Kabanata 16: Pasabog

1196 Words

Parang may mabigat na bato sa aking dibdib nang unti-unting bumalik ang aking malay. Madilim. Amoy gasolina. At may tumutulong mainit sa gilid ng aking noo. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Nakatagilid ang sasakyan. Basag ang windshield. May mga dahon at sanga na nakasabit sa paligid. Masakit ang ulo ko. Maingat kong itinaas ang kamay ko at hinawakan ang aking noo. May sugat ngunit ramdam kong hindi malalim, pero sapat para magdulot ng hapdi at hilo. Nang tingnan ko ang aking mga daliri, may bahid ito ng dugo. “Okay… okay…” mahina kong bulong sa sarili ko. Hindi ako nabalian. Hindi ako nakaramdam ng matinding sakit sa mga paa o braso ko. Nanginginig lang ang mga kamay ko dahil sa takot. At doon bumalik ang alaala. Ang prenong sira. Ang pababang daan. Ang pagbangga

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD