Kabanata 6

1564 Words
DAHIL nga ayaw ni Jael ng may liwanag sa silid kapag natutulog na ito ay kinailangang magtago ni Cyra sa banyo para roon gamitin ang laptop niya. She carefully shut the door of the bathroom then opened the light. Naupo siya sa toilet seat saka niya ibinukas ang kanyang laptop. Grace was kind enough to give her the password to the clubhouse's WiFi. After keying in the password, Cyra immediately checked her f*******: account to let Roxie know that she's still alive and breathing. Gaya ng inaasahan ay halos pasabugin ni Roxie ang Messenger niya. Nakarating umano rito ang nangyaring sunog ngunit imbes na magalit sa kanya ay ang kapakanan niya ang tanging laman ng mga chat nito. Cyra sighed before she finally typed a response to all of Roxie's chats. Kirsten Cyra Reymundo: Okay lang ako. Nailigtas ako ni Sir Jael bago ako ma-suffocate sa suite. I'm really sorry for what happened. Sana hindi mo ikapahamak ang nangyari. I swear, gusto ko lang talaga makatipid kaya nag-try ako ng life hack. Kaso muntik nang ma-hack ni Lord ang buhay ko dahil do'n. Tanging ang wallet at laptop ko ang naisalba ko. My phone was burnt inside the room along with my clothes but I'm okay. She opened her writing app and started typing her ideas. Inabot siya ng halos dalawang oras sa banyo bago niya natapos ang buong chapter. Kahit paano naman ay satisfied siya sa naisulat niya kaya nang makaramdam na ng antok ay tuluyan niyang pinatay ang kanyang laptop. She hugged it and then turned off the light. Hindi niya pa gaanong kabisado ang silid ni Jael kaya halos kapain niya ang paligid para makabalik sa higaan niya. Cyra put her laptop under Jael's bed before she finally went to sleep. Kinabukasan ay mag-isa na lamang niya sa kwarto ngunit mayroong almusal sa round table at tila isang note na para sa kanya. Iniligpit niya ang kanyang hinigaan saka siya lumapit sa mesa. "Ang aga namang umalis no'n?" she murmured to herself when she realized that it was only six in the morning. Dinampot niya ang note at binasa. "You were sleep talking last night and you were also snoring. I thought you're gonna choke in your own saliva a couple times, woman! Anyway, once you read this, take a bath, eat, and start working. Make sure the clubhouse is spotless. Also, there's coffee inside the thermal mug. Don't you dare use the electric kettle in my room! PS: If any of my brothers by oath will try to hit on you, run. Most of them are flirts especially Colden." Napalunok siya. Totoo ba? Nagsasalita ba siya habang tulog saka humihilik? Cyra sighed. "Nakakahiya!" Her cheeks burned out of humiliation. Nagulo tuloy niya ang kanyang buhok bago siya naiinis na umupo sa silya. Mamaya na siya maliligo. Uunahin na lamang niyang kumain. Baka sakaling kung magkalaman ang tiyan niya ay makalimutan niya rin ang nakasulat sa note. She went straight to the bathroom after finishing her entire meal. Nang matapos maligo ay isinuot niya ang unipormeng kasamang ibinigay ng staff. She went downstairs where Jael told her to leave her cleaning materials. Hinatak niya iyon patungo sa living room at doon nagsimula sa paglilinis. "Oh, hey Cyra!" bati ni Colden sa kanya. Mukhang kagagaling lamang nito sa pagja-jogging sa tabing-dagat kaya pawisan pa. She smiled after turning off the vacuum cleaner. "Good morning po. Nakita n'yo po si Sir Jael? Wala na kasi siya sa cabin niya noong nagising ako. May itatanong sana ako, eh." "He's probably in his office. He's kind of a workaholic so he often leaves the clubhouse before sunrise." "Ah, sige po mamaya ko na lang kakausapin. Pupunta rin naman ako doon at maglilinis." Colden smirked. "Alright. I'll see you later." Kumaway na lamang siya rito't sinundan ito ng tingin nang makitang dumiretso sa hagdan. Honestly, Colden doesn't seem like a flirt. Tila masyado lamang itong friendly kahit sa mga babae. She continued cleaning. Hindi naman mahirap linisin ang bawat area dahil well-maintained naman ang lugar. Doon siya sa mga silid medyo nahirapan. Hindi rin naman marumi. Sadyang marami lang gamit na hindi niya alam kung pupuwede niyang galawin. Pagod na pagod siya noong lumabas mula sa pinakahuling silid kaya sumalampak siya sa sahig at nagpaypay ng sarili. Ilang minuto pa lamang siyang nagpapahinga nang natanaw niya si Jael na paakyat ng hagdan. Dali-dali tuloy siyang tumayo saka niya pinagdadadampot ang mga panlinis. "Sir Jael!" tawag niya. Jael looked over his shoulder in an irritated way. Ang natural na may kakapalang kilay ay halos magdugtong habang matalim na nakatingin sa kanya. "Jesus, woman. Don't shout, will you?" asik nito nang makalapit siya sa pwesto nito. "Ay sorry." She forced a smile. "Tapos ko na po lahat. Doon na ako sa opisina mo." "That fast?" tila hindi naniniwala nitong tanong. Tumango siya bago ngumisi. "Sabi ko sa'yo, eh magaling akong maglinis. Kahit gumulong-gulong ka pa ngayon sa mga sahig, malinis lahat 'yan." Niyakap niya ang mop. "Bakit po pala ang aga mong gumising kanina at umalis ng cabin?" Nayayamot siya nitong tiningnan. "Because you were an annoying roommate." Ngumuso siya. "Ikaw pa lang ang nagsabing nagsi-sleep talk ako at humihilik." Tinaasan siya nito ng kilay. "You think I was lying, hmm? If I was, then who's Arthur? Minumura mo ang taong 'yon habang tulog ka kaya ilang beses akong naalimpungatan." Napakurap siya. "G-Ginawa ko 'yon?" Jael rolled his eyes. "Obviously? Who was it?" She smirked then poked his rib. "Sus, chismoso!" She laughed. "Wala! 'Yong siraulong ex ko lang po 'yon na nahuli kong nakikipagjerjer sa katrabaho niya." Muling nalukot ang noo ni Jael. "Jerjer? What's jerjer?" "Hindi mo alam 'yon?" "Itatanong ko ba kung alam ko?" masungit nitong balik. Cyra sighed. Maya-maya ay imwinestra niya ang mga palad niya. She then made a ring with her thumb and index finger then inserted her other index finger in it. "Ayon. Alam mo na 'yon, Sir." Jael grunted. "For f**k's sake, Cyra we're both adults. Just say you caught him having s*x with someone else." She sighed. "Oo na po. Nahuli ko nang nakikipag-s*x ang ex ko. Ito naman, eh sini-censor ko nga?" Umiirap itong umiling. "Baby faced ka lang pero hindi ka na baby so stop censoring words that should be normal to adults like us." Naiirita siya nitong tinitigan. "Bumaba ka na at hintayin ako ro'n." Napasimangot na lamang si Cyra nang layasan siya nito upang magtungo sa sarili nitong cabin. Wala na rin siyang nagawa kaya binitbit niya ang mga panlinis niya't hinintay ito sa bungad ng clubhouse. Jael went down after a few minutes. Nakapagpalit na ito ng mas formal na pantaas ngunit nakakunot pa rin ang noo na tila pasan nito ang lahat ng problema sa mundo. "Put your cleaning stuff in the golf cart," utos nito. Tumango na lamang si Cyra saka niya sinunod ang utos nito. Nang maisakay ang mga gamit ay pinaupo na siya nito roon saka nito minaneho ang golf cart hanggang sa Raja Amor Suites. She struggled to carry everything so Jael grunted before he grabbed the rest in an irritated way. Napasimangot siya. "Sir, ako na lang ang magbibitbit kaysa malukot pa nang husto 'yang noo mo." Tinaasan siya nito ng kilay. "Ang liit-liit mo, ang taas ng pride mo?" Napaawang ang mga labi ni Cyra. "Excuse me po? Hindi mataas ang pride ko. Ang sinasabi ko lang, ako na po ang bubuhat ng mga gamit kaysa nakasimangot ka diyan." "That's basically the same thing so knock it off." Cyra pouted as she followed him to the elevator. Hindi na sila nagkibuan pa hanggang sa nakarating sila sa opisina nito sa top floor. She started cleaning while Jael went to his desk. Nakasimangot ito habang tutok na tutok ang mga mata sa screen ng computer. Napapailing tuloy si Cyra. Hindi kaya iyong pagiging negatron ni Jael ang dahilan bakit talaga nagkasunog? Baka naman naapektuhan ng negative energy nito ang life hack na sinubukan niya? "Kahit ilang beses mong padaanan ng pamunas 'yang coffee table na 'yan, hindi na magbabago ang kulay niyan," masungit na sabi ni Jael dahilan upang maagaw ang atensyon ni Cyra. Tumayo siya nang maayos saka siya bumuntonghininga. "Sir, no offense pero labas ka na lang kaya muna? Ang nega mo, eh," hindi na niya napigilang sabihin. Siguro ay dala na rin ng pagod kaya iritable na rin siya rito. Tumaas ang masungit nitong kilay. "Excuse me?" Cyra pouted. "Hindi ka ba marunong mag-smile? Kahit kaunti lang. Para naman ganahan akong maglinis dito." Jael scoffed. "Why should I make myself your inspiration just so you'd do your job?" He lifted a brow again. "Don't tell me, you're making an excuse because you're attracted to me?" Napakurap siya't ang mga labi ay umawang. Aba't assumero rin pala ang isang ito! Jael smirked then shook his head. Maya-maya ay nagpakawala ito ng malalim na hininga. "For the record, you are not my type. I want alpha women, and you're clearly not one so do your job before I throw your ass in jail for burning one of my suites." Halos maningkit ang mga mata ni Cyra. Hindi lamang pala ito assumero. Antipatiko pa! Nagbago na ang isip ni Cyra. Hindi na siya magsusulat ng kwento tungkol kay Jael at sa babaeng kasama nito sa larawan. Papatayin at tutustahin niya na lamang ito sa nobela niya . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD