"THIS WAY," seryosong sabi ni Jael nang makapasok sila sa clubhouse.
Tila nilikot ang imahinasyon ni Cyra. Her ideas started to fill her mind while she looks around the clubhouse. From the architecture to the paintings and sculptures everywhere, pakiramdam ni Cyra ay idinala siya sa setting ng isang libro.
"Siya ba 'yong nasunugan ng suite?" tanong ng babaeng nakasalubong nila.
Jael sighed. "Correction, siya 'yong nanunog ng suite," masungit na sagot nito.
"Oh, come on, Ja. I'm sure she didn't mean it." Lumapit sa kanya ang babaeng may maikling buhok saka siya nito nginitian. "I'm Grace."
Pilit na ngumiti pabalik si Cyra habang titig na titig sa maganda nitong mukha. She swears she'd seen her face somewhere. Hindi lamang niya maalala kung saan.
"I-I'm C-Cyra." Nakipagkamay siya rito habang titig na titig pa rin mukha nito. "Kirsten C-Cyra."
Grace widened her smile before giving Cyra a look from head to toe. "Is this Jael's shirt?" tanong nito.
Tumango siya. "Wala kasi akong nasalbang damit po. Bibili pa lang ako."
Jael checked his wrist watch then sighed. "Gracia, are you free right now?"
"Sort of. Why?"
"Can you accompany her to the shopping center? I'm having a virtual meeting in thirty minutes."
"Sure. Where's your card?" tanong nito kay Jael saka inilahad ang palad.
Napaawang ang mga labi ni Cyra. "N-Naku, hindi po. Huwag mo nang hingiin ang card ni Sir Jael. Bumale na ako ng pambili ko ng damit."
"Is that so?" Grace lifted a brow then looked at Jael again. Ang palad ay nakalahad pa rin na tila hindi ito papayag na hindi ibigay ni Jael ang credit card nito.
Jael sighed. Dinukot nito ang wallet sa bulsa saka kinuha ang itim na credit card. Ngumiti naman si Grace saka nito tinapik ang dibdib ni Jael.
"See? It's really that easy to make a move. Alejandro should really put you on a workshop," ani Grace.
Napailing na lamang naman si Jael bago ito tuminging muli kay Cyra. "You're going to wait for me over there later. Understood?" masungit nitong bilin habang itinuturo ang living area.
Cyra pursed her lips together then nodded. "Opo, Sir."
Grace chuckled softly as soon as Jael left the two of them. "Why do you act so scared around him? He's literally one of the nicest members of MCB?"
"Ano po ang . . . MCB?"
Grace explained to her what the MCB is. Para na naman tuloy nilikot ang imahinasyon ni Cyra. She listened attentively so she could use some information in her novel. Mabuti na lamang at napakalinaw nitong magpaliwanag.
"Anyway, you'll surely meet the rest of the boys one of these days. Let's go to our cabin. I have a few clothes upstairs I barely use. You can use some of it nang hindi naman ganito ang itsura mong bibili ng mga bago mong damit."
Bigla siyang tinamaan ng hiya ngunit tama naman ito. She's dressed inappropriately. Kaya kahit na nahihiya rito ay sumama siya't humiram ng damit na pupwede niyang masuot.
"Here. These are new. Gamitin mo tutal mukhang same size naman tayo," ani Grace nang ibigay sa kanya ang pares ng bra at panty.
Namula siya sa hiya. "S-Salamat po, Miss Grace."
Ngumiti ito. "Just Grace. Sige na, magbihis ka na so we can shop longer."
"Uhm, Miss este Grace, pwede bang . . . 'yong binale ko na lang ang ibili natin? Nakakahiya na masyado kay Sir Jael."
"Oh, don't worry about him. A few clothes wouldn't even hurt his pocket. Kahit bilihin mo ang buong department store ay madali niyang mababawi ang pera so don't worry about it. Ako ang bahala."
Napabuntonghininga na lamang siya. Mukhang hindi yata talaga niya ito makukumbinsi. Ibabalik na lang siguro niya iyong kinse mil mamaya kay Jael.
She wore the clothes and shoes Grace had given her. Ginamit din nila ang sasakyan nito patungo sa pinakamalapit na shopping center na nasa capital pa ng probinsya. Mabuti na lamang at magaling itong magmaneho kahit na may kabilisang magpatakbo.
Grace helped her pick some clothes. Nanghihinayang nga siya dahil iyong ibang napili nito para sa kanya ay ginto na ang presyo kahit pang-indoor clothes lang naman.
"Saan ka raw niya papatuluyin habang binabayaran mo 'yong damages?" usyoso ni Grace habang nasa counter sila upang bayaran ang mga nabiling damit.
"Sa kwarto daw po niya sa clubhouse," sagot niya.
Naging makahulugan ang ngisi ni Grace. "There's a myth about the cabins in the clubhouse, you know?"
Napakurap siya. "Ano po 'yon?"
"Kung sinong unang iuwi ng members sa kanya-kanya nilang cabin, 'yon ang nakakatuluyan nila."
Muntik na yatang tumalon palabas ng dibdib niya ang kanyang puso. "P-Po? Pero . . . imposibleng magustuhan ako no'n. Eto lang ako, eto siya. Saka . . . ang sungit-sungit no'n."
Natawa ito dahil nag-hand gesture pa siya upang ikumpara ang layo ng lebel nila ni Jael. "You think so poorly of yourself. Gandang-ganda nga ako sa'yo."
"Malabo po yata ang mata n'yo," sagot niya. Nahihiya dahil sa papuri nito.
Natawa na lamang ito. Grace paid for the clothes using Jael's credit card. Sunod naman siya nitong kinaladkad patungo sa bilihan ng toiletries at skin care essentials. Grace urged her to buy as much as she needs. Hayaan daw niya si Jael dahil ito raw ang bubugbog dito kung magrereklamo sa gastos.
Wala nang nagawa pa si Cyra kahit na halos inabot ng thirty five thousand ang kabuuang gastos nila sa mga damit at kung ano-anong gustong bilihin ni Grace para sa kanya. Todo dasal tuloy siya noong pauwi na sila ng Monte Costa dahil baka sunugin siya ni Jael nang buhay.
Jael was already in the clubhouse when she and Grace got home. Namumutla siya habang nakatingin kay Jael. Gusto nang magsisi dahil sa rami ng paperbag na bitbit niya.
"I'll see you later," ani Grace matapos nitong maibalik kay Jael ang credit card nito.
Lalong dumoble ang kabog ng dibdib ni Cyra nang iwan sila ni Grace. Halos hindi tuloy niya magawang tagalan ang masungit na tinging ipinupukol ni Jael.
"Did you buy everything you need?" malamig ang tinig nitong tanong.
Napalunok si Cyra. "O-Opo, Sir. A-Ano . . . sumobra sa dapat budget ko lang. Sorry." She put down the paperbags to get her wallet. "Ito pala 'yong fifteen thousand--"
"Keep it," masungit nitong putol sa sinasabi niya.
"Po?"
"I said keep it," sagot nito bago pinagdadadampot ang mga pinamili niya.
Cyra's lips parted as she watched Jael carry her stuff. Nagsimula na rin itong maglakad patungo sa hagdan habang napako siya sa kanyang kinatatayuan. Hawak pa rin ang pera at nakaawang ang mga labi.
Jael stopped taking another step when he noticed that she didn't follow. Nilingon siya ulit nito habang nakapinta sa gwapong mukha ang iritasyon.
"Don't tell me I still have to carry you?" he hissed.
Lumunok si Cyra bago dali-daling ibinalik ang pera sa kanyang wallet. She immediately walked towards him and followed him upstairs.
Dumiretso sila sa dulong silid. Nang mabuksan iyon ni Jael ay muntik na namang malaglag ang panga ni Cyra. The rays of the setting sun made his room look dramatic. Its beige wall complimented the wood accents that were added to the overall look. Iyong headboard nga ng kama nito ay tila mga sanga ng puno na pinakintab habang sa pader kung saan nakahilig ang kama ay may napakalaking painting ng papalubog na araw.
"You're gonna sleep on the floor. I'll have someone deliver an extra mattress here." Jael put down her stuff then looked at her in a serious way. "Ayoko ng maingay, ayoko ng magulo, lalong ayoko ng makulit."
Cyra pursed her lips then nodded. "Okay po."
Jael jerked his head. "Also, ayoko ng may makikita akong liwanag kapag oras na ng pahinga ko. If you need to use the bathroom, make sure that you shut the door first before you open the light. Kung lalabas ka, siguraduhin mong napatay mo na ang ilaw bago mo buksan ang pinto."
"Uhm, kahit kaunting ilaw lang po? Gaya ng . . . liwanag ng screen ng laptop?"
"Kahit anong liwanag. I don't like it," istrikto nitong sabi.
Napakamot siya ng ulo. "Okay po."
Jael pulled his phone from his pocket when he received a phone call. Iniwanan siya nito sa silid nang masagot ang tawag. Sinundan lang naman ito ni Cyra ng tingin hanggang sa lumabas ito ng pinto.
She sighed then looked around. Maya-maya ay nagawi ang kanyang tingin sa picture frame na nasa bedside table nito.
Her forehead creased. Nilapitan niya ang picture frame at pinakatitigan ang larawan. It was a photo of Jael with a woman. Sa larawan ay yakap ni Jael ang babae habang nasa background ang pamilyar na painting.
Cyra drifted her gaze towards the huge painting in Jael's room. Tila iyon ang painting na nasa larawan.
She moistened her lower lip while staring at the painting. Whoever the woman in the photograph is, Cyra is sure she's someone important to Jael.
Ngumisi siya. Looks like she could cure her curiosity by making a story about Jael and the woman in the photograph . . .