"Gusto niyong ipagpatuloy ang pag-imbistiga sa pagkamatay ni Romulo Astrera, sir?" gulat na tanong ni Ismael, ang private investigator na inatasan ko sa tuwing may gusto akong malaman. I nodded my head. "That's right. Gusto ko halungkatin mo ang lahat ng nangyari sa kanya... Kung sino ba talaga ang mga sindikato sa likod ng pagkamatay nito." Kumunot ang noo ni Ismael. "Isang taon mo ng pinatigil sa akin ang pagkalap ng impormasyon kay Romulo? Nakapagtataka? Bakit nagbago yata ang isipan mo? Bakit gusto niyo ulit halungkatin ang nangyari sa kanya?" mausisang turan nito. Masamang tingin ang ginawad ko sa kaharap. Tinukod ko ang siko sa lamesa. Direktang tiningnan si Ismale na may kunot noo. "I already change my mind... Gusto kong malaman ang nangyari sa kanya. Make sure, you are not a

