Paulit ulit kong tinatawagan ang cellphone ni Marco ngunit hindi ito sumasagot sa aking tawag. Kinakabahan ako dahil isang linggo mag mula nang huling usap namin ay hindi ko na muli ito nakausap. Hindi ko binalak na kausapin ito dahil ayokong maulit nanaman ang aming usapan. Ayokong marinig na ayaw na nito akong makita. Ayokong marinig ang pag iyak nito dahil sa akin. Ayoko. Ayukong makitang nasasaktan ito dahil sa akin. Nabigla nalang ko nang tawag ako ni Tito Michael kanina at sinabi na hindi nila ito makontak. "Tito?" patanong na tanong ko rito dahil hindi ko inaasahan ang tawag nito sa akin. Lalo na ngayon dahil alam ko na may tampo ang mga ito dahil sa nangyayari kay Marco at dahil iyon sa akin. "Are you still communicating with Marco?"iyon ang tanong nito. Natigilan ako dahil sa

