Nang lumingon ako kung saan nang galing ang boses ni Ford ay nakatalikod na ito at naglalakad palayo sa amin. "SUNDAN MO SIYA." natigilan ako nang sabihin ni Marco iyon sa boses nitong malungkot. Bumaling ako rito. Nag tagpo ang mata namin malungkot ang nga mata nito habang pekeng nakangiti sa akin. Umiling ako saka bumagsak muli ang luha ko. Nakagat ko ang pang ibabang labi saka umatras palayo rito habang nakatitig parin sa mga mata nito. Tumango lang ito. "I-I'm sorry..."paalam ko rito bago nag simulang humakbang palayo rito upang sundan si Ford na agad umalis nang makita ang sitwasyon namin kanina. Why I'm always torn between two subject? Bakit kailangan ko laging mamili? Bakit kailangan pa? Hindi ba pwedeng pareho silang manatili sa tabi ko? Ngunit alam kong hindi ganoon yon ma

