Kabanata 5
MAGKASABAY kaming kumain ni Jecko nang mga pagkaing niluto ko. Natutuwa ako sa kanya dahil kahit aminado itong kumain na nga daw sila nang dinner, eh nagawa niya pang sabayan akong kumain para daw hindi masayang ang effort ko sa pagluluto.
"Infairness, the Adobo tastes so good and delicious." He commented that made me smile.
"Thank you." I said, as i served him a cake. Pina-deliver ko pa ito kanina para kumpleto ang celebration, kaya lang kahit pala may cake, kung wala naman 'yung isa sa dahilan 'kung bat kami nagsi-celebrate balewala pa din.
Jecko smiled. "Thank you, Miss Raye." anito.
Nginitian ko naman ito. "Can you cut the Miss? Just call me Raye. Mas formal para sa akin iyon." komento ko naman.
Alanganin naman itong ngumiti. "Are you sure?" He asked.
I nod. "Yes. I prefer Raye than Miss Raye. It sounds awful for me." I said.
With that he smiled. "Okay. Duly noted." He answered before he started eating the cake. Habang ako naman ay inumpisahan ko nang ligpitin ang mga pagkain natira at inilagay sa tupperware para mailagay sa ref ng maayos. Marami-rami rin ang inihanda ko kaya naman marami-rami ring tupperware ang nagamit ko.
Makalipas ang ilang minuto ay natapos na din si Jecko, at nag-offer itong siya na ang maghuhugas. "Sigurado ka?" Pagtatanong ko naman.
"Yes, Raye. Siguradong sigurado." anito. Kahit papano nagiging komportable na akong kasama siya.
"Sige. Aakyat na ako." paalam ko naman.
"Sure. I'll guard the house." He said.
Napakunot noo naman ako ng may naalala. "Wait, saan ka pala natutulog?" tanong ko.
Tinuro naman nito gamit ang nguso niya ang kaliwa ko kaya napatingin ako duon at napatango nang makakita ng isang pinto duon. "Ahh. So you also own a room here." I commented.
"That's not my room, that's the CCTV room." He said and look at me then released a wink. Napatawa naman ako sa ginawa nito bago iiling-iling na umakyat.
Nang tuluyang makaakyat, nag-aalangan akong humakbang palapit sa kwarto ni Danger—na ngayon ay kwarto na talaga naming dalawa. I can't help to think if he's already here inside this room. Parang, nakaramdam ako ng pagkailang sa isiping iyon.
Yet, I still need to be comfortable—or should i say I need to learn being comfortable with him. With my husband.
Muli akong napahinga nang malalim kasabay ng dahan dahang pagbukas ko ng pinto, at tila gusto nang lumabas ng puso ko dahil sa kaba pero agad din iyong unti-unting nawala nang mapansin 'kong wala namang tao sa loob ng kwarto. Ibig sabihin, hanggang ngayon nandun pa rin siya sa office niya.
I sighed in relief and at the same time in betraye. Akala ko pa naman nandito na siya.
Oh well, mas maganda nang ako ang nauna. Maybe, it's better kung magsha-shower na muna ako para presko naman ako bago matulog, atsaka nakakahiya naman kung unang beses naming magtatabi sa kama ay hindi ako mabango.
Dapat mabango pa rin ako since first night namin ito as husband and wife.
I chuckled as i thought of that. Six years ago, pumirma kami sa Marriage Contract. But six years pa ang lumipas bago kami unang magtatabi sa kama. Wow.
Isinara ko ang pinto ng kwarto, at kaagad na naglakad palapit sa luggage ko na nasa may gilid, at naghanap ng maisusuot. Inilabas ko ang mga dala 'kong nighties, at ang Robe na favorite ko. Regalo kasi ito ni Klar sa akin, at galing ito sa unang sahod niya bilang doctor, so i treat this as one of the very important thing for me.
Nang makuha ang mga kailangan ko, agad akong nagtungo sa banyo. As expected, Black and White din ang theme ng banyo ni Danger. There's two Black Robes hanged on the side, a black Shampoo bottle and a black cologne. Hindi naman halatang favorite niya ang Black at white.
Malaki ang banyo sa kwartong ito, there's a glass wall separating the shower room and bathtub. Agad akong naghubad at agad pumailalim sa Cold Shower. Suddenly, i felt relaxed when the water started cascading from my head down to my shoulder blades and down to my body.
It felt cold and refreshing.
I was busy washing my body when i felt the door of the bathroom opened. I quickly opened my eyes, as i look and stared at the glasswall. And my eyes turned wide and i gasp when i see someone walk towards the bathtub.
Ohmygod! It's Danger!
Hindi niya ba napansin na may tao dito sa shower?
Nakita 'kong hinubad nito ang t shirt na suot, bago tumalikod paharap sa glasswall kung nasaan kitang-kita ako. Ohmygosh!
Wala akong saplot ni isa, and i put my clothes at the basket! s**t!
Mabilis akong lumingon-lingon upang maghanap ng pwedeng maipantakip sa katawan, nang mahagip nang mata ko ang kurtinang naka-tali sa may gilid. I quickly pulled the tie in it, and covered it to my body—at the same time Danger walked inside the shower.
Nang magtagpo ang mga mata naming dalawa, nakita ko ang pagkagulat sa mga mukha nito, at ang pagkatulos sa kinatatayuan. Habang ako naman ay halos panuyuan na ng laway dahil sa kaba at hiyang nararamdaman ko. Mahigpit ang kapit ko sa kurtina na pinangharang ko sa katawan ko.
I saw him stared at me from my head down to my toes. I gulped.
"Y—you're in here." He commented, and for the first time, i can see an emotion on his face. Pagkagulat nga lang.
I nodded nervously as i took a gulp. "Y-yeah. I'm taking a shower." I nervously uttered.
Danger just stared at me for a second, before he nods. "Oh. Finish your shower then." He casually said again, gone the shock emotion in his face, then he turned his back at me.
Napakurap kurap naman ako ng tuluyan na itong humakbang palabas ng banyo. When the door closed, i released a consecutive deep breaths.
Phew! That was close.
Marahan akong napalunok habang inaalis ang pagkakatakip ng kurtina sa katawan ko. Ohgod. Muntikan na niyang makita, buti na lang.
Ano 'bang inaarte mo dyan? Eh diba mag-asawa naman kayo?
Anang isip ko na ikinahinto ko. May punto naman iyon, mag-asawa nga kami. Pero, hindi naman kami nagmamahalan or what para okay lang na hayaang magkitaan ng katawan.
Yes, Were married legally but not emotionally. Yet, i know na may mga pangangailangan siya bilang isang lalaki. Siguro wala naman siyang pakialam sakin, natitiyak 'kong madaming babae ang nakakasalamuha nya araw araw. Hindi ko nga alam kung may girlfriend siya or wala e. Mag-asawa lang naman kami sa papel, pareho naming hindi gusto ang nangyari nuong araw na iyon, kaya wala siyang responsibilidad sa akin. Wala din akong karapatan na alamin at pakialaman ang buhay niya. Kung may girlfriend siya, then so be it. Wala akong magagawa duon.
Darn! Bakit parang nainis ako sa naisip 'kong may girlfriend ang asawa ko?
URGH!!! HINDI KO NA MAINTINDIHAN ANG SARILI KO!
May pagdadabog at inis 'kong tinapos ang pagsha-shower. Sinuot ko ang nighties ko at ang robe na kinuha ko, at nagsimulang tuyuin ang basa 'kong buhok gamit ang towel habang naglalakad palabas ng banyo.
I was busy holding the towel when i stilled to see Danger lying on the bed. Eyes closed. And he's still half n***d. Agad akong nag-iwas ng tingin at tumikhim para kuhanin ang atensyon nito.
Mabilis din naman itong nagmulat at bumangon paupo sa kama.
"I'm done bathing. Ikaw naman." pagpapaalam ko naman dito.
Using my peripheral vision, i saw him nod and stand. Habang ako naman ay nagtungo sa may vanity mirror upang tingnan ang repleksyon sa salamin.
So, this is gonna be my life with him. Magkasama nga kami sa iisang kwarto, pero casual lang naman sa isa't isa. Para kaming estranghero—well, totoo naman. I'm a stranger for him, and so he is for me. Just like what i said earlier, mag-asawa lang kami sa papel.
Pinagpatuloy ko ang pagpapatuyo sa basa kong buhok gamit ang Blower, nang matapos sa pagpapatuyo agad na din akong sumampa sa kama. Medyo nagdadalawang-isip pa nga ako dahil—well, ito ang unang beses na matutulog ako katabi ang isang lalaki. Nakakaba pala.
Nagpakawala ako nang isang malalim na buntong-hininga nang lumapat ang likod ko sa mainit at malambot na kama. Hindi ako mapalagay, lalo na't kahit naka-higa kitang kita ko pa din ang pintuan patungong banyo. Iniisip ko palang na nasa loob ang asawa ko, nakakakaba na. Makikita ko pa siyang lumabas.
But, infairness nung una ko siyang nakitang half n***d kaninang umaga hindi naman ako na-dissapoint dahil sobrang ganda ng katawan niya. His body is well-builted, muscles on the right places then his yummy 8 packs.
I bit my lower lip as i imagined what he's body looks like. Yummy!
I brought back to the present when the door from the Bathroom suddenly opened, and from there—I saw a very gorgeous and hunk man arising from there. Ohgosh.
May mga pumapatak pang tubig sa katawan nito mula sa buhok. Shocks. Ang hot!
I'm busy eye-r****g Danger when our eyes suddenly met. Sumikdo ang puso ko sa hindi inaasahang pagtatagpo ng mata namin, na naging dahilan ng panlalaki ng mata ko. Napalunok naman ako.
Napansin niya bang nakatitig ako sa kanya? Ohmy!
"You're still awake." He mumbled, after a while of staring then he look away and walked towards his walk in closet. Hindi katulad ko, lumabas sya sa banyo nang h***d baro pa din. Only a towel is covering his lower body.
I cleared my throat, before speaking. "Uhm yes. Hindi kasi ako agad nakakatulog." ani ko naman, na kasalukuyang tinutuon ang mata sa lampshade na nasa bedside table. Tama eyes. Dyan ka lang tumingin!
"Hmmm."
Nabalik ang tingin ko kay Danger ng lumabas ito sa Closet nito, na naka-boxers lang. Nanlaki ang mga mata ko, at agad napahiga ng patagilid—paharap sa lampshade. Ohmygosh. Ang eyes ko! Baka kung anong makita. Susko!
Napalunok na lang ako, habang pinipilit ang sarili na pumikit at matulog. Pero para akong patay na muling dumilat nang maramdaman ko ang paglundo ng kama sa tabi ko—ibig sabihin lang, nakahiga na din si Danger sa kama. Pareho na kami.
Sunud-sunod akong napapahinga ng malalim at napapalunok. Ganito pala pag first time 'mong may katabing lalaki—sobrang awkward!
But no! I shouldn't be like this. Dapat maging komportable lang ako, asawa ko sya. Asawa nya ako. Mag-asawa kami. Oo. Mag-asawa kami—so, ano naman ngayon kung mag-asawa kami? Sa papel lang naman yon.
Ugh! Naguguluhan na ako. Sarili 'kong utak ang nagtatalo-talo e. Mas mabuti pa 'kung matutulog na lang ako.
Tama. It's better na itulog ko na lang 'tong ka-awkwardan na nararamdaman ko.
I sighed deeply once again, before closing my eyes to sleep. Pero sabi nga nila, kung kelan nakapag-decide ka na, dun pa may biglang sisingit para guluhin ka. That's what I thought of when I hear Danger talk.
"Did Jecko ate with you earlier?" Seryoso at mababa ang boses na tanong nito. Dahil nakatagilid ako, hindi ko nakikita kung ano ang ekspresyon ng mukha ni Danger ngayon kaya clueless talaga ako. Ayoko naman syang lingunin dahil awkward nga. So i stayed facing the lampshade.
"Oo. Sinamahan niya ako." tapat na sagot ko. Napakagat-labi pa ako dahil talagang hindi ako mapakali. Itinaas ko pa ng lagpas bewang ang kumot para bawasan ang lamig na nararamdaman ko. Kasi naman, malamig na nga dahil sa aircon, dinagdagan pa ng pagiging cold ng katabi ko. Hayst!
"Ahhh." Yan lang ang tanging naging sagot nito, kaya naman inisip ko na baka ayaw na niya akong kausap or maybe inaantok na sya. Okay, fine. Matutulog na lang din ako.
"Why did you cook a lot today, Khaliya?" I stilled when i heard Danger spoke again. Akala ko natutulog na siya e.
Pero—teka. H-hes asking me why i cooked a lot today? Ibig sabihin, hindi nya talaga natatandaan kung anong meron ngayon?
Sabagay, bat naman nya tatandaan 'yong araw na yon e hindi naman mahalaga yon. Baka nga, worst day ever nya yong araw na yon e.
I gulped again. Nagdadalawang-isip ako kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi. Kasi naman, baka kung anong isipin niya pag sinabi 'ko yung totoong dahilan. Baka isipin nya, gusto ko siya or what. Baka mapahiya lang ako.
So? E diba yon naman talaga ang gusto mo? Kaya ka nga bumalik after six years dahil magpapakaasawa ka sa kanya! Anang munting isip ko. Napaisip naman ako. Tama ang utak ko, yon naman talaga ang dahilan ng pag-uwi ko dito sa Pilipinas e. Ang magpaka-asawa sa kanya.
Si Danger pa nga mismo ang nagsabi nuon dati e. Kaya sya pumayag sa pabor ko noon para makapag-ready ako, para pagbalik ko handa na akong magpaka-asawa sa kanya. And cooking, and celebrating anniversaries is what a good wife know and do. So that's basically the reason why i'm doing this. Tama.
Tamang-tama.
"Are you asleep?" tila nabalik ako sa reyalidad nang muling magsalita si Danger. Mukhang ang tagal ko atang nanahimik, kaya akala niya tulog na ako.
I heave a sigh. "Uhh hindi. May inisip lang ako, about your question...why i cooked a lot and prepare a lot...tungkol duon, hindi mo ba talaga naalala kung anong meron ngayon?" I tried asking him baka kasi mamaya, alam niya naman pala, nagkukunwari lang.
"Why? Ano 'bang meron ngayon? Is it your birthday?" He asks, still serious as ever.
Wtf! Birthday ko? Seryoso? Ang layo ng October sa April ah. Pareho sila ni Jecko. But at least, Jecko have the reason why he doesn't know this day, but si Danger? Parang nakakasama sa puso na malamang hindi nya natatandaan ang araw na to.
Mahabang buntong-hininga muna ang pinakawalan ko, bago napagpasyahang sagutin ang tanong niya. "It's not my birthday, Danger. It's uhm..." I paused, as i bit my lower lip. Sasabihin ko ba o hindi? Aish. Sasabihin ko na nga lang.
"It's what?" He ask.
"It's our wedding anniversary." There i said it. "Six years wedding anniversary to be exact." I said. I continued bitting my lower lip as i waited for his reply. Gusto 'kong marinig at malaman ang reaksyon niya.
"Ahh."
Parang biglang nawala ang excitement ko nang marinig ko ang casual na sagot niya. Talagang 'ahh"' lang ang nasabi niya? Wow. Parang gusto ko siyang itulak sa kama! —kaya lang, di ko pala to kama, kanya nga pala to.
But to be honest, parang may dumagan sa puso ko nang marinig ko ang reaksyon niya. Para kasing walang halaga sa kan—wala naman kasi talaga. Bat ko ba pinipilit na mahalaga ang araw na to sa kanya? s**t!
Napairap ako ulit sa hangin, bago tuluyang nagtalukbong ng kumot. Nawala na ako sa mood bigla. Ugh!
Ipinikit ko na ang mga mata ko para matulog. Ngunit agad din akong napadilat nang may makalimutan ako, bahala na kung anong iisipin niya. Tutal nasimulan ko naman na ang kahihiyan, susulitin ko na lang.
I blows a deep breath to catch some strength before talking.
"Happy Sixth Wedding Anniversary, by the way." I said. Not lout, but enough for him to hear. I waited for seconds if he will answer me, but it was almost a minute but there still no response. Fine! Hmmp, matutulog na lang ako!
I sighed deeply once again, before i drop my eyes close and tried my hardest to sleep. Until, finally Dream Land welcomed me. Pero hanggang panaginip, nanduon pa din si Danger.
I'm not sure if it's dream or what since were both in the bed, with the same clothes in our sleep.
Nakikita ko siya na hinahawi ang ilang hibla nang buhok ko, at dahil sa liwanag ng lampshade nakikita ko nang malinaw ang mukha nito. Nakatingin ito sa mukha ko, bago dahan-dahang bumaba ang mukha niya palapit sa akin, at naramdaman ko ang pagdampi ng labi nya noo ko, na sinundan ng mahinang bulong nito.
"I will never forget this day, Khaliya." He said, then smile. "Happy Six Years Anniversary." anito, at muli akong dinampian ng halik sa noo bago umayos ng higa at natulog.