Nanginginig ang kamay ko habang naghihintay sa labas ng condo namin. Nakailang pindot na ako sa doorbell ngunit walang lumalabas. Hindi ko alam kung nandito pa ba si Troy o pumasok na sa kanyang trabaho. Kailangan ko na ring pumasok dahil CEO ako sa company namin ngunit mukhang mas mabuti kung lumiban muna ako.
Kanina hindi naman ako makatawag dahil wala sa akin ang phone ko. Buti na nga lang din alam ko ang exclusive subdivision kung saan ang bahay ni Hansel. Swerte rin na may kakilala ako na doon nakatira kaya nakisabay ako kahit sobrang nakakahiya.
Akma na akong aalis para sana umuwi na lang sa bahay ng parents ko ngunit bumukas ang pinto. Malapad ang ngiti ni Troy ngunit nang makita ako ay kaagad na naglaho ang kanyang matamis na ngiti.
"Sino 'yan, sweetie?" nagpaulit-ulit ang salitang iyon sa tenga ko.
Iritado na inirap ni Troy ang kanyang mata.
Subalit imbes na kay Troy ako tumingin ay sumilip ako sa likod niya. Ibang babae na naman ito kaysa sa nakita ko noong gabing nag-away kami. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko siyang nahuli. Hindi ko na naman mapigilan ang luha ko nang dumapo ang tingin ko kay Troy na mariin lamang na pumikit bago bumuntong-hininga.
"Let me talk to her first..." mahina niyang turan bago ako sinaraduhan ng pintuan.
Napabuga na lang ako ng malalim na hininga at umalis na sa condo namin.
Ang kapal talaga ng mukha niya para ganun ang i-akto niya. Bwisit talaga siya! Gigil na gigil na ako pero hindi ko siya magawang saktan!
Why am I so damn weak to fight for myself?!
"Anak, okay ka lang ba?"
Nilingon ko si mommy na nag-aalala ang tingin. Hinawakan niya ang kamay ko pero inilayo ko iyon.
Pumunta ako dito para makahinga lang sana pero pakiramdam ko may nakahawak pa rin sa leeg ko.
Tumikhim ako bago magsalita. "'Ma, hindi na ako magpapakasal kay Troy. He's always cheating on me. Napapagod na ako..."
Mabilis na namula ang mata ni mommy pero umiling din siya na labis kong kinadismaya. Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga bago tumango.
"Your choosing the company over me?" lumuluha kong ani ngunit kaagad ko rin namang pinahid ang luha ko at tumayo.
"Anak... alam mo naman na hindi pa kayang tumayo ng sarili nating kompanya. We need their help-"
"So I must endure that pain while watching Troy enjoying himself with other girls? Ganun ba mommy? Inisip ko na lang ba na,'Sige, okay lang lahat kahit gawin pa nila sa harap ko! Kahit na nilalait na ang pagkatao ko.' Ganun ba 'Ma?" muli niyang tinangkang abutin ang kamay ko pero umatras ako. "Mahal ko si Troy, Mom at alam niyong lahat 'yon. Walang problema sa akin na pakasalan ko siya pero hanggang kailan ako magpapakagago? Hanggang kailan ako magtitiis na pakasalan niya ako at matigil na siya sa pangbabae niya?!"
Kita ko ang matinding paglunok ni mom sabay iwas ng tingin. They don't know the answer so do I.
Hindi siya nagsalita kaya nagpatuloy ang galit ko. "Sumuko na ako, Mom. Naubos na ako dahil sa inyo pero lumalaban pa rin ako. Hindi ko na alam kung mahal ko pa ba si Troy dahil araw-araw na akong natatakot na kaya ko lang gustong manatili kasi ayokong ma-disappoint ko kayo! I love you but this is enough."
"Sabi naman niya pagdating ng thirty papakasalan ka niya." ulas ni mom ngunit hindi siya sa akin nakatingin. Hindi niya magawang tumingin ng deresto! Tila hindi niya narinig ang sinabi ko.
Umiling ako at nasapo ang noo.
"Mamatay na ako sa sakit ng puso kapag hinintay ko pa siya na maging thirty. Ilang taon pa ako magtitiis sa panloloko niya!" I paused, sighing. "I can't marry him anymore, Mom."
Nag-angat ng tingin si mom at tumayo na rin. Hinawakan niya ang magkabila kong braso at bahagyang inalog.
"Alam mo ba ang sinasabi mo, Samira?! Sisirain mo lang ang reputasyon ng pamilya at kompanya natin sa gagawin mo! The investors will expecting this merge between Vilda and Contenar. Hindi na 'to pwedeng maputol kayo umayos ka!" pagalit niyang ani habang nanlilisik ang mata.
Kumawala ako sa hawak ni mom. "Talagang pinapamukha niyo sa akin na mas mahalaga ang kompanya kaysa sa sarili niyong anak? Iyon lang ba talaga ang halaga ko? K-kahit alam niyong sinasaktan na ako nagbubulag-bulagan lang kayo dahil sa punyetang kompanya na 'yan! Bakit 'Ma?! Ginagawa ko naman ang lahat ah!"
Natitilan si mom at lumandas din ang kanyang luha at nagtakip ng bibig. Dapatwa't alam kong nasasaktan siya para sa akin, hindi ko pa rin sila kayang maintindihan ni daddy. Laging nauuna ang kapakanan ng kompanya bago ako.
Pinunasan ko ang luha ko at ngumiti. "I'm leaving mom."
"W-wait, Samira. What do you mean your leaving?" bahagyang tumaas ang tono ng kanyang boses at hinuli ni mom ang pulsuhan ko.
"Let me rest for a while. Iiwan ko muna sa pangangalaga niyo ang kompanya. Don't worry mom, magtatrabaho pa rin naman ako kahit malayo ako. I just need you to be present when there are meetings." sagot ko sabay hila sa kamay ko.
"Samira, if you love Troy, you should try to endure everything until he's ready."
That's bullshit!
"'Ma! I tried but I was freaking tired! Pagod na pagod na ako! Bakit ang hirap sa inyo na intindihin na ako ang anak niyo, Mom?! Hanggang kailan ako magtitiis sa sakit? Hanggang kailan ako manonood sa ginagawa niyang panloloko? Hanggang kailan kayo magbubulag-bulagan sa lahat ng ito!” huminto ako para huminga.
"Samira... just stay." matigas na sabi ni Mommy.
Umiling ako. “I want space. Space na lang ang hinihingi ko, Mom. Hindi ako makikipaghiwalay kay Troy kaya sana masaya kayo. Tuloy ang kasal na gusto niyo kaya 'wag kayong matakot na babagsak ang mahal 'yong kompanya.”
Naiwang nakaawang ang labi ni mom pero hindi na ako nag-iwan pa ng salita at umalis na sa bahay. Kahit saang lugar ako ay wala akong matagalan. I pity myself for experiencing this kind of hell life.
Ipipilit pa rin talaga nila na magpakasal ako kay Troy para sa kompanya namin ngunit durog naman ang puso ko sa pambabae ni Troy. Hindi ba pwedeng piliin ko na maging masaya bago ang kompanya? Dapat ko na lang ba hayaan si Troy sa ginagawa niya at hintayin siya na umabot sa thirty bago ako pakasalan? Paano kapag umabot nga siya ng thirty hindi pa rin niya ako pakasalan?! Kahit na sinusuportahan nila ang kompanya namin, hindi pa rin ako mapanatag.
Umuwi ako sa condo namin ni Troy. Seryoso ako sa pag-alis para makapag-isip muna. The lights is off so I expected he wasn't here or maybe he is but he's having s*x with someone. Kaya lang naabutan ko siyang nakatulala sa sala. Mabilis akong ginapangan ng kaba dahil sa sama ng kanyang tingin.
Mabilis siyang tumayo at ngumiti sa harap ko. I swallowed hard as he took another step and I took a three step backward.
"M-may problema ba?" bungad kong tanong dahil mukhang may problema.
"Wala namang problema, Samira?" humakbang siyang muli papalapit na lalong nagpakaba sa akin. Bawat hakbang na ginagawa ni Troy ay ang bawat atras ko naman hanggang sa maabot ko ang malamig na pader.
"Nag-enjoy ka ba?" nakangiti na tanong ni Troy pero galit ang namumutawi sa kanyang mata.
"E-enjoy? Hindi ko maintindihan ang sinabi mo-"
"Ayaw mo pala na fiancée mo ang makauna sa 'yo. You want a total stranger to fvck you." umiling pa si Troy nung sinabi niya 'yon.
Bumaba ang tingin ko sa sahig at nagtiim bagang.
No.
Marahil alam ko ang tinutukoy niya pero nagmamaang-maangan lamang ako. Hindi ako katulad niya na handang isiwalat ang ginagawa na wala man lang pagsisisi na nararamdaman.
"Sana sinabi mo noong hindi pa tayo magkakilala, so I fvck you-" isang sampal ang binigay ko bago pa matapos ni Troy ang kanyang sasabihin.
Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang tungkol dito pero hindi na kayang marinig pa ang lumalabas sa kanyang bibig. Troy hurt me too much.
"Tell me, may gumalaw ba sa'yo?"
Napaatras ako.
"Damn it!" tumawa siya at umiling. "Totoo nga kahit balak mo pang itanggi, Samira. Kaya umamin ka na kung may nangyari nga." nagpipigil siya ng galit.
"I-I s-slept with a s-stranger..." lumuluha kong turan.
Umigting ang panga ni Troy at labis ang salubong ng kanyang kilay. Lumunok ako bago muling nagpatuloy. "I-I regret what I did pero ikaw?! Kahit kailan sa lahat ng mga ikinama mong babae wala kang narinig sa akin na pangbabastos! TROY! YOU'RE SO f*****g UNFAIR!" umalingawngaw ang boses ko sa buong condo namin. Ito ang unang beses na sumigaw ako sa harap niya.
Hinampas ko ang dibdib niya at hinayaan niya lang akong gawin 'yon. Ngunit ako na rin mismo ang sumuko sa ginagawa ko. Sinandal ko ang ulo ko sa dibdib ni Troy at naghabol ng hininga. Habang pinapakalma ang sarili ay naririnig ko ang kabog ng kanyang puso.
"Aalis ako kaya pwede mong i-enjoy kung anong gusto mo sa buhay mo habang hindi kasal pa tayo. I'll accept you kahit ilang babae pa ang dalhin mo sa bahay na 'to. I-I'll wait if I have to. Nagkamali ako pero hindi pa rin ako katulad ng mga babae mo! Basta kapag thirty ka na totohanin mo ang ipangako mong papakasalan mo ako." wala lakas kong turan sabay umalis sa pagkakahilig sa kanya.
Troy didn't say anything. Lumabas ako ng bahay at piniling lumayo muna. Bukas mismo aalis na ako para makapag-isip kung anong gagawin ko sa buhay ko. Marahil nga na wala na akong ibang choice dahil kailangan ko ng tulong ni Troy para sa kompanya kaya magtitiis ako. Isa pa, mahal ko rin naman siya kaya ganito na lang ako kung umasa na balang araw magigising siya na ako na rin ang mahal.
Ang hirap kasi namamalimos lang ako ng pagmamahal.
Hindi ko na naman alam kung saan ako pupunta. May mga kaibigan akong maaasahan ko pero ayokong makidagdag pa sa problema nila. Aalis ako siguro babalik na lang kapag nagpapakasal kami ni Troy. Gusto kong umalis at magsimula ng bagong ako pero hindi ko naman alam kung paano.
Nasapo ko ang noo ko at sinuklay ang buhok palikod. Nandito ako ngayon sa isang plaza. Umupo ako sa sahig at niyakap ang aking tuhod.
"Why are you here?"
Napaangat ako ng tingin dahil sa pamilyar na boses. Si Hamon! Este Hansel pala! Bigla akong kinilabutan nang maalala ang pagbabantay niya.
Umayos ako ng tayo at sinamaan siya ng tingin. "Anong ginagawa mo dito?"
He shrugged. "Napadaan lang pero ikaw anong ginagawa mo dito? Gabi na pero pagala-gala ka pa. Hilig mo ba 'yon?" masungit nitong turan.
Inirapan ko siya. "Wala ka na doon." pabalang kong sagot at akma na siyang iiwan pero pinigilan niya ako.
"Ano na naman ba? Matino ako ngayon kaya sorry ka kung s*x ang hanap mo dahil hindi ka makaka-score." inis kong ulas dahil nakaharang siya sa dadaanan ko.
Binangga ko siya pero narinig ko lang ang kanyang pagtawa.
Nagtayuan ang balahibo ko dahil sa tawa niya.
"Nasa akin ang phone mo."
Napahinto ako sa paglalakad at bumalik sa kanya. Nilahad ko ang kamay ko.
"Akin na,"
He scoffed and then licked his lower lip. "Okay, baby."
Baby? Imbes na mainis ako, bakit ang sarap pakinggan?
Muli kong siyang inirapan at hinintay na ibigay ang phone ko. Nang iabot niya ito sa akin at tumalikod na ako at umalis. Hindi na naman niya ako pinigilan kaya nakalayo ako sa kanya. Ayoko na talagang makita pa siya dahil naaalala ko lang ang katangahan na ginawa ko.
Doon muna siguro ako kina Heily matutulog. At habang naglalakad para mag-abang ng taxi ay nag-book na ako ng flight ko papunta sa ibang bansa.
Pero bago matapos ang gabi ay nakatanggap ako ng mensahe sa hindi ko kilalang number.
Unknown number:
Call me if you're lonely or you need someone to talk to.
May humaplos sa puso ko ngunit hindi ko na ibala pa ang sarili na mag-iwan ng mensahe sa kanya. Trick lang ng mga lalaki 'to para makuha ang loob ng babae.
"Bakit ka nga ulit aalis?!" tumaas ang boses ni Troy habang nakatingin sa gamit ko.
"Nasabi ko na sa'yo 'di ba?"
"No, you didn't." umiiling niyang turan. "Sinabi mong aalis ka nga pero anong dahilan? Dahil ba may nauna na sa'yo? Baka makikipagkita ka lang sa lalaking 'yon." paratang niya.
Wala akong sinabi dahil pagod na akong makipagbangayan kahit ang sarap niyang hampasin nitong maleta ko.
Akala ko wala na siya sa bahay.
Pagod kong siyang binalingan at hinila ang maleta ko malapit sa pintuan. Wala akong lakas na magsalita pa sa kanya lalo pa't nakita kong may bago na naman siyang babae na dinala dito kanina. Hindi ko alam kung bahay pa ba namin ito o s*x room niya na lang.
Bago ko pa mabuksan ang pintuan ay padarag na hinila ni Troy ang maleta ko.
Inis ko siyang hinarap pero hindi pa rin ako nagsasalita.
Wala akong maramdaman na kahit ano sa kanya. Tang*na! Namanhid ba ako? Kahit na makita ko ang takot sa kanyang mukha, wala itong epekto sa akin. Para saan iyon? Bakit ganyan ang pinapakita niya ngayon?
"Samira, saan ka sabi pupunta?" pag-uulit niyang tanong.
"May silbi ba sa 'yo ang magiging sagot ko?" he gritted his teeth, angrily. "Troy, gusto ko munang lumayo para mag-isip. Nasabi ko na 'to kagabi. Babalik-"
"Babalik? Tapos ano? Hindi mo na ako papakasalan? Bakit gusto mo ba doon sa lalaking nakauna sa 'yo? Mas mayaman ba 'yon sa akin at papanagutan ka ba? It was just an one night stand, Samira. Huwag ka masyadong umasa. Normal lang na nangyayari 'yon sa club." sunod-sunod niyang ulas pero hindi ko naman magawang i-process sa utak ko lahat.
"Galit na galit ka kasi ginagawa mo."
I'm just tired of having this type of argument with him, all over again and again.
"Ikaw pa rin ang papakasalan ko kung iyon ang kinakatakot mo. I need you and your company. Kailangan natin ang isa't-isa." napalunok ako at wala sa sariling tumango. "Pero gusto ko lang huminga saglit, Troy. Hindi rin naman ako makakawala sa'yo."
Matagal siyang tumitig sa akin pero batid kong hindi pa rin niya naiintindihan ang gusto ko. Lagi naman ganun, kasi makasarili siya at ma-pride.
"Okay. I'll let you but I have a request before you go." seryoso na turan ni Troy.
Mariin akong napapikit, nang magmulat ay doon lamang akong pagod na tumango.
"Ano 'yon?"
"I want you, Samira. Let's do it here. Now." kinilabutan ako sa labis na pagiging seryoso ni Troy.
"Pero-" naitikom ko ang bibig ko para pigilan ang sarili na kumontra pa sa kanya. Nagawa ko nga sa iba pero bakit hindi ko magawa sa boyfriend ko? Kaya ko naman siguro.
Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi at marahang tumango.
"Come here," matigas niyang sabi.
Sumunod ako kay Troy at nang makalapit sa kanya ay hinalikan niya ako pero hindi sa labi kung sa leeg ko.
"B-bakit hindi mo ako mahalikan sa labi?" nauutal kong sabi.
"I will..." ani ni Troy sabay sinungaban ang aking labi.
Nagulat ako nang buhatin niya ako at sinandal sa pader. Kailangan kong kumapit sa kanya dahil na tatakot akong mahulog kapag bigla niya akong binitiwan.
"I'll fvck you, Samira. Hard." matigas niyang sabi sabay kagat sa pang-ibaba kong labi.
Hindi ko na namalayan na nasa kama na pala ako. Mabilis na hinubad ni Troy ang kanyang saplot na dahilan para umiwas ako ng tingin. Kinababawan niya ako at hinarap sa kanya ang mukha ko.
"Look at me Samira. Don't take your eyes off me until the end. Ito ang pinalampas mo sa relasyon natin at binigay mo sa lalaking nakauna sa 'yo." seryoso pa rin si Troy.
Bawat galaw niya ay may halong galit.
He removed my clothes and then, lustfully stares at my nakedness. Hindi ko na tinakpan pa ang katawan ko at hinayaan si Troy sa gusto niya. Hindi naman sa hindi ko rin ito gusto pero walang pumapasok sa utak ko. I want him too to erase the traces of Hansel on my body but then, I hate it that I am not still sure.
Ngunit huli na ang lahat para magsisi dahil nasa loob ko na ang kahabaan ni Troy.
"Ahhh!" marahan ang bawat pagbayo ni Troy habang magkasakop ang aming mga kamay.
Nakailang mura si Troy habang bumibilis ang kanyang pag-ulos.
"I'm hate that I'm not your first Samira." mas binaon niya pa ang kahabaan niya na nagpaliyad sa akin.
Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman ngayon. Hindi ko ito gusto pero gusto ko ring magpaubaya kay Troy. Gusto kong ipagkumpara kung anong naramdaman ko doon kay Hansel nang walang takot kong binigay ang aking sarili.
May hinahanap ako pero hindi ko makita kay Troy. I want to push him but I'm too weak to do it.
Hinalikan niya akong muli habang patuloy pa ring gumagalaw sa ibabaw ko. Makailang ulit pa naming ginagawang paharap na posisyon hanggang sa parehas na kaming labasan.
Napadaing ako dahil dumagan siya sa akin. Binaon niya ang kanyang ulo sa aking leeg.
"Now, you can leave." matigas nitong sabi.
Kinagat ko ang labi ko para hindi umiiyak sa sinabi niya. Tumango na lamang ako.
Troy get what he wanted and he wanted me to leave. Umasa ako na sasabihin niyang 'wag na ako umalis. Kung sinabi niya 'yon, I'll stay.
Hindi nga siguro ako sapat para sa kanya kahit na isuko ko pa ang lahat-lahat. Naubos na ako at nagagalit sa aking sarili. Hindi na maibabalik pa kung anong nagawa ko para maging masaya lang si Troy. So, I won't settle for less. Aalis ako at mag-iisip para naman sa sarili kong kapakanan habang tinutulungan na isalba ang nanganganib naming kompanya.