpuan ang napakalaking gate na may nakasulat na 'Tan's Residence' Agad akong lumabas mula sa loob ng kotse at namamanghang tumingin sa malaking itim na gate. Hindi ko makita ang loob nito pero natitiyak 'kong malaki ang bahay na nasa loob. Sa gate palang, natitiyak ko na. Napansin ko naman ang pagbukas ng maliit na pintuan ng gate, at lumabas duon ang isang medyo pandak at matabang matandang lalaki na nakasuot ng pang-guard na outfit. "Sino ho kayo Ma'am?" rinig 'kong tanong nito. Dahan-dahan akong naglakad palapit dito at agad na nginitian ang guard. "Uhm, dito po ba nakatira si Mr. Steven Danger Tan?" Tanong ko naman. Nakita 'kong natigilan ang gwardya kasunod ang pagtingin sakin mula ulo hanggang paa. Sunod ay may kunot sa noo na itong nakatingin sa akin, "Sino ho kayo at anong kailangan nyo kay Sir?" pagtatanong naman nito. I gulped. "I'm Khaliya Raye Sebastian—Tan. His wife." I honestly commented. Nakita ko ang paglaki ng mata nito, at pag-awang ng bibig. Napakunot noo naman ako sa naging reaksyon ng guard. Balak ko na sanang magtanong ng maunahan ako nitong magsalita. "Kayo po pala si Ms. Khaliya. Pasensya na po kayo, hindi ko kayo agad na nakilala." anito. "Sige po pasok na ho kayo. Ako na po ang bahala sa mga gamit na dala niyo." anito pa. Napatango na lang ako sa kalituhan. Hindi nya ako namukhaan? Pero kilala nya ako at alam nyang asawa ako ng amo niya? Don't tell me pinaalam ni Danger ang tungkol sa kasal namin sa mga nagtatrabaho sa kanya? Oh well mas better na siguro iyon. Malalaman na rin naman nila iyon sa mga susunod na araw. Mas maganda nang nuon pa alam na nila. Hahakbang na sana ako papasok sa loob, nang mapansin ko ang paghinto ng isang itim na kotse sa tapat din mismo ng gate. At lumabas duon ang lalaking nakasuot ng itim na tuxedo. Tinitigan ko ang mukha nung lalaki. He's handsome, but definitely not my husband. "Magandang umaga po Sir Jecko." rinig kong bati sa kanya nung guard. Nginitian nya naman ito, ngunit agad ding ibinaling ang tingin sa akin. "Sino siya?" pagtatanong naman nito. Napatingin naman sakin yung guard bago ngumiti ng matamis dun sa Jecko. "Siya po ang asawa ni Sir Steven." Anito. Nakita ko ang pagkunot ng noo nung Jecko, bago nilingon yung guard. "What? Asawa?" I frowned with that. Wait—sino ba to? "Yes po. Si Miss Khaliya po." ani pa nung guard . Nakita ko ang pagkagulat sa mukha nung Jecko, bago lumapit sa akin. "Ohshit. Ikaw si Khaliya Sebastian?" tanong naman nito. I gulped before nodding. "Yes. Ako nga." "s**t. Alam ba ni Sir Steven na ngayon ka dadating?" aniya pa. I shook my head and smiled. "No. No one knows about this other than myself." I said. Jecko sighed, then he pointed the black car. "Sumakay na po kayo sa kotse. Ihahatid ko kayo kay Sir Steven." aniya. My forehead creased. "Wait. Diba dito na ang bahay niya?" I asked. He nods. "Yes. But he's not staying here. He has another house. At duon kayo titira ni Sir." paliwanag naman nito. Napatango naman ako, at kaagad ding naglakad papunta sa itim na kotse at pumasok duon. I saw the guard and Jecko took my bags and luggage to the car's compartment. Habang ako ay napasandal muli sa upuan ko. Ilang sandali na lang, magkikita na tayo ulit, Danger.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD