Chapter 6.5

2052 Words
Celine's POV December 9, 2017 The Actual Meeting Nasa may table pa lang ako nakatanaw nang mamukhaan kung sino ang lalaki na nakaupo sa itinuro ng receptionist sa loob ng bar. Hindi ko mapaniwalaan ang nakikita. Ang president ay walang iba kundi ang lalaki na nanghingi ng number ko sa 3F. Manghang napalakad ako patungo sa kanya. Hindi pa rin ako makahuma sa nalaman hanggang sa napaharap na siya sa akin na may blangkong ekspresyon sa mukha. "I-ikaw?" Ngumiti siya at itinuro ang upuan na nasa tapat niya. "Have a seat first." Ilang segundo rin akong nakatulala hanggang sa sumunod sa inutos niya. "Let's get straight to the point of why you're here," panimula niya habang pinapahanda sa waiter ang pagkain. Hindi ko alam ang sasabihin. Napatulala na lang ako sa mesa at inaanalisa ang mga nangyari. Siya ba talaga ang boss ko? Bakit hindi ko siya namukhaan agad? Ilang sandali kaming nanahimik bago dumating ang pagkain na in-order niya para sa amin. Nagsimula muna kaming kumain nang tahimik bago muling nagsalita ang kaharap ko. "You've won the grand prize that's why you're here, right?" Marahan akong napatango at nililihis ang tingin. Ako kasi ang nanalo sa Team Building kanina. Isa sa prize ay ang maka-one on one sa isang dinner meeting ang president ng 3F Company. Sa huli na iyon inanunsyo kaya sobrang natuwa ako sa sinabi ng officiating manager. "I had you background-checked and found out something very interesting. Ang sabi ng mga kasamahan mo sa store ay hindi ka nahihiyang sabihin na mataas ang pangarap mo. At isa na do'n ang pagpasok sa Trece Fernandez sa mataas na posisyon. Am I correct?" Napataas ang kilay ko sa narinig? Talagang nilaglag ako mga kasama ko para sabihin 'yon sa kanya? Halos hindi ko mapaniwalaan ang mga sinasabi ng kaharap ko. "You and I have the same goal in life. I like money and so do you." He uttered. Doon ay napaangat ang tingin ko sa kanya. Tiningnan ko ang blangkong ekspresyon niya habang nakatitig sa mga mata ko. "Kaya mo ba ako nilapitan sa store dahil may kailangan ka sa 'kin?" Iyon ang tanong na unang lumabas sa bibig ko. Gustung-gusto ko 'yung itanong sa kanya. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit biglang sa ganitong sitwasyon ko siya makikita ulit. Umasa ako na magkikita kami ulit sa napakagandang paraan. Gusto kong itanong kung bakit ginawa niya 'yung weird na bagay sa loob ng store at bigyan ako ng hindi maintindihan na pakiramdam. Gusto kong itanong kung seryoso ba siya roon o nagbibiro lang. Gusto kong itanong kung ano ang susunod niyang gagawin. Liligawan ba niya ako o trip lang niyang magpa-cute no'ng time na 'yun? Gusto kong malaman ang pangalan niya. Sa sobrang dami ng gusto kong itanong ay halos mawalan na ako ng dahilan para sabihin pa 'yun. Parang wala nang dahilan para malaman pa niya ang mga 'yon. Pero ngayong sa ganitong paraan ko siya makikita ulit ay nasagot lahat ang tanong sa isip ko. Na hindi pa man ako nagtatanong sa kanya ay nasagot na ng presensya niya ang lahat ng 'di ko maintindihan. Siya pala si Curt Christian Fernandez, ang president ng 3F Company. Siya ang susunod na magmamana ng Trece Fernandez Group of Companies, ang kumpanya na gusto kong pasukin. Matagal ko nang alam ang pangalan niya pero 'di ko pa nakikita ang nagmamay-ari no'n ever since nung pumasok ako sa store. Wala pa sa isip ko na kilalanin at alamin kung sino siya dahil abala ako sa pagpapaganda ng record ko sa store. Gusto ko kasing makuha ang loob ng manager ko. Hindi ko akalain na ngayon ang araw na makikilala ko siya. Tama siya. Ang yumaman ang pinaka-goal ko sa buhay. Gusto kong makuha 'yon sa abot ng aking makakaya at sa kahit anong paraan. Napakaimposible mang isipin ng pangarap ko pero nagbakasakali pa rin ako. Hindi ko 'yun binitiwan dahil ang magkaroon ng pangarap na gano'n ay ang bukod-tanging dahilan kung bakit gusto ko pang magpatuloy sa buhay. "I can help you achieve your goals. Isipin mo, mapapaaral mo na ang pinsan mo. Maililigtas mo na ang tiyahin mo mula sa kahirapan. At higit sa lahat, mabibili mo na ang pinapangarap mong bahay. You can have it all. Just name it," he said intently. "Lahat 'yan ay kaya kong ibigay sa'yo sa isang iglap, Miss Torres, only for one task. Magagawa mo ba ang lahat ng ipag-uutos ko kung sakali?" "Ano bang ipapagawa mo?" diretsahan kong tanong. Kinakabahan ako. Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Sinisilaw niya ako sa magandang offer niya. Siguradong malaki ang kapalit ng lahat ng 'yon. Pero bakit ako? Bakit ako ang napili niyang alukan ng napakalaking halaga? Hindi ko maintindihan ang mga kinikilos niya. Ibang-iba siya sa lalaki na unang sumulpot at nagpapa-impress sa harap ko sa loob ng 3F Store. It's like I'm seeing another him with his devious intent in his mind. He became the strangest stranger that I've ever met in my life. Someone I can not trust my whole life. There is a part of me na naga-anticipate sa gusto niyang mangyari. Half of me doesn't want to take a risk. May nagsasabi sa akin na delikado ang ma-involve sa Trece Fernandez, especially someone like Curt. Hindi mapagkakatiwalaan ang lahat ng lumalabas sa bibig niya. Parang lason galing sa ahas na nais akong tuklawin sa mali ko lang na galaw. But the offer sounds so tempting. Hindi lahat ng tao ay kayang alukin ng magagandang bagay ang isang gusgusing kahera na tulad ko. Agad niyang tinawag ang waiter at sumenyas. Hindi naman nag-atubili ang huli at may iniabot na isang maliit na kahon sa kanya. Kinuha ito ni Curt at binuksan. Itinulak niya ito sa mesa papalapit sa akin. Tumambad sa mga mata ko ang isang mamahaling singsing na tadtad ng diyamante. Napasinghap ako sa ganda ng singsing na 'yon at napatingin sa kaharap. "All you need to do is marry me." Nakita ko sa mga mata ni Curt ang pinaghalong kalungkutan at galit. Hindi ko maintindihan kung bakit pero hindi ko na lang 'yun pinansin. "Ano namang mangyayari kapag tumanggi ako?" dagdag na tanong ko sa kanya. Kailangan kong malaman kung ano ang nag-ugat sa kanya para bigyan ako ng ganito kalaking offer. Nakakagulat. Halos mabura na sa isipan ko ang mga tanong ko kanina. Halos mabura na sa memorya ko ang lalaking minsang naging weird at may iniwang marka sa utak ko. Nawala na ang nakakatunaw na ngiti niya sa isip ko at napalitan ng blangkong ekspresyon niya. Ang nakakapang-init ng pisngi na presensya niya ay napalitan ng malamig niyang pagtrato sa akin ngayon. I must say... napakagaling niyang umarte. Napaniwala niya akong isa lang siyang simpleng tao na kayang magkagusto sa isang tulad ko. It turns out that I'm just an asset to his devious plans. Nagbago ang ekspresyon ng mga mata niya. Galak? Hindi ko maintindihan. Parang mas lalo akong naguluhan sa pinapakita niya. How can he act like he's all arrogant and then shade his eyes with his innocence? "You can still think about it if you want," he muttered. "'Yun nga ang gusto ko sana. 'Di ko kasi maintindihan kung bakit ako ang napili mong bigyan ng ganyang offer. Curious lang ako," ani ko habang napahalukipkip at napasandal sa upuan. "Hindi kasi ganyan ang pinakita mo sa 'kin sa store. Pero come to think of it, kabisado mo ang placement ng notebooks sa stall. Kumuha ka na lang bigla at nagpa-barcode ng secret message na hindi ko alam kung saan mo napulot." Napatawa ako sa naalala ko. "It was all for this very purpose. I'd like to see you myself para alam ko kung paano ka mabibigyan ng ganitong chance. Not all employees have this chance to have what they want in life." "Hindi mo naman siguro aalukan lahat ng empleyado ng kasal kapalit ang magandang bahay, 'di ba?" natatawang turan ko. "Stop using this kind of tactics. Ano ba talagang gusto mong gawin ko? It's not as if kahapon lang ako ipinanganak para hindi malaman na may mas malalim ka pang rason para alukin ako ng ganito?" Doon ay napipi ang kaharap ko at napalingon sa ibang direksyon. Why? Unang pagpasok ko pa lang ay confident na confident na siya na harapin ako at silawin sa pera. Pero ngayong tinatanong ko siya kung para saan ang lahat ay hindi na niya ako maderetso ng salita. What is really going on? I wanted him to stop doing this. Hindi ko nagugustuhan ang tinatakbo ng usapan namin, pero inuudyukan din ako ng isang bahagi ng utak ko na pumayag sa alok niya. Hindi ko kayang magdesisyon ngayon. Mahirap magsalita nang tapos lalo pa at may pangangailangan din ako sa ngayon. Kailangang kailangan ko na ng pera para sa pag-aaral ni Paula. Gusto kong makatulong kay Tiya. "My father wouldn't give me the company if I don't get married," he reluctantly answered, looking at his hands. "Sobrang tanda na ba niya para pagmadaliin kang i-take over ang kumpanya n'yo?" Naningkit ang mga mata niya at hinarap ako. "Why are you so nosy about my life?" "Should I not be? Madali lang naman akong kausap. You need my help. Hindi ka naman lalapit sa 'kin kung hindi. I need to know about your goal so that I can keep up. I don't give a damn kung ibigay mo ang buong Pilipinas para lang ma-satisfy ang gusto ko. I just want to know why you're doing this. Marriage is no joke. And you're offering it as if business proposal lang siya. Hindi mo makukumbinsi ang potential investor mo kung bibigyan mo siya ng lame excuses." He gave up a deep sigh and looked at me again. "I'm doing this because my father's so called allies are betraying him. Kung hindi ako magte-take over, he'll end up having nothing. 'Yun lang ang gusto niya, ang makapag-asawa na ako para maipasa sa akin nang tuluyan ang kumpanya." He revealed. Napaisip naman ako. How pitiful. May mayayaman talaga na kayang gawin ang lahat para lang sa kapangyarihan. Kaya nilang hindi kumilala ng kamag-anak para lang makuha ang gusto nila. In his case, family isn't to be trusted kaya kung makapag-alok siya ng kasal ay akala mo nag-aalok lang ng isang milyon sa isang mahirap at inosenteng tao. "May tanong pa ako..." sabi ko pagkakuwan. Kumuha ako ng desert at kumain. Nang malunok ko na ang nginuya ay saka ako nagsalita. "Bakit ako? Mas maraming magagandang babae na mas may pinag-aralan kaysa akin. 'Yung hindi kahera lang. I'm sure may mga kilala kang gano'n, 'di ba? "Given na dati rin akong ex-call center agent plus I had all I wanted until I was six, hindi purke tunog sosyal ako dahil marunong ako magsalita ng English ay ako na ang aalukan mo ng ganyang offer. So, answer my question... why me?" I asked. Another sigh came out of his mouth. "Damn it! Cut out the question. I won't answer that." "Then, I'll just head on reject your offer--" "What other reason can you suggest I might have, huh, Celine? What else?" "I don't know. You tell me, sir." I emphasized the last word. "How about I'll just show you instead of telling you?" I smirked and leaned on the table. "Try me..." Nagulat ako sa susunod na ginawa ni Curt. Hindi pa man ako nakakabawi sa panghahamon ko sa kanya ay agad niya nang ibinigay ang sagot sa tanong ko. Bigla-bigla niya akong kinabig mula sa ulo at itinulak iyon gamit ang kamay niya mula sa likod dahilan upang maglapat ang mga labi namin sa isa't isa. Buong pangyayari ay hindi ako napakurap. Nanlaki pa ang mga mata ko sa ginawa niya. Hinalikan niya ako. Halos dumagundong sa tenga ko ang t***k ng puso ko. Hindi ko alam ang gagawin. Itutulak ko ba siya? Hahayaan? Hindi ko alam ang susunod na gagawin. Tila hinigop na niya ang natitira kong katinuan nang dahil sa halik na ginawad niya sa 'kin. Ilang minuto ang lumipas ay hiniwalay na niya ang mukha niya mula sa akin. He smiled at me and patted my head. "That's my answer." Tumayo siya at muli akong hinarap. "You can think it over. Don't answer yet." Iyon lang at umalis na siya sa lugar na 'yon habang iniwan akong nakatulala sa kawalan. -to-be-continued-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD