Chapter 4

2585 Words
HINDI masabi ni Erin kung dapat nga ba niyang ipagpasalamat na ilang araw niyang hindi nakita si Akio. Hindi naman siya naglagi sa bahay nitong mga nagdaang araw kaya naman may mga pagkakataon talaga na malakas ang t***k ng puso niya. Kung simpleng kaba lang iyon na baka nga magkasalubong sila ng binata o may iba pang ibig sabihin iyon, hindi niya masabi. Gaya ng araw na iyon. Bagaman hinihiling niya na huwag makasalubong si Akio sa kahit saang lugar na mapuntahan niya, napupuna niya ang sarili na pasimpleng nililinga ang paligid. Antisipasyon nga ba ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon? Pero ano naman ang ia-anticipate niya? Mukhang magulo na naman ang takbo ng utak ni Erin. At naiinis siya dahil iisang tao lang ang may kakayahang gumawa niyon sa kanya. "Shouldn't you be focusing on your steps while you're outside? Mapapahamak ka sa ginagawa mo, eh. Hindi ka pa rin talaga nagbabago," ani isang pamilyar na tinig sa kanyang likuran. Lalong umigting ang kabang kanina pa niya nararamdaman dahil doon. Natigilan siya. Hindi na niya kailangang lumingon para makita kung sino iyon. Napatigil siya sa paglalakad at saka huminga nang malalim upang subukang pakalmahin ang nagwawala niyang puso. "Ayaw mo talaga akong lubayan, 'no? Kahit ilang beses kong sabihin sa 'yo na huwag mo na akong kakausapin." Pilit niyang pinatatag ang kanyang tinig. Hindi pa niya gustong mahalata nito ang nararamdaman niya. Narinig niya ang pagbuntong-hininga nito bago humakbang palapit sa kanya. Noon siya tuluyang napalingon dito. Napaatras siya ng ilang hakbang nang makitang papalapit ito. Huli na nang mapansin niyang nasa gilid na siya ng sidewalk nakatayo malapit sa kalsada. Natisod siya nang humakbang pa ng ilang beses paatras, dahilan upang mapaupo siya sa kalsada. Tatangkain na sana niyang tumayo upang makaalis doon subalit sumigid ang matinding sakit sa kaliwang paa niya. Napilayan pa yata siya. Pigil niya ang hininga nang makitang agad siyang dinaluhan ni Akio. Bakas sa mukha nito ang matinding pag-aalala habang nakatingin sa napilayang paa niya. "Don't act that scared of me. Wala naman akong planong saktan ka, eh," sermon ng binata sa kanya. Napasinghap na lang siya nang walang salitang binuhat siya ni Akio upang maialis kaagad sa kalsada. "Ano'ng ginagawa mo?" Pero kaagad ding nasagot ang tanong niyang iyon nang marinig ang pagharurot ng isang sasakyan. Hindi na niya napansin kung anong klaseng sasakyan iyon dahil sa bilis ng pagpapatakbo niyon. Pero masasabi niyang maangas ang may-ari niyon na para bang pag-aari nito ang kalsada kung makapagpatakbo ng sasakyan. Kapagkuwan ay narinig ni Erin na huminga nang malalim si Akio, as if relieved. Noon niya naisipang tingnan ito. Subalit naumid siya nang magtama ang kanilang mga mata. Kitang-kita niya sa mga mata nito ang lungkot, gaya ng nabanggit sa kanya ni Priscilla. Akio sighed once more which broke that atmosphere between them. Hindi niya napigilan ang pag-iinit ng kanyang mga pisngi nang mapansing buhat-buhat pa rin siya ng binata. "Y-you can put me down now," aniya at saka nag-iwas ng tingin. "At hayaan kang maglakad na may pilay ka? I don't think so. Ihahatid na kita pauwi. For now, don't argue with me. Mas mahalagang mabigyan natin ng paunang lunas ang pilay mo," seryosong saad ni Akio at nag-umpisa nang maglakad sa direksyon papunta sa bahay niya. Mukhang alam pa rin nito kung saan siya nakatira. Kahit ayaw niya, nakaramdam pa rin siya ng galak sa naiisip. Hindi na siya nakipag-argumento rito gaya ng gusto nito. Wala naman na siya sa mood para gawin iyon. Hindi niya alam kung dahil iyon sa sakit na patuloy na nararamdaman sa pilay niya o sa katotohanang ganoon siya kalapit kay Akio. The warmth she felt emanating from his body while carrying her and holding her that close was something that she truly missed. Napapikit na lang si Erin nang mariin. Ramdam niya ang pangingilid ng kanyang luha pero ayaw naman niyang makita iyon ng binata. Wala sa sariling ipinatong na lang niya ang ulo sa balikat nito. Naramdaman niya ang bahagyang pagkagulat nito, maging ang malakas na pagtibok ng puso nito. Does his heart beat this fast because of me? Isang munting pag-aasam iyon sa parte niya. Pero saka na niya iisipin ang isasagot doon. Hahayaan na lang niya muna ang sarili na pakiramdaman at muling marinig ang t***k ng puso ni Akio habang magkalapit pa sila nang mga sandaling iyon. = = = = = = KAHIT sinabihan na si Erin ni Akio at maging ng doktor na kapitbahay niya na huwag munang masyadong ikikilos ang napilayan niyang paa, pinairal pa rin niya ang tigas ng kanyang ulo. Sa tingin naman kasi niya ay kaya niyang i-handle ang sakit niyon. Kahit sabihin pang muntik nang ma-dislocate ang paa niya dahil sa maling pagkakabagsak sa kalsada noong isang araw. Ayaw lang naman niyang manatili sa bahay dahil wala rin naman siyang magagawa roon. Wala siyang mapanood na matino o gusto niya sa telebisyon. Wala siya sa mood na magbasa at hindi rin naman niya gustong matulog na lang buong maghapon. Ngayon niya gusto pagsisihan na nag-resign siya sa trabaho niya sa bangko. Wala tuloy siyang puwedeng gamitin bilang distraction upang maialis niya ang isipan kay Akio. Then again, that would've been a foolish thought if one would ask her. Tumigil siya sa trabaho para asikasuhin ang sarili niya pansamantala bago simulang pamahalaan ang bookstore na pag-aari ng kanyang namayapang magulang. Mabuti na lang at pumayag ang pinsan niyang si Karel na kasalukuyang nag-aasikaso niyon para sa kanya. Pabuntong-hiningang kinuha niya ang saklay na pag-aari dati ng tatay niya na nasa master's bedroom. Iyon na lang muna ang gagamitin niya pansamantala para makatulong sa paglalakad niya papunta sa Eirene Tower. Oo, iyon ang plano niyang puntahan nang mga sandaling iyon. Kahit alam niyang magbabalik sa kanyang isipan ang isang masakit na alaala dahil sa gagawin, gusto pa rin niyang pumunta roon. Nahirapan nga lang siya nang kaunti sa pagpunta sa tore dahil na rin sa paika-ika niyang paglakad. Pero kinaya naman niya iyon. Hindi na masyadong mataas ang sikat ng araw kaya gusto niyang tumambay sa tuktok ng tore at pagmasdan lang ang buong bayan mula roon kasabay ng paglubog ng araw. Sa gagawin niyang iyon, alam niyang kakalma siya at mailalayo pansamantala ang kanyang isipan sa mga bagay na bumabagabag sa kanya. Nang makarating na si Erin sa tore, agad siyang nginitian ng guwardiyang nakatalaga roon. Bagaman napansin niya na tila gusto nitong magtanong sa nakitang pilay niya, hindi na lang nito itinuloy. Magalang na binati siya nito gaya ng dati bago siya tuluyang pumasok sa tore. Though she had to hobble her way to reach the top of the tower, she didn't mind. Ngayon lang naman ito, iyon na lang ang isinasaisip niya. Nang marating na niya ang tuktok ng tore, napangiti siya nang makitang kakaunti na lang ang tao roon. Agad nga lang naglaho iyon nang may makitang isang pamilyar na bulto. Nakatayo ang taong iyon sa balkonahe at nakatukod ang kamay nito sa balustrada niyon. Ilang sandali rin siyang nakatingin kay Akio dahil nag-aalangan siya. Sino ba naman kasi ang mag-aakala na makikita niya ang binata roon? Hindi na nga talaga siya kakasihan ng pagkakataon kahit anong hiling pa ang gawin niya. Huminga siya nang malalim kapagkuwan at nag-umpisa nang humakbang papunta sa balcony sa tulong ng saklay na gamit niya. Ilang hakbang na lang ang layo niya sa kinatatayuan ni Akio nang marinig niya itong magsalita. Mahina lang iyon na para bang dinala pa sa hangin ang tinig nito palapit sa kanya para lang marinig niya iyon. Pero siya makapaniwala sa naramdamang lungkot at sakit sa tinig nito. "Ewan ko ba. I keep on telling to myself these past days that I should've told her the truth back then. Pero kung ginawa ko naman iyon, baka pagsisihan ko rin sa bandang huli." Tumigil ito sa pagsasalita nang ilang sandali. Noon naman niya napansin na may nakalagay na earphone sa tainga nito habang hawak ang cellphone. Kaya wala na siyang dapat ipagtaka kung bakit napansin niya si Akio na mag-isang nagsasalita. "Gagawin ko ang lahat para maipaliwanag ko sa kanya ang totoong nangyari. Alam kong ipapahamak ko siya sa gagawin kong ito. Pero minsan na akong nagkamali nang talikuran ko siya. I was afraid to put my life on the line for someone else's sake before. Not until I saw what Lady Konami can do for the sake of everyone she wanted to protect. Alam mo naman kung paano siya lumaban noon, 'di ba? Babae siya pero nagawa niyang protektahan ang lahat ng mahalaga sa kanya nang hindi namamatay," narinig niyang pagpapatuloy ni Akio. Hindi naman napigilang pangunutan ng noo ni Erin sa labis na pagtataka sa mga sinasabi ng binata. Why did Akio has to put his life on the line? Bakit parang hindi yata maganda ang pakiramdam niya sa mga narinig? At bakit hindi maipaliwanag ang pagdagsa ng kirot sa kanyang dibdib nang marinig ang sinabi nito na Lady Konami? Sino kaya iyon? Parang importante ang babaeng iyon kay Akio. At pakiramdam niya, hindi lang iyon dahil sa posisyong meron sa pagitan nina Akio at ng Lady Konami na iyon. Natigilan siya dahil sa tumatakbo sa kanyang isipan nang mga sandaling iyon. Tama bang maramdaman pa niya ang mga iyon? She was supposed to hate this guy and don't give a damn care about him, right? Pero bakit ganito siya ngayon? "Erin?" Lihim siyang napapitlag at kumurap pa ng ilang beses nang marinig iyon. Nang mag-angat siya ng tingin, hirap na siyang pigilan pa ang pagbilis ng t***k ng puso niya. Lalo na nang makita ang pag-aalala sa mukha nito. "Ah... Hi." "Ano'ng ginagawa mo rito?" kunot-noo nang tanong ni Akio. Mukhang tapos na itong makipag-usap sa kung sino man ang kausap nito sa kabilang linya. Tila nagising siya sa malalim na pag-iisip sa narinig na paraan ng pagtatanong nito. Sinikap niyang huwag magpakita ng anumang emosyon sa kanyang mukha kapagkuwan. Hindi nga lang niya alam kung nagtagumpay siya. "Bakit? Masama na bang magpunta rito?" "Alam mong hindi iyon ang ibig kong sabihin, Erin. Bakit ka lumabas ng bahay na alam mong may pilay ka pa?" Mukhang sermon na naman ang aabutin niya sa lalaking ito. Napaungol na lang siya sa inis na nagsisimulang mabuo sa kanyang dibdib. "Pilay lang ito. Hindi pa ako imbalido. Okay? Isa pa, hindi naman ikaw ang mahihirapan. Ako naman," masungit na tugon niya at nag-umpisa nang maglakad patungo sa may balkonahe ng tuktok ng tore. Narinig niya ang malalim na pagbuntong-hininga ni Akio pero hindi na lang niya ito hinarap at pinansin. Itinuon na lang niya ang atensyon sa paligid at sa tanawing sumalubong sa kanyang paningin. Pero hindi pa rin nakatulong iyon para hindi maramdaman ang paglapit ni Akio sa likuran niya. Ilang sandali pa ay ibinalabal na nito sa kanya ang suot nitong jacket na hinubad na pala nito. Hindi maikakailang nagulat siya sa ginawa nito. Pero hindi na lang niya ipinakita iyon. Sinikap na lang niyang muling ituon ang kanyang atensyon sa tanawing nais niyang pagmasdan kanina pa. "T-thank you," halos pabulong na sabi ni Erin na hindi tumitingin dito. "Pero hindi mo na sana ginawa ito." "The wind will be cold a little later. Mabuti nang may proteksyon ka sa lamig. Isa pa, hindi kita hahayaang umuwi nang mag-isa na ganyan ang sitwasyon mo. Hanggang hindi pa gumagaling ang pilay mo sa paa, huwag ka munang makipag-away sa akin tungkol sa mga gusto kong gawin sa 'yo," saad nito na nagpagulat sa kanya nang husto, dahilan upang marahas niya itong harapin. "Akio, nababaliw ka na ba? Wala ka nang dahilan para gawin iyon." Hinarap ni Akio si Erin at tinitigan siya; hindi naglalaho ang intensidad sa mga mata nito. Lalong lumakas ang t***k ng puso niya dahil doon. "Siguro nga, para sa 'yo, wala na akong dahilan. Pero para sa akin, marami pa akong dahilan para manatili sa tabi mo. Minsan na akong nakapagdesisyon ng mali noon. Kaya kahit buhay ko pa ang itaya ko ngayon, sisiguraduhin ko na hindi na ako mawawala sa buhay mo." Hayun na naman. Bakit ganoon ito kung makapagsalita ngayon? Hindi talaga siya makapaniwala sa mga naririnig niya. = = = = = = AKIO knew he was fighting a losing battle when he heard what Erin said while they were at the tower a while back. Na wala na siyang dahilan para manatili sa tabi nito. Pero iyon ay dahil pinutol na nito ang anumang koneksyon na meron sila. At least, iyon ang naiisip niya kung iintindihin niya nang maayos ang sinabi nito. Mukha ngang nakapag-move on na ang dalaga mula sa sakit ng ginawa niyang pang-iiwan dito noon. At inasahan na rin niya na magiging matigas ang puso nito pagkatapos ng lahat. Pero aminado siya na masakit ang katotohanang iyon para sa kanya dahil sa naging desisyon niya apat na taon na ang nakakaraan. Sinikap ni Akio na tingnan si Erin na nakapatong ang ulo sa kanyang balikat habang karga-karga ito sa likod. He could tell that she was peacefully sleeping. That thought made him smile, albeit sadly. Ni minsan ay hindi niya ito kinarga sa likod niya noong sila pa. Mas madalas na kargahin niya ito sa harap, lalo na kapag naisipan nilang maligo sa ulan o magtampisaw sa ilog. Naisip niya na mas maganda pala kapag kinarga niya ito sa likod sa pamamagitan ng piggyback. He felt like shouldering all of her burden for her as she bear them all at the same time. Puwede naman niyang gawin iyon at talagang gagawin niya kung kinakailangan. Para rito ay nakahanda siyang gawin iyon. Hanggang sa nalungkot si Akio sa isa pang naisip niya. Siya nga pala ang isa sa mga dahilan kung bakit ito nahihirapan ngayon. Kahit anong pagtatago ang gawin ni Erin sa totoong nararamdaman nito para sa kanya, isang bagay ang sigurado niya. Though she was angry at him to the point of completely—if not almost—hating him, he could still see that a part of her somehow cared for him. "I'm sorry for giving you so much pain, Erin," puno ng pagsisising bulong niya sa natutulog pa ring dalaga. Kapagkuwan ay ginawaran niya ng magaang halik ang bahagi ng mukha nito na naaabot ng labi niya—ang gilid ng labi nito. Paulit-ulit niyang sasabihin iyon sa dalaga at ipaparamdam dito na totoo iyon. Kaya siya nagpapakahirap na ilapit muli ang sarili kay Erin sa kabila ng tahasang pagtataboy nito sa kanya. Hindi na niya gustong magkamali at muling malungkot dahil sa maling desisyon niya noon na talikuran ang mga taong mahahalaga sa kanya dahil sa pinili niyang daan. Minsang may sinabi si Lady Konamiーat maging ang leader ng Shrouded Flowers na si Lady Kourin Shinomiyaーsa kanya noong mga panahong lumala na ang gulong kinasasangkutan nila. Hindi naman kinakailangang ipagtabuyan pa ang mga mahahalagang tao sa buhay para lang protektahan ang mga ito. Bagaman priority ni Akio na huwag lang mapahamak si Erin kaya niya ginawa iyon noon, parang ipinakita na rin niya sa dalaga na wala siyang pakialam sa kung ano man ang nararamdaman nito. He might have saved her life, but he didn't protect her heart from breaking. Sometimes, people described that as one of the worst kind of pain that a person would feel. Iyon ang ipinaramdam niya kay Erin nang iwan niya ito noon. Pero hindi na niya hahayaang mangyari ulit iyon. Mananatili siya sa tabi nito kahit ayaw nito. Ganoon pa rin niya ito kamahal. At wala nang makakapagpabago pa niyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD