IKINUKUYAKOY ni Cyra ang mga binti niya habang nakaupo sa patient's bed. One of Jael's friends who happened to be a doctor, went to Monte Costa to check on her and the other guests who were affected by the fire.
Dr. Kavinski listened to her lungs. Napapasulyap naman si Cyra kay Jael. Nakasandal ito sa pader at matalim ang titig sa kanya. Akala yata ay nagpapa-charming siya sa kaibigan nito. Hindi ba pwedeng iyon na talaga ang default attitude niya?
"You're lucky you got out of the room on time. If you happened to have inhaled more smoke, your lungs would have a hard time to recover," ani Dr. Kavinski.
Ngumiti si Cyra sa naturang doktor. "Okay na ako, Doc?"
"Yes, you're good to go." Tumingin ito kay Ja. "There are some supplements that she's gonna need to take."
"Supplements for the lungs?" salubong ang mga kilay na tanong ni Jael sa kaibigan.
"No." Dr. Kavinski glanced at her. "She's low in iron and lacks in other vitamins."
Jael jerked his head. "Give me the prescription and I'll have someone buy it later."
Makahulugan ang naging ngisi ni Dr. Kavinski. "Okay."
Naningkit ang mga mata ni Jael. "Huwag mo kong tinitingnan nang ganyan, Silver. Stressed na ko sa mga kapatid mo, huwag mong sabihing dadagdag ka pa?"
Silver smirked while shaking his head. "Guilty, hmm?"
Jael grunted. Maya-maya ay nabaling kay Cyra ang tingin nito. "Anong nginingiti-ngiti mo, hmm?"
Napakurap si Cyra saka siya tumingin kay Dr. Kavinski. Teka, bakit nadamay siya?
Dr. Kavinski winked at her. Tila ba sinasabing huwag niya na lamang patulan ang init ng ulo ni Jael.
She sighed. "Doc? Kuhanan mo na lang siya ng dugo tapos ilipat mo po sa akin tutal mukhang high blood siya. Ako low blood."
Dr. Kavinski laughed while Jael's nostrils flared out of irritation. Maya-maya ay umiling si Dr. Kavinski bago ito nagsalita.
"You will surely get along pretty well with my wife. Sayang at hindi ko na nabitbit dahil inaantok."
"Doktor din po?" usyoso ni Cyra.
"Not yet," sagot nito habang nagsusulat ng prescriptions para sa kanya. Nang natapos ay ibinigay nito ang prescription kay Jael. "Buy all of it."
Jael's brows furrowed as he tried to read what was written on the piece of paper. "Pucha, parang nilaro mo lang ang ballpen?"
"Just give it to the pharmacist. They have special abilities."
Bumuntonghininga si Jael bago muling tumingin kay Cyra. "Let's go. I still need to tell you what you have to do in order to repay me."
Lumundag si Cyra pababa ng patient's bed. Kumaway pa siya kay Dr. Kavinski bago siya bumuntot kay Jael palabas ng clinic.
"Stop flirting with Silver. He's a faithful man," asik ni Jael.
Cyra's forehead wrinkled. "Hindi ako nakikipaglandian sa kanya, Your Highness."
"So what's with the cute smiles and puppy eyes, hmm?" masungit nitong tanong.
Cyra sighed. "Ikaw lang po ang nagbibigay ng malisya. Siya nga hindi niya inisip na nilalandi ko siya, eh."
"That's because he's faithful to his wife. Hindi niya talaga mapapansin."
"Hindi nga po, eh. Ibig bang sabihin kapag nginitian din kita at tiningnan kung paano talaga ako tumingin kung may kausap ay nilalandi na rin kita?"
Jael stopped taking his steps then faced her. "Fine. Try me. Let's see if you're really genuine or not."
Humugot ng hininga si Cyra upang pakalmahin ang sarili.. Naku, kung hindi lang malaki ang utang niya sa kumag na ito ay tinusok na niya sa mga mata! Napakasungit! Para bang lahat ng problema nito ay sa kanya gustong ibunton!
She composed herself then smiled and looked at him the way she did with Dr. Kavinski earlier. "Ito po, Your Highness. Mukha po bang nilalandi po kita, hmm?"
She purposely bats her eyelashes. Isang bagay na hindi naman niya ginawa sa kaibigan nito kanina.
Jael stared at her, but the longer he was looking at Cyra, the softer his expression becomes. His forehead relaxed, his lips stopped pressing hardly against each other, and his eyes looked mesmerized especially when he stared into her eyes.
"Hindi naman po, 'di ba?" Cyra asked that made Jael come back to his senses.
Napahugot ito ng matalim na hininga. Maya-maya ay umiwas ito ng tingin at ihinilamos ang palad sa mukha.
"Oo na," asik nito bago siya inirapan. Nagpatuloy na rin ito sa paglalakad kaya napabuntot na naman dito si Cyra.
She tried to keep up with his walk but Jael is long-legged so she had to double her steps. She's only wearing a bikini underneath his shirt. Iyon kasi ang mayroon sa souvenir shop kaya iyon ang ipinagamit sa kanya ni Jael nang hindi nakatiwangwang ang perlas ng silangan niya. Medyo naiirita na nga siya dahil hindi naman siya sanay sa ganoong klase ng damit.
"This way. Follow me," masungit na sabi ni Jael bago sila lumiko sa sumunod na pasilyo.
"Sir, boss, your highness," tawag niya.
"What?"
"Pwede bang bumale?"
Napatigil ito sa paghakbang saka siya tiningnan sa iritableng paraan. "Bumale? Have you forgotten how much you owe me? Tapos may lakas ng loob ka pa talagang bumale?"
Cyra pouted. "Sige na, kahit magkano lang. Bibili lang ako ng panty saka bra saka ilang pirasong damit. Magkano na lang kasi ang pera ko sa wallet. Hindi naman pwedeng side A side B ang panty ko, 'di ba? Hindi pa nga panty 'to. Bikini. Ang kati sa singit saka--"
"Okay, shut up! Damn it!" asik ni Jael. Namumula rin ang mukha.
Hindi niya alam kung dala iyon ng galit o dahil paulit-ulit niyang binanggit ang salitang panty. Conservative ba ito? Parang hindi naman. Mukha nga itong pumupunit ng panty gabi-gabi.
Cyra inhaled a deep breath then placed her hands behind her. "Payag ka na kasi, Your Highness. Promise ko sa'yo kapag naging successful ako, hindi kita kakalimutan. Babalikan kita dito tapos ilalagay ko pa ang pangalan mo sa de--"
"Kahit huwag ka nang bumalik. Baka buong resort na ang sunugin mo sa susunod," he hissed before he pulle his wallet out. "How much do you need?"
"Uhm . . ." Sinilip niya ang makapal nitong wallet. "Kung magkano po ang pwede."
Jael sighed. "You won't go anywhere in life you will answer simple questions that way." Kumuha ito ng ilang pirasong tig-iisang libo. Tantya niya ay nasa kinse mil din iyon. "Oh."
Cyra took the money then smiled at him. "Thank you, Your Highness."
He rolled his eyes. "And stop from calling me Your Highness."
"So ano itatawag ko sa'yo?" she asked while she's counting the blue bills.
"Sir. Sir Jael. Marinig pa kitang tawagin akong Your Highness, pasensyahan tayo, Cyra."
Nagpatuloy na ito sa paglalakad kaya dali-daling isinisiksik ni Cyra ang pera sa kanyang dibdib. She then walked as fast as she could to catch up with him. Nang makarating sa maintenance room ay sumenyas ito sa isa sa staffs.
"Bigyan n'yo 'to ng sarili niyang cleaning materials," utos ni Jael.
"Saan po siya ia-assign, Sir?" tanong ng tingin ni Cyra ay head ng departamentong iyon.
"She's gonna clean the entire clubhouse."
Napakurap ang babaeng kausap nito. "P-Po? Pero . . . halos sampung tao ho ang kailangan para malinis ang buong clubhouse."
"At sahod din ng higit sampung tao ang utang nito sa'kin." Masungit siyang tiningnan ni Jael. "Bumale pa."
Cyra sighed. "Si Sir naman . . ."
Tinaasan siya nito ng kilay. "Ano? Kulong o trabaho?"
Cyra pursed her lips then clenched her fists. Maya-maya ay taas-noo niyang sinalubong ang tingin nito.
"Trabaho. Kahit pati opisina mo pa linisan ko, eh," hamon niya.
Jael scoffed. "Deal. Malakas ka pala, eh."
Pinigilan niya ang pag-irap dito dahil baka mapikon na sa kanya. Bumuntot na lamang siya ulit kay Jael habang tulak-tulak niya ang mga panlinis.
"Saan ako matutulog, Sir Jael?" she asked.
Jael sighed then looked at her. "Sa kwarto ko sa clubhouse."
Cyra's eyes blinked twice. "P-Po? Bakit . . . doon po?"
"Simple." Nagpamulsa ito. "Nang masiguro kong hindi ka na makakasunog pa ulit . . ."