Kabanata 1

1396 Words
"Sakto na siguro 'to. Magkakasya na 'to hanggang katapusan," ani Cyra kay Roxie nang ma-withdraw niya ang maliit niyang ipon pati iyong pera na galing sa PayPal account niya. "Basta mag-chat ka kung kukulangin," sagot nito. Pilit na lamang na ngumiti si Cyra. Of course, she couldn't do that. Alam niya kung gaano kalaki ang responsibilidad na nakaatang sa mga balikat ni Roxie. Masyado an itong maraming naitulong sa kanya para bulabugin niya pa ito. Matipid naman siyang tao. Baka nga sumobra pa itong dala niya. Ihinatid siya ni Roxie sa sakayan ng bus patungong Zambales. May shuttle daw ang resort na magdadala sa kanya sa Monte Costa. She just needs to be there before the shuttle leaves, kaya naman iyong first trip ng madaling araw na ang binili niyang ticket. Pagkasakay sa bus ay kinuha niya ang kanyang wallet sa bag. She opened it and looked at the photograph inside. Lumang larawan iyon ng nanay niya kasama ang isang lalake. Cyra never met her Dad. Ang sabi ng nanay niya ay produkto lamang siya ng isang mapusok na gabi kaya hindi raw nito kilala ang tatay niya. Akala ng mura niyang isip ay ayos lamang na wala siyang tatay, ngunit habang lumalaki siya ay nagiging tampulan na siya ng tukso. Putok daw siya sa buho. Kaya noong isang beses na naglinis siya't nakita ang larawan sa gamit ng nanay niya ay kinuha na niya iyon. Hindi siya sigurado kung sino ang lalake, ngunit sa tuwing may nagtatanong kung sino ang tatay niya ay iyon ang ipinakikita niya dahil natakot siyang tuksuhin na naman siya. "Ticket, Miss," anang konduktor ng bus. Kinuha ni Cyra ang ticket at ibinigay sa lalake. Nang makuha ang sariling kopya ay itinabi niya iyon sa wallet saka niya ulit ibinalik sa loob ng bag ang pitaka. She then hugged her backpack and then rested the side of her head on the window, wishing for nothing but a good start in Monte Costa. Tumatanda na siya. Yes, she's still in her twenty's but she's already pressured in life. She doesn't have a stable source of income because she didn't want to give up her passion for writing. Walang kapamilyang handang magpatuloy sa kanya dahil may kanya-kanyang buhay rin ang mga ito. All she has is her best friend, Roxie. Kung wala talaga siyang mapapala sa pagsusulat ay hindi niya na alam ang gagawin niya sa buhay niya. Not that she didn't want to work at all. Ayaw lamang niyang magaya sa nanay niya na namatay na nagsisising hindi nito sinunod ang totoo nitong pangarap. Her mother died early because of a terminal disease, and during her mother's last days, wala itong ibang sinabi kun'di ang huwag siyang tumulad dito. Miserable at nanghihinayang dahil pinakawalan nito ang sariling pangarap alang-alang sa pagiging praktikal. Cyra sighed before she shut her eyes. Sinubukan na lamang niyang umidlip. Nagbabaka-sakaling tatahimik ang isip niya kung sakali. She was able to sleep until they reached Olongapo City. Nag-stop over sandali ang bus saka ulit bumyahe. Nang marating ang bayan na sinabi ni Roxie ay bumaba siya't hinanap ang shuttle ng Raja Amor Suites. She showed the staff her confirmation email and then let them put her luggage inside the van. May ilan siyang nakasabay patungo sa Monte Costa. Lahat ay alam niyang napaghandaan nang husto ang bakasyon. Nailang tuloy siya't nakaramdam ng hiya. Siya lang yata ang mukhang naligaw sa grupong sakay ng shuttle. She removed her hoodie jacket, hoping she would somehow fit in if she's only wearing her top and skinny jeans. Kaya lang ay parang ganoon pa rin. Mukha pa rin siyang naligaw sa paraisong pinuntahan niya. "Ma'am Reymundo, proceed na lang ho tayo sa reception area," the staff said. Nahihiyang tumango si Cyra. Tinulungan naman siya ng staff na dalhin ang maleta niya sa lobby. Inaantok pa siya ngunit hindi rin niya maisawalang-bahala ang ganda ng lugar. The resort looks luxurious yet serene, as if it offers peace to those who seek shelter under their roof. Puti at ginto ang dominanteng kulay. Napakataas din ng ceiling ng lobby. The architecture is high-class, and the elongated spiral style of each floor when you look up wowed her so much. Mula rin sa lobby ay tanaw ang infinity pool kung saan may ilang guest na nakatambay sa glass wall ng pool upang pagmasdan ang payapang karagatan. Ngayon pa lamang tuloy ay nai-inspire na siya. Sana lang ay hindi mapawi ng gutom niya ang mga ideyang naglalaro sa kanyang isipan. "Room 69, Miss Reymundo," anang receptionist sa kanya. She accepted her keycard and let the room boy take her stuff. In-escort-an siya nito patungo sa elevator. Sa sobrang excited niya ay dali-dali siyang pumasok kahit bababa pa pala ang elevator. Hindi niya tuloy kaagad napansin ang taong nakatayo sa loob at may kausap sa phone. Sumisenyas ang room boy sa kanya na hindi pa sila sasakay ngunit hindi kaagad nakakibo si Cyra. Maya-maya ay narinig niya ang pagtikhim ng lalakeng kasama sa loob. The guy in a dark pants and baby blue button-down polo with folded sleeves towered her, nearly making her knees wobble. His patrician forehead creased, his inky brows furrowed, and his pair of wild obsidian eyes narrowed at her as if she just ruined his day. "I'm gonna call you back, Chief. I just need to take care of something. No, it's not your kids. They're surprisingly behaving like grown ass today. Yeah. Bye," anang lalake sa kausap sa phone habang matindi ang pagkakakunot ng noo. Dapat ay matakot si Cyra dahil halata namang saksakan ng sungit ang lalakeng kasama niya sa elevator ngunit heto pa rin siya, halos tumulo ang laway habang nakikipagtitigan sa lalake. Ang. . . gwapo! Nananaginip ba siya? He looks like he just jumped out of her novels! Ganitong-ganito iyong mga bida niyang lalake! Masungit, matangkad, at . . . makalaglag underwear! Saka iyong amoy, parang gusto niya itong singhutin! Amoy mamahalin! Amoy luluhuran at pagsisilbihan! Her lips slightly parted while still staring at him with so much admiration. Parang hindi na nga yata niya magawang kumurap. Paano naman kasi ang isip niya, kung ano-anong ideya na ang naisip dahil sa lalake! "M-Miss, wait lang," tila nahihintakutang pakiusap ng staff sa kanya. She was about to say something when the elevator door shut. The guy heaved a sigh before he pressed the button in an irritated way. Muling bumukas ang pinto. Nagpigil naman ng ngiti si Cyra dahil akala niya ay kind gesture iyong ginawa ng lalake, ngunit nang makita niya ang pamumutla ng room boy habang nakatitig sa lalake ay napawi ang kurba sa kanyang mga labi. Isn't the guy being polite to open the door for the staff? "S—Sir Jael, hindi ko ho sinasadyang hayaan siyang sumakay. Miss, baba ka muna. Restricted area ang basement. Hindi ka—" "You're fired," the guy said in a cold way without tearing his gaze away from the room boy. Napakurap si Cyra. Fired? Ito ang. . . may-ari?! Nawalan lalo ng kulay ang mukha ng room boy. "Sir, please hindi ko ho sinasadya." Cyra felt guilty. Nilunok niya ang bara sa kanyang lalamunan at nilakasan ang kanyang loob. "Hindi naman ho niya kasalanan. I got too excited so I went in as soon as the elevator opened. Parang unreasonable naman po kung tatanggalin—" "Are you a lawyer, hmm?" tanong ng lalakeng nagngangalang Jael. She swallowed. Her five feet and three inches ass felt smaller as he portrayed his dominance even more. "N—No, but concern ako—" "Then shut the f**k up. Your opinion isn't needed." Hinawakan siya nito sa batok saka siya inilabas ng elevator. Napaawang naman ang mga labi ni Cyra habang ang mga mata niya ay nanlalaki dala ng pagkabigla sa ginawa nito sa kanya. Nang magawa niyang humarap muli sa elevator ay nakita pa niya itong tinitigan ang puwet niya kaya nagngitngit ang mga ngipin ni Cyra. Sa inis ay pinakitaan niya ito ng gitnang daliri ngunit dahil sumara na ang pinto ay hindi na nakita ng lalake. Gigil na gigil na dinukot ni Cyra ang cellphone niya sa bulsa saka niya hinanap ang f*******: page ng Raja Amor Suites. Nawala sa isip niya si Roxie dahil sa inis niya. Without second thoughts, Cyra posted a one-star review along with a short message. Kirsten Cyra Reymundo: f**k the owner!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD