Final Chapter

1696 Words
HINDI matukoy ni Akio kung gaano katagal siyang nanatili sa madilim na lugar na iyon pagkatapos ng naging laban niya kay Souren. Ang akala nga niya ay katapusan na niya nang mga panahong iyon. Pero may isang tinig na laging nag-uudyok sa kanya na lumaban at bumalik. Mahirap, oo. Pero pinilit niya. Ginawa niya ang lahat para makaalis sa madilim na lugar na kinasadlakan niya gaya ng walang katapusang hiling ng boses na palagi niyang naririnig. Nang mga sandaling iyon, nagmulat siya ng mga mata. Liwanag mula sa bintana at putting kisame ang sumalubong sa may kalabuan pang paningin niya. Hindi niya napigilan ang mapangiti dahil doon. Kung ibabase na rin niya sa amoy ng paligid, alam niyang nasa ospital siya. Ibig sabihin ay nakaligtas siya mula sa bingit ng kamatayan matapos ang naging laban niya kay Souren. Finally, that bastard was gone. At siya ang may kagagawan niyon. One out of the five people remaining possibly alive from the Death Clover was gone. At nakabalik pa siya nang buhay kahit papaano. Magagawa na niyang tuparin ang ipinangako niya kay Erin. Sana lang ay magawa siyang patawarin nito sa ginawang pang-iiwan niya rito sa ikalawang pagkakataon. Pero nanlaki ang kanyang mga mata nang makita kung sino ang nasa gilid ng hospital bed at nakahawak sa kamay niya kahit natutulog ito. Para bang natatakot itong bigla siyang mawala kaya ganoon na lang ang higpit ng hawak nito sa kamay niya. O puwede ring ipinaparamdam nito sa kanya na naroon lang ito sa tabi niya at naghihintay na magising siya. Even if he was only assuming, the last thought he had was enough to make his heart soar high. Mas maganda nga sana kung ganoon nga iyon. Hindi maikakailang malaking bagay na iyon para sa kanya. "E-Erin..." tila paos pang usal niya dahil na rin sa ilang araw na hindi niya nagamit ang tinig. Matapos niyon ay pilit niyang pinakilos ang libreng kamay na nagkataong tinusukan ng IV. Gusto niyang mahawakan ang dalaga at haplusin ang buhok nito. Pero bago pa niya magawa iyon ay narinig niyang umungol ito at unti-unting nag-angat ng ulo. Napangiti siya nang makita ang gulat at galak sa mukha ni Erin pagkakita sa kanya. Kagyat din siyang nataranta nang mag-umpisang mangilid ang luha sa mga mata nito. "W-what's wrong? Don't cry, Erin. A-alam mong ayaw kitang nakikitang umiiyak, 'di ba?" Kahit nahihirapan ay pilit niyang ipinarating iyon sa dalaga. Hindi nga lang ito kaagad tumugon. Pinunasan nito ang naglandas na luha sa mga pisngi nito at muling hinawakan ang isa niyang kamay. Bumilis ang t***k ng kanyang puso nang halikan ni Erin ang likod niyon. "Erin..." "Get used to seeing me cry like this. Mas okay nang umiiyak ako na ikaw ang dahilan at hindi ang ibang lalaki," nakangiting saad ni Erin sa kabila ng pag-iyak nito. Napangiti na rin siya. At hindi na niya napigilan ang pagtulo ng kanyang mga luha dahil sa galak. "Sorry dahil pinaiyak na naman kita." "I'm just glad you're back." Huminga ito nang malalim at tumayo mula sa kinauupuan. "Tatawagin ko lang si Dr. Yanai. Kailangan niyang malaman na gising ka na." Wala na siyang nagawa kundi ang tumango, lalo na nang lumabas ito ng silid. Sa kabila niyon, hindi napawi ang ngiti sa kanyang mga labi. = = = = = = TULAK-TULAK ni Erin ang wheelchair kung saan naroroon si Akio. Hindi siya kailanman nagsawang alagaan ito sa loob ng dalawang buwan mula nang magising ito mula sa pagkaka-comatosed. Nagkatotoo kasi ang hinala nila noon ni Dr. Yanai tungkol sa posibleng resulta ng injury ito sa magkabilang paa dala ng pagkakabaril rito. Naapektuhan ang paglalakad nito pero hindi ang iba pang motor functions ng katawan ng binata na ikinatuwa naman niya kahit papaano. May pag-asa pa itong makalakad ulit, ayon na rin sa doktor. Kahit may sarili palang bahay ang binata sa bayan ng Visencio, sa kanya pa rin nito naisipang manatili para raw mabantayan siya nito at maprotektahan sa mga taong posibleng manakit sa kanya. Ang akala niya noong una ay nangungupahan lang ito o 'di kaya ay laging nasa hotel. Nalaman lang niya ang tungkol doon nang pakiusapan siya nito na kumuha sa bahay nito ng ilang mga gamit na kailangan nito. Papunta sila sa tulay malapit sa Eirene Tower nang mga sandaling iyon. Tumigil siya sa pagtutulak ng wheelchair ni Akio sa utos na rin nito nang makarating na sila sa gitna ng tulay. Naikuwento niya kasi sa binata ang tungkol sa dalawang magkasintahan na bahagi ng alamat ng Eirene Tower. Pero mas kinilig siya sa kuwento tungkol sa magkasintahan sa tulay na sina Hanae at Keisuke. Paborito palang kuwento iyon ni Akio pero kahit kailan ay hindi pa nito napapatunayan ang katotohanan tungkol sa alamat hanggang sa makilala raw siya nito. "Bakit tayo tumigil dito?" takang tanong niya at tiningnan si Akio. Kumunot ang noo niya nang wala itong naging tugon. Nakatingin lang ito sa iisang direksyon. Halata sa mukha ng binata na tila may naalala ito dahil na rin sa klase ng ngiti nito habang nakatingin sa direksyon na iyon. Naisipan na lang niyang sundan ang tingin nito. She felt a surge of nostalgia upon seeing the tower's balcony. Doon siya nakatayo noon nang unang beses niyang makita si Akio sa tulay na kinatatayuan nilang dalawa ng binata nang mga sandaling iyon may humigit-kumulang limang taon na rin ang nakararaan. At nangyari ulit iyon nang bumalik ito sa bayan ng Visencio matapos siya nitong iwan noon. Ibinalik niya ang tingin sa binata pagkatapos. Para lang magulat na nakatingin pala ito sa kanya. Napangiti na lang siya at bahagyang yumukod para magpantay ang mga paningin nila. "Why are you looking at me like that?" Nakangiti lang si Akio habang patuloy na nakatitig sa kanya. Hindi siya nag-iwas ng tingin. Bagkus ay sinalubong pa niya iyon. Ilang sandali pa ang lumipas bago ito tumikhim na pumutol sa katahimikang nasa pagitan nila. Nagsalita ito kapagkuwan. "Sino ang mag-aakala na totoo pala ang kuwento sa akin ni Minoru noon tungkol sa lugar na ito? Mabuti na lang pala at kahit papaano, pinaniwalaan ko iyon. Hindi ko siguro malalaman at mararamdaman ang ganitong pakiramdam dahil sa pag-ibig gaya ng nasa kuwento nina Hanae at Keisuke noon." "Akio..." Pero sa kaibuturan ng puso ni Erin, alam niya at nararamdaman niya na maliit na bahagi lang sa kuwento ng pag-ibig nila ni Akio ang kuwento nina Hanae at Keisuke na pinagmulan ng isa sa mga alamat sa Eirene Tower. Tadhana na ang naglapit sa kanilang dalawa ni Akio. "I love you..." Lumuwang ang ngiti ng binata at nagulat siya nang mag-umpisang mangilid ang luha sa mga mata nito. Lalo na nang hawakan nito ang mga kamay niya. Hinalikan nito ang mga iyon na nagpalobo sa puso niya dahil sa labis na pagmamahal para sa binata. "Erin... Kapag tuluyan na akong gumaling at nakakapaglakad na ulit ako, magpakasal na tayo, ha?" hiling ito na labis niyang ikinagulat. Pero nanatili lang siyang tahimik at hinintay na magpatuloy ito sa pagsasalita. "Gusto ko nang tuparin ang kagustuhan kong makasama ka habangbuhay. I want to remain living the last remaining years of my life loving you alone. Ayokong mamatay nang basta-basta sa isang delikadong misyon na hindi ko man lang ipinaparamdam sa 'yo kung gaano kita kamahal. I asked you once before to give me a reason to remain alive and survive each dangers I'll be facing in the future. Sana... ikaw at ang magiging pamilya natin ang ibigay mong rason sa akin." Wala siyang maisip na sabihin bilang tugon sa mga sinabi nito. Lahat ng mga sinabi nito... Ilang beses na ba niyang pinapangarap na marinig iyon mula rito? Gaano katagal na ba niyang hinintay na sabihin nito ang mga iyon sa kanya? Hindi na niya napigilan ang mapaluha. Bago pa niya mapigilan ang sarili, inilapit niya ang mukha rito at hinalikan si Akio na agad namang tumugon. Hindi naman nagtagal iyon dahil naalala niyang nasa tulay nga pala sila at maraming dumaraang mga tao. Nakangiti silang dalawa habang tinitingnan ang isa't-isa. "Is that a yes?" may pag-aasam na tanong nito. Huminga muna siya nang malalim bago nagsalita. "I'll only say yes if you'd promise me one thing." Kumunot ang noo ni Akio. "Ano 'yon?" "Kahit na ano'ng mangyari, ipangako mo sa akin na babalik ka sa akin nang buhay. Hindi ako makikialam sa trabaho mo sa Iris Blades. Alam ko kung gaano kahalaga sa 'yo ang pamilya mo kaya hindi kita pipigilan. Gusto mo silang protektahan sa abot ng makakaya mo. Ang hiling ko lang naman at ang gusto kong ipangako mo sa akin, bumalik ka sa piling namin nang buhay. I don't care what you will turn into at the course of your missions. No matter how worse you'll become, I'll still accept you as you are—the man I've come to love all those years. Maipapangako mo ba iyon sa akin, Akio?" Isang maluwang na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Akio bago ito tumango at muling hinalikan ang kanyang mga kamay. She would always find that gesture so sweet. Marahil ay dahil ang binata ang gumawa niyon sa kanya. "Binigyan mo lang ako ng dahilan para patuloy na mabuhay, Erin," ani Akio kapagkuwan. "I promise to come back alive whatever happens... to live and protect you all my life." "Then yes! I'll marry you, Akio Sothea." Nagulat siya nang hilain nito at mahigpit na yakapin. Napangiti siya at ginantihan na rin ang yakap nito dahil sa nararamdamang kasiyahan mula sa binata. Ganoon din kasi ang nararamdaman niya nang mga sandaling iyon. Spending a lifetime with Akio Hagiwara, it was truly a dream come true for Erin. At kahit na ano ang mangyari sa kanila sa mga susunod na araw, hinding-hindi na magbabago ang pag-ibig na kailanman ay hindi naglaho sa puso niya. Mukhang kasingtatag din ng Eirene Tower ang naging pagmamahalan nila ni Akio. Kahit nang magkahiwalay sila sa nagdaang mga taon, nanatili pa ring matibay ang pagmamahalan nila para sa isa't-isa kahit ano pang pagtanggi ang gawin niya. Papatunayan niya na mananatiling ganoon katatag ang buhay at pag-iibigan nila sa mga susunod na taon ng mga buhay nila ni Akio nang magkasama. -WAKAS-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD