Celine's POV Alas nuwebe na nang umaga pero nakaupo lang kami ni Curt sa may semento sa harap ng malalaking bato na nakaharang sa alon mula sa dagat. Katabi ko siya habang nakatanaw sa payapang tubig-alat. Mga ilang minuto rin kaming tahimik at hindi nagkikibuan. Nakakatuwa na hindi malagkit ang hangin sa seaside ngayon. Naalala ko kasi nang magawi ako rito last 2019 nang ganapin dito sa seaside ang campaign ng Trece. Inatasan ako ni Curt na manguna do'n. Back there, I felt so irritated at how the air was so filled with uncomfortable moisture. "Celine..." tawag niya sa akin pagkakuwan. "Hmmm?" "The first time that we met, bakit parang kilala mo na 'ko at iniiwasan?" Kinabahan ako bigla. It took me a while before answering the question. Hindi ko alam kung dapat ko bang sagutin ang ta

