Kabanata 2

1403 Words
Paulit-ulit na binilang ni Cyra ang laman ng wallet niya habang kausap niya sa phone si Roxie. Hindi na lamang niya binuksan ang camera niya nang hindi nito makita ang panlulumo sa kanyang mukha. Paano ay parang dinaanan ng bagyo ang dala niyang pera kahit ilang araw pa lamang siya sa Monte Costa. Nai-stress na siya sa novel niya, stressed pa siyang lalo sa pagba-budget ng baon niyang pera. Lalo tuloy nawala sa isip niya iyong review na iniwan niya sa page ng Raja Amor Suites. "Okay ka pa ba diyan? May pera ka pa?" tanong ni Roxie sa kanya. Lumunok siya. "O-Oo naman," she lied while staring at the blue and yellow bills she's holding. She's definitely not okay. The foods and drinks in Monte Costa are really expensive. Kung hindi siya magiging madiskarte ay dalawa lamang ang mangyayari; mamamatay siya sa gutom o mapapaaga ang alis niya sa lugar dahil wala na siyang pambili ng pagkain. "Kumusta 'yong novel mo?" muling tanong ni Roxie. Binalingan niya ang laptop niya saka siya bumuntonghininga. "Naka-chat ko si Ma'am KC. Tinimbrehan niya ako na damihan ang adult scenes dahil ang pumapasa lang pala ngayon ay puro erotic romance novels. 'Yon daw kasi ang mabenta. Hindi ko tuloy alam ang gagawin ko." "Paanong hindi mo alam? Eh 'di damihan mo ang adult scenes?" "Hindi kasi gano'n kadaling magsulat ng s*x scenes, Rox. Ilang beses ko nang na-try pero wala talaga. Nanood na nga ako dati ng porns for reference pero sa huli, pakiramdam ko ang dry ng scenes. Parang hindi ko talaga forte." Yes, she writes romance stories but she doesn't really write the erotic type. Maglagay man siya ng steamy scenes ay nagfi-fade to black na ang eksena bago pa mauwi sa totoong s****l intercourse. "Hindi mo forte o ayaw mo lang na babasahin ng readers mo ang mga kwento mo dahil lang sa mahahalay na parts? Kilala kita, Cyra," ani Roxie. She swallowed the lump that's forming in her throat. Maybe Roxie was right. She's scared that the bed scenes will be more remarkable than the life lessons she wanted to leave in her readers' hearts after they close the book. Hindi kasi iyon ang gusto niyang mangyari. Cyra sighed. "Do you think I could really do this?" "Minsan kailangan muna nating subukan ang isang bagay bago natin ayawan, Cyra kaya sige na. Subukan mo. Oh, sige na. Matutulog na ko at night shift ako ulit mamaya." She bit her lower lip then sighed after ending the call with Roxie. Nang maibaba ang phone ay muli niyang tinitigan ang pera niya. Hindi maganda ito. Kailangan din niya ng pera kapag bumalik na siya ng Maynila. Dapat ngayon pa lamang ay tipirin na niya nang husto ang budget niya. Realizing that her money wouldn't miraculously multiply after counting it over and over again, Cyra put everything back into her wallet before she decided to grab a pair of jeans and a hoodie. Lalabas na lamang siya at maghahanap ng malapit na mall para makabili ng stocks. Kahapon pa niya pinag-iinitan iyong electric kettle na nasa suite. May napanood siya sa YouTube na gumamit ng ganoon para makapagluto. Kailangan lang daw lagyan ng papel sa pagitan ng on-and-off switch para continuous ang pagkulo. Cyra looked for the nearest mall. Ngunit dahil nasa probinsya ay grocery store lamang ang natagpuan niya. Nataga pa siya ng husto sa pamasahe sa tricycle kaya imbes isang libo lang ang magagastos niya ngayon ay umabot ng one thousand four hundred. Bwisit na bwisit siyang bumalik sa hotel room niya. Sa inis ay nagbukas siya kaagad ng de lata. Naglagay rin siya ng bigas sa electric kettle saka iyon hinugasan. Nang mai-on ang electric kettle ay pumunit siya ng papel sa notebook niya saka iyon isiniksik sa switch nang hindi magkusang mag-off. "Makisama ka. Wala na kong pera at gutom na ko," she hissed while crossing her fingers. Ang mga mata ay halos magkandaduling habang nakatitig sa light indicator ng electric kettle. Thinking that everything will finally go well, Cyra walked straight to the bathroom and dipped in the tub. "Ohh . . ." she moaned after getting into the slightly hot water. "Hmm, I could get used to this kind of life," she murmured to herself before she finally shut her eyes. Masyadong na-relax ang katawan niya. Sa sobrang sarap sa pakiramdam ay nakaidlip na siya sa tub. Nang magising ay humalimuyak sa kanyang ilong ang tila amoy nasusunog. She blinke her still sleepy eyes and sniffed the air. Maya-maya ay ganoon na lamang ang pagkatigil ng t***k ng kanyang puso nang makita ang usok na lumulusot sa maliit na siwang ng pinto ng banyo. Cyra's popped open as her body froze in complete horror. Her hotel room is on a freaking fire! MAHINANG natawa si Trunk nang mabasa ang review ng babaeng guest. That woman had the audacity to leave a freaking one star review on their f*******: page! Jael never had a one-star? Sa kahit ano mang bagay! "Oh, she's cute huh? Which room is she staying at?" Trunk asked while slouching on the couch inside Jael's office. Umuwi ito sa Monte Costa dahil muntik nang isara ni Yvez ang Dejesa sa sobrang bwisit nito kay Gui. Jael's eyes remained fixated on the screen of his computer. "Room 69," he answered in a dry way before he leaned his back on his swivel chair. "God, I need a break." He saw Trunk smirked. "Did you give that room number to her on purpose?" Sinamaan niya ng tingin ang matalik na kaibigan. "Do I look like I'm the one hand-picking the rooms for all of my gorgeous guests?" Tinaasan siya nito ng kilay. "Is that you admitting that Miss one-star reviewer is gorgeous?" Jael grunted. Naihilamos niya ang mga palad niya sa kanyang mukha saka siya maingay na nagpakawala ng hangin. "Sometimes I wonder if we're really friends or you just appointed me as president of the club to make my life miserable." Trunk chuckled softly. "Looks like my question is hard to answer when you've got beef for her, huh?" Naningkit ang mga mata niya kay Trunk. "In case you didn't hear me earlier, I need a goddamn break, Chief. Why don't you fetch your grown ass kids and teach them some discipline before I lose my s**t, hmm?" "You really are dodging my question." Natatawa itong umiling-iling bago ito tumayo. "Word of advice, be a little nicer with her. She might change her mind, and her review." "That's it. Get out of my office. You're not helping," napipikon niyang sabi. Idinuduro pa ang pinto. Wala lang naman iyon kay Trunk. Tila ba naiintindihan nito kung bakit saksakan ng init ang ulo niya. Well, technically, he should understand why Jael is acting up. Trunk was the very reason anyway why the Monte Costa Brotherhood was founded. Kung wala ang brotherhood ay ang mga negosyo lamang niya ang nagpapasakit sa ulo niya. He watched Trunk leave his office before he sighed. Umiiling-iling pa dahil talagang mainit ang ulo niya lalo na dahil sa nag-iisang one-star review sa f*******: page ng Raja Amor Suites. Yes, that's just one bad review but it's been bugging him since his secretary told him about it. Sinubukan niyang mag-focus ulit sa ginagawa ngunit talagang nadi-distract siya ng inis na nararamdaman. He ended up pushing his swivel chair away from his desk. Tumayo siya't lumapit sa glass wall upang pagmasdan ang malawak na karagatan. Nang hindi talaga napakalma ng tanawin ay tuluyan siyang lumabas ng kanyang opisina. He walked straight to the elevator and pressed the basement button. The elevator made a 'ding' sound as soon as it reached the basement. Nakapamulsa siyang lumabas at naglakad patungo sa nag-iisang pinto na naroroon. He used his fingerprint to unlock the door and then pushed it open. Jael looked around at his secret sanctuary before he heaved a sigh. Finally, some peace . . . He was about to walk towards the shelves when his phone rang. Dinukot niya iyon sa bulsa at sinagot ang tawag mula sa kanyang sekretarya. "Sir Jael?" "I'm busy, Eila." "P-Pero emergency ho." Kumunot ang noo niya. "What is it this time?" Narinig niya ang paghugot nito ng hininga. "One of our suites seems to be on fire, Sir . . ." Jael shut his eyes while gritting his teeth. "Which suite?" "I-Iyong . . . room 69 h-ho . . ."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD