Kabanata 4
NAKARAMDAM ako ng kaba nang maramdaman ko ang paghinto ng kotseng kinalululanan ko sa harap ng isang malaking bahay. Wala itong gate na malaki katulad nang nakita ko kanina, pero mas mukha itong simple at i think mas magiging komportable ako sa ganitong tirahan.
"Here is the house that is named for the both of you." I heard Jecko said. Naramdaman ko ang pagbukas at pagsara ng pinto ng driver seat, at nakita ko si Jecko na binubuksan ang pintuan sa back seat kung nasaan ako. "Labas na po kayo, Ma'am." anito.
Tumango naman ako at mabilis na lumabas. Napatitig ako sa bahay. Mukha itong tahimik. I wonder tuloy kung ilan ang maid ni Danger sa bahay na ito. Hmm, i'm sure madami. Mayaman siya kaya kaya niyang magbayad ng maids at iba pa.
"Let's get in, Ma'am." rinig kong aya ni Jecko—na kasalukuyang nakatayo sa tabi ko habang hila hila ang dalawang maleta na dala ko, at ang isang bag ba naglalaman ng mga gadgets ko. Napakagat labi ako sa pag-iisip na baka nahihirapan siyang magbitbit, pero nawala din iyon ng matagpuan ko ang mata niyang nakatingin sa akin at agad akong nginitian. "Don't worry Maam, kaya ko. Atsaka, hindi naman ganun kabigat ang luggage niyo." anito pa.
Muli naman akong napatango at nginitian siya. "Uhm, teka jecko. Kaano-ano ka ba ng asawa ko?" asawa? s**t. Bakit parang ang sarap sa pakiramdam pag sinasabi ko yon? Weird.
Jecko smiled. "I'm his head security guard s***h secretary." he said. Sa tono nito, mukha namang close sila ni Danger, at parang magkakasundo naman kami. Para rin pala siyang boss niya, nakaka-intimidate. Pero, siya nang nagtagal bumait.
I wonder kung ganun din si Danger. Nung huli ko siyang nakita after 'nung pirmahan ng marriage contract namin, sobrang nakakatakot at nakaka-intimidate sya dahil sa kaseryosohan ng mukha niya. Sana sa umpisa lang sya nakakatakot at nakaka-intimidate.
Naunang naglakad papasok sa bahay si Jecko, habang ako ay nakasunod lang naman sa kanya. Agad nitong pinihit ang pinto ng bahay, at sinenyasan akong pumasok na sa loob.
Hanggang makapasok, ramdam ko pa rin ang katahimikan sa loob ng bahay. Maliwanag ang bahay dahil sa kulay asul na pintura nito, at sa magagarang at natitiyak 'kong malambot na sofa na nasa living room.
May 59 inches na Flatscreen TV din dito.
"Maam Khaliya, It's better for you to make yourself relaxed first. Pupuntahan ko lang si Sir Steven para ipaalam ang pagdating niyo." anito at akmang lalakad na paakyat sa Spiral Staircase nang pigilan ko siya.
"Wait." I blurted out. "Pwede bang ako na lang ang pupunta sa kanya?" I asked nervously.
"Are you sure?" paninigurado naman nito na sinagot ko ng pagtango.
"Yes." I said.
"Okay Maam. Nasa office nya po siya. Second floor, 1st room on the left." Aniya. "Dadalhin ko na lang po ang mga gamit nyo sa loob ng kwarto ninyong mag-asawa." anito, at agad na tumalikod buhat buhat ang mga bagahe ko.
Kwarto naming mag-asawa? Hmmm.
Agad akong sumunod kay Jecko na paakyat din pala. Naghiwalay lang kami ng sa kanan siya nagpunta. Maybe duon ang kwarto namin. Habang ako naman, agad akong kumatok sa unang pinto mula sa kaliwa na sabi ni Jecko. So, he have his office inside his house.
I knock three times, before i hold the doorknob and pushes the door to open it. A combination of Black and White appeared on my sight. Then a glass table, and black and white tiled floor. Naamoy ko agad ang panlalaking pabango na talagang masarap sa ilong.
Nag-settle ang mga mata ko sa table niya na walang ibang laman maliban sa ilang papers. Ni isang picture frame wala akong nakita.
Pero, ang mas nakapagtataka ay kung nasaan si Danger? Bat hindi ko siya makita? Akala ko ba nandito siya sa office nya sabi ni Jecko? But he's nowhere to be found.
Inikot ko ng tingin ang opisina ni Danger, at agad kong napansin ang isang pintuan. Napataas naman ako ng kilay sa nakita. So, inside a room there's another room.
I walk towards the door, and sighed first before i grab the doorknob—but before my hand landed in it, the door opens. And a handsome half-n***d guy surprised me.
Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang pang-itaas na katawan ng lalaki. Mula sa mukha nito, bumaba ang tingin ko sa malapad nitong dibdib, at sa—s**t! 8 packs!
Pakiramdam ko pinagpapawisan na ako dahil sa nakikita ko sa harapan ko.
"Who are you? Why are you here inside my office?" I heard the guy ask me kaya nabalik ang tingin ko sa mukha niya. Unlike me, mukhang hindi man lang nito inalintana ang pagiging half n***d sa harap ko. Matalas ang mga mata nitong nakatingin sakin, nakakunot ang noo nito at seryoso ang mukha.
No more questions, i already can tell that this guy infront of me is none other than my husband, Danger. After six bj u hstill manage to make me feel intimidated.
I sighed first before smiling sweetly at him. "Hi Danger, it's me. Your wife, Khaliya." I said. After 'kong sabihin iyon, umaasa ako na magugulat siya pero tila nabigo ako dahil wala man lang pagbabago sa reaksyon nito. Still, seryoso pa din.
"My wife? Oh, yes. I remember! The one who pay their debts by marrying me. Naaalala na kita." He said casually, without any emotion visible on his face.
Hindi ko alam kung bakit but somehow, i felt insulted. Para kasing ang pinaparating niya, mukha akong pera—na ginamit ko lang sya. Though, he's right. Ginamit ko lang naman talaga sya para mabayaran ang utang ng pamilya ko. But on the other hand, i'm here. I sacrifice my freedom just to pay their family.
Mukhang napansin naman nito ang pananahimik ko, kaya tumikhim ito. "Does Mr. Vallega know about this?" He ask. Still, his aura intimidates me. Sigh. Paano ko siya mapapakisamahan kung ganyan siya parati?
I nodded. "Oo. Tinawagan ko na siya kanina." sagot ko naman kasunod ang paglunok at nagpakawala ng isang matamis na ngiti. "Uhm, may lakad ka?" pagtatanong ko naman. I want to be comfortable with him. Kahit na nakaka-intimidate syang kausap, still asawa ko pa din siya. I need to endure his attitude.
Ramdam ko ang pagtitig nito sa akin bago ito naglakad at nilampasan ako. Sinundan ko siya ng tingin—and Gosh! Hindi ko ipagkakaila na ang macho niya. His muscles are placed on the right places. Natitiyak 'kong madaming babae ang nangangarap na makasama ito, pero akin siya. Asawa ko siya kaya akin siya.
Shit! Ano ba 'tong iniisip ko? Kelan pa ako naging possessive at territorial? At sa dinami-dami sa asawa ko pa? Gosh!
"I'm going to the company." Sagot nito na ikinatigil ko sa panenermon sa sarili ko. "Do whatever you want here in my house. Kung nagugutom ka, you can order foods at magpa-deliver ka na lang. Wala akong maid dito kaya kung marunong kang magluto, feel free to use the kitchen." He said while wearing his tux.
I cleared my throat, "S-sige." ani ko naman. "Mag-iingat ka."
He just nod, before walking out of the room. Nang tuluyang mawala sa paningin ko ang likod nito, napahinga na lang ako ng malalim. He's cold, and i'm wishing that maybe after some days or so magiging malapit na kami sa isa't isa. I promised to be a good wife. And i will do that.
Kahit na ayaw niya sakin, responsibilidad ko na ako naman ang tumupad ng pangako ko.
I sighed once more, before i decided to go out of the room. Balak ko na sanang bumaba, nang mahagilap ng mata ko ang kwartong pinaglagyan kanina ni Jecko. Kung hindi ako nagkakamali, ito ang tinutukoy niyang kwarto naming mag-asawa.
Wala naman sigurong masama kung papasok ako sa loob hindi ba? It's not considered as trespassing since i'm his wife. May karapatan naman ako diba?
I sighed deeply again. Ano 'bang nangyayari sa akin? Since my feet touches this house, nagsimula na akong mag-doubt sa sarili ko.
Hindi dapat ako nagpapa-apekto. We are married. No matter what attitude he does at me, still he is my husband and i'm his wife. We both signed the contract.
Hinawakan ko ang door knob, at pinihit iyon. Katulad nang bahay, Black and White din ang pintura ng kwarto ni Danger. Dahan-dahan akong humakbang papasok sa loob, at napangiti nang makita ang dalawang frames na nakapatong sa bedside table.
Lumapit ako duon at napangiti nang makita ko ang batang si Danger. Tisoy ito at payat pa ang pangangatawan. Ganun pa din ang itsura niya kaya lang mas bata siya dito, at isa pa ang kakaiba sa kanya. Dito sa larawang ito, nakangiti siya at mukha siyang masaya.
Napahinto ako at napatakbo sa bukas na bintana ng kwartong ito nang marinig ko ang tunog ng sasakyang papalayo.
So, he's now going to his work. Akala ko pa naman hindi siya papasok sa trabaho niya para i-entertain ako. But on the second thought, bat naman nya pala ie-entertain? Baka nakakalimutan 'kong ako ang may utang na loob sa kanya, kaya ako dapat ang maging mabait at hindi siya.
Sa halip na mas magdrama, bumalik ako sa may bedside table at pinagmasdan ulit ang larawang nanduon.I wonder what happened to him before that causes him not to smile this wide again. Mas gwapo siya kapag nakangiti siya.
Napahinga akong muli, bago tumuon sa King size na kama. Black and white din ang bed sheet nito, at halatang komportableng higaan. So, from now on. Dito na ako matutulog.
Katabi siya.
I smiled with that thought, but it stopped quickly. Bat ba ako masaya na katabi ko siyang matutulog? As if naman na mahal namin ang isa't isa at para kaming bagong marriage couple na masayang magtatabi sa first night nila.
It's the opposite. Were not in love with each other kaya bakit ganito ang nagiging reaksyon ko? Aish.
Napairap na lang ako, at napagpasyahang lumabas at bumaba para magluto sa kusina. I felt empty all of a sudden because of the silence i'm on. Ito na ang magiging buhay ko sa araw araw, palaging mag-isa.
Raye. Kailangan mong magtiis. Wala kang karapatang mag-reklamo, lalo't tinupad niya ang pangako niya sayo. Remember that!
Malapit na ako sa kusina nang mapahinto ako at may naisip. This is our wedding anniversary, maybe i can order some foods just to celebrate this. Napangiti naman ako. Tama. I need to celebrate this day.
NAKATUON ang mga mata ko sa wall clock na sa dingding ng living room. It's way past 6 in the evening pero wala pa din sila Danger. Kanina pang 4 ako natapos sa paghahanda, kaya natitiyak 'kong malamig na ang mga pagkaing niluto at inorder ko.
Bakit ba kasi ang tagal nila? 7 pm pa ba ang out ni Danger sa office? Akala ko katulad din sa Russia na pag 6 pm, uwian na ng lahat ng employee. Siguro iba dito.
Maybe, i should start heating all the foods that i prepared, para pagdating nila main—
"f**k. It's tiring!" I stilled when i hear that voice from the direction of the door. I smiled. They are here!
Agad akong tumayo, at naglakad palapit sa pintuan para salubungin sila. Nang tuluyang bumukas ang pinto, agad akong ngumiti nang makita si Danger.
"Good evening." I greeted happily na ikinalingon nito sa akin. Kahit gabi na at pagod galing sa opisina, i can tell that he's still looks so handsome with his suit on. Bagay na bagay sa kanya ang business suit na suot nito.
"Hey." He just greeted back, kasunod ay nilampasan na lang ako nito at nagtungo sa living room. Napakagat-labi naman ako nuon dahil sa pagkalungkot na naramdaman ko. He greets me as if i'm just nothing to him. Sabagay, ano nga ba ako para sa kanya?
"Hi, Miss Raye. Good evening."
Napahinto ako sa pag-iisip nang malalim nang marinig kong may bumati sa akin. Napangiti naman ako nang makita si Jecko na kapapasok pa lamang sa bahay. "Good evening din Jecko." balik bati ko naman.
Jecko nod at me, "What did you do today?" Jecko asked me. Mabuti pa si Jecko, kinakausap ako hindi katulad kay Danger na mukhang walang balak na kausapin man lang ako ng matagal.
"Actually, nagluto ako nang makakain. But—" I paused. "I need to heat it since kanina pang four pm yon naka-prepare. Baka malamig na ang mga iyon sa kusina. Teka lang." ani ko at akmang hahakbang na patungong kusina nang magsalita si Jecko.
"I'll help you, Miss Raye." offer pa nito.
Nginitian ko naman ito at tinanguan. "Sige. Tara sa kusina." sabi ko, at kaagad na humakbang. And since madadaanan ang living room patungong kusina, pasimple 'kong sinilip si Danger na kasalukuyang nanunuod ng tv, pero halata ang inis sa mukha nito.
Ano kayang meron sa pinapanuod niya? Mukha siyang galit. Piping ani ko sa sarili.
Nang tuluyang makapasok ng kusina, narinig ko ang pagsinghap ni Jecko na ikinatingin ko sa kanya. "What happened?" I asked, worriedly.
He pointed the table where the foods that i prepared is located. "Anong mayroon at bakit andaming pagkain?" pagtatanong naman nito, at halata ang gulat sa mukha nito.
Napangiti naman ako. "Well, there's a celebration we need to celebrate." I honestly answered.
"Celebration? Wait—Don't tell me birthday mo Miss Raye?"
I almost laugh on his guess. "Silly, its not my birthday today."
"Then, anong meron?" takang tanong naman nito.
I smiled widely again. "Actually, this day is I and Danger's Sixth Marriage Anniversary."
Halata ang pagkagulat sa mukha nito, pero agad ding sunud-sunod na napatango. "Oh, i see." anito. "Uhm, uunahin ko na itong i-microwave." rinig 'kong sabi ni Jecko, bago kinuha ang adobong niluto ko.
Nagsimula na din naman akong ayusin ang mesa, at hinintay na matapos ang pag-iinit ng mga pagkain. Matapos mainit ang lahat, duon lang ako bumalik sa living room para sana tawagin si Danger pero wala na ito duon.
Maybe he's in our room. Mabilis akong umakyat patungong second floor at nagtungo sa tapat ng kwarto namin. I was about to open the door when a voice registered on my ears from my left side.
"What do you need?" Danger asked. Nilingon ko naman ito, at nakita 'kong nakapagbihis na ito. A simple white sando and black cargo shorts suits his manly and muscled body. He's definitely a hunk.
I smiled as i quickly took a step towards him. "Aayain lang kita sa kusina. Magdi-dinner na kasi." kalmadong sagot ko naman.
"No need. I'm done having my dinner, and so as Jecko. Ikaw na lang ang kumain." Anito, at agad akong tinalikuran. With what he said, i feel hurt. Pakiramdam ko, nasayang lang ang pagpapagod 'kong magluto at maghanda kung hindi naman siya kakain.
I took a gulp, before i turned my back. Ano ba yan! Pakiramdam ko maiiyak ako. Eh ano naman kung hindi siya kakain sa mga niluto ko? Anong problema duon? s**t. Bat ang bigat sa dibdib?
"Wait, another thing. Hindi ko pa napapalinisan ang living room. Bukas pa kasi dadating ang maids na in-order ko para linisin iyon kaya naman duon ka na lang muna sa kwarto ko matulog." aniya.
Napalingon naman ako nuon sa kanya, at nagtatanong ang matang tumingin duon. "Duon ka din ba matutulog?"
"No. I will stay here in my office."
"Teka, bakit ka dito matutulog? Wala namang kama dyan sa loob." pag-alma ko naman.
"It's fine with me. Sanay na akong dito madalas natutulog." anito.
"Pero, pwede namang duon ka na lang sa kwarto mo matulog."
He stared at me. "Kung doon ako matutulog, saan ka?" balik tanong naman nito.
I gulped as i battle with myself kung sasabihin ko ba ang tumatakbo sa utak ko. Nakakahiya kasi e. Baka kung anong isipin niya. Pero, ayos lang naman siguro. Mag-asawa naman kami kaya normal lang siguro na magtabi kami.
"Malaki naman 'yung kama ng kwarto mo." I paused as i take a gulp. "Pwede namang tabi na tayong matulog." I said.
I look at his face intently, expecting him to be shock or what but i just got dissapointed when he's still having an emotionless face. "Are you sure it's fine?"
I nod. "Oo. Were married. I think, it's just normal." I said.
He stared at me for a couple of minutes, before nodding that made me happy. "Fine." He said then he quickly entered his office.
Habang ako, hindi maitago ang ngiting pilit na umaalpas sa labi ko.
He agreed to sleep beside me. That's a good move to be close to him.