Curt's POV Binato ko sa bintana ang wineglass na kalalagay ko lang ng laman. Hindi ko na makayanan. Hawak-hawak ko ang picture nina Celine at Josh na magkayakap sa isang leisure park kahapon. Hindi ko alam kung bakit ako nagseselos kahit na sinabi ko na kay Celine na naiintindihan ko naman ang lahat, pero nagagawa ko pa rin. Tao pa rin ako. Masakit pa rin sa akin ang makita ang mahal ko na may kasamang iba. Naramdaman ko na may tao na sa likuran ko. Hindi ako nag-abalang tingnan kung sino iyon dahil sa presensya pa lang niya ay alam kong siya ang makakakita ng lahat ng nangyayari sa akin. "Alam kong masakit, Buklod. Pero kailangan mong tatagan ang sarili mo. Pagkatapos nito, pinapangako ko na hindi na ako makagugulo sa inyong dalawa ni Celine. Hangga't hindi natatapos ang misyon niya,

