AUSTINE SALAZAR'S POV "Son, you're drinking too much. That's enough!" sita ni Daddy sa akin nang makita niya akong nilagok nang walang pag-alinlangan ang bote ng alak. "I can handle myself, dad... Hindi pa naman ako lasing," ngisi ko pa. Kukunin ko na sana ang isa pang bote na hindi pa nabubuksan ngunit agad nang nilayo ni Daddy iyon sa akin. Nag-utos rin siya sa mga katulong sa bahay na tanggalin lahat ng inumin sa lamesa. Sumimangot ako habang pinagmasdan ang mga alak na nilayo nila sa akin. "Why don't you join me in here, dad? Ngayon na nga lang ako bumalik sa Hacienda natin. Pinagbawalan mo pa akong uminom," pag-iling ko. I rest my back on my chair. Nagdekwatro ako sa harapan niya. "Hindi alak ang tinuro ko sa inyo para lutasin ang mga problema niyo. Mag-isip ka ng mabuti sa mga p

