Celine's POV Kasabay kong mag-time travel? Mula kagabi hanggang matapos ang shift ko, hindi mawala-wala sa isip ko ang huling sinabi ni Bulan sa 'kin. Simula no'n ay nakaramdam na ako ng kakaibang pakiramdam. 'Yung parang may palaman ang sinabi niya tungkol sa time travel. Na posibleng may makaalala ng time travel memories ko kung may kasabay akong time traveller din sa panahon na 'to. Posible kayang isa sa mga nakasalamuha ko ngayon ay isang time traveller din? Pero sino naman kaya sa kanilang lahat? Ilang beses kong inisip-isip ang mga tao na nakasalamuha ko na sa year 2017 pero ni isa sa kanila ay hindi pumasok sa criteria na meron ako ngayon. Kung ang pagiging time traveller ko sa panahon na 'to ay by purpose, it means gano'n din ang makakasabayan ko sa panahon na 'to. He or she

