Chapter 7

2264 Words
Celine's POV December 10, 2017 Sunud-sunod na katok ang nagpamulat ng mga mata ko. Awtomatikong napahawak ako sa ulo ko nang maramdaman ang pagkirot nito. Doon ko naalala na naparami pala ako ng inom ng vodka kagabi. Matapos ko kasing mag-sightseeing ay dumiretso na ako sa bar at doon inubos ang oras para mag-inom. May tao na namang pagagalitan ako mamaya, panigurado. Nang bumalik ako sa huwisyo ay hindi pa rin tumitigil ang pagkatok sa pinto. Bumangon ako at pinagbuksan 'yon. Ang masiglang mukha ni Tiya Bechay ang nabungaran ko. Napasimangot tuloy ako at nagtataka. Parang may mali. Ang alam ko ay galit siya sa 'kin. Bakit kaya nakangiti ang isang 'to? "Celine! Ano ka ba namang bata ka? Pinaghihintay mo kami sa labas. Bilisan mo nang maligo at kanina pa naiinip ang bisita natin!" imporma niya. Naningkit ang mga mata ko sa narinig. "Bisita? Kailan pa 'ko nagpapasok ng bisita rito, T'ya? Okay ka lang?' "Ay nako! 'Wag ka nang umangal at maligo ka na, dali! Ako na bahala sa damit mo. Pasok sa CR!" Hindi na ako hinintay pa ni Tiya na magsalita at agad niya akong binugaw at tinulak papunta sa loob ng CR. Hindi nga siya nagbibiro nang sabihin niyang siya ang mamimili ng damit ko dahil talagang pagbalik ko sa kwarto ay nakahanda na ang hapit kong blouse at tight jeans. Bihira ko lang 'yun suotin dahil naiilang ako sa masisikip na damit. Hindi ko nga matandaan kung kakasya pa 'to sa 'kin. At dahil sabi nga ni Tiya na may bisita, wala na akong nagawa kundi ang isuot ang damit na hinanda niya. Nagsuklay na ako at nagpulbo bago lumabas ng kwarto. Pagkabukas na pagkabukas ko ng kwarto ay bumungad sa akin ang nakangiting si Curt dala ang isang bouquet ng rosas. Ilang beses ko pang kinurap-kurap ang mga mata ko. Nang ma-realize na hindi ako nagha-hallucinate ay nangunot ang noo ko. "What are you doing here?" Bagaman may kakaibang hatid ang kanyang ginawa sa dibdib ko ay hindi ko na iyon pinansin. "Para ibigay sa'yo 'to." He handed me the flowers at wala na akong nagawa kundi ang tanggapin 'yon. Nahihiya ako kina Tiya at Paula na nakatingin sa aming dalawa. Huminga muna ako nang malalim at agad hinila si Curt palabas ng bahay. Gulat man ang isa ay mabuti na lang at nagpatianod siya sa akin. Pumunta kami sa labas ng bahay, enough para mawalan kami ng audience sa paligid, saka ko siya binitiwan at hinarap. "Why are you here?" I asked while gritting my teeth. "I came here to visit you, that's all..." kaswal na sagot ng isa. "'Di ba sinabihan na kita na ayoko nang makita pagmumukha mo? Why are you here?" Napaiwas ng tingin si Curt at humugot ng malalim na hininga. "Gusto mo ba talagang sisantehin ko si Fred?" pag-iiba nito. "You're being unreasonable! Sinabi ko nang ayoko. I won't let you hurt me again, Curt. Not this time!" Huli na nang malaman na mali ang nasabi ko. Nakita ko ang pagtataka sa mukha niya at muli akong hinarap. "What did you just say?" "I-it's nothing..." Napayuko ako at nag-iwas ng tingin. Damn it, Celine! Now's not the right to be emotional. Mabubulilyaso ang plano mo. Hindi niya dapat malaman na galing ka sa year 2020! Hindi pa nakuntento ang isa at lalong lumapit sa akin. Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at pinaharap sa kanya. "Tell me... matagal mo na ba akong kilala? Tell me!" Napanganga ako sa tanong niya? Mabubuking na ba ako? "N-no! I honestly don't know you. Let go, Curt..." "Sa bench. Nakita kitang umiiyak. Iniiyakan mo 'yung notebook na binigay ko sa'yo. Bakit?" Doon na mas lalong dumagundong ang puso ko sa sobrang kaba. Naninikip na rin ang paghinga ko. Unti-unti kong sinalubong ang mga mata niya. Hindi ko alam kung kaya ko pang pigilan ang nagbabadya kong luha, pero kailangan kong sagutin ang mga tanong niya. Huli na para umiwas sa tanong niya. I have to come up with something... "Kilala ba kita? Bakit kung makatingin ka sa 'kin parang kilalang-kilala mo na ako. Sino ka ba talaga, Celine?" Pa'no na, Celine? Think of something! "Oy, Celine!" Nakahinga ako nang maluwag nang may biglang sumingit. Nang lingunin ko 'yun ay nakita ko ang nakasimangot na mukha ni Josh. Tumakbo siya papunta sa amin ni Curt. "Anong ginagawa mo rito, Josh?" "Ang daya mo, ha? Nag-inom ka mag-isa. Pa'no kung napahamak ka pala kagabi? 'Kaasar ka talaga, e 'no?" paninermon ni Josh sa 'kin. Napabaling naman ang tingin niya kay Curt at tinuro siya. "Teka... parang namumukhaan kita." Agad akong kumalas kay Curt at nilapitan si Josh. Hinawakan ko siya sa kamay at ngumiti nang peke. "Josh, mag-inom na ulit tayo. Trip ko uminom. Tara?" "Agad-agad? E pa'no 'yung--" "Sino ba 'yan?" bigla ay tanong ni Curt na kanina pa nagtataka sa nakikita. "Boyfriend ko," deretsahan kong sagot sa kanya. Nakita ko naman ang nagtatakang mukha ni Josh sa peripheral view ko pero hindi ko na lang pinansin. "Pasensya ka na, sir. May pupuntahan pa kasi kami. Maiwan po muna kita, ha? Bye!" Iyon lang at agad nang hinila si Josh palayo sa lugar na 'yun. Ang bagsak naming dalawa ay sa boarding house nila Josh. Although mag-isa lang siya ngayon dito ay madalas akong pumunta para yayain siyang mag-inom. Gusto kasi ni Josh na kapag iinom ako ay 'yung nakikita niya ako. At isa pa, gusto niyang kontrolin ang pag-inom ko. May isang gabi kasi 'yun na nag-inom ako mag-isa at muntik nang ma-harrass ng ibang manginginom sa loob ng bar. Buti na lang at nakita ako kaagad ni Josh at inuwi sa bahay nila Tiya. "Hoy, Torres. Anong kabalbalan na naman 'yung sinasabi mo kanina? Baliw ka ba?" panimula ni Josh nang maglagay siya ng isang bote ng vodka sa mesa na kulay abo sa labas ng kwarto niya. Nilapag din niya do'n ang dalawang maliit na baso. Napabuga ako ng hangin at napasimangot. "Kailangan ko lang ng escape plan. 'Wag kang assuming. 'Di ako pumapatol sa bading." Natawa naman ang isa at binatukan ako. "Gago! May girlfriend na nga ako. Bading ka d'yan." Napalingon naman ako sa kanya at pinaningkitan siya ng mata. "Taksil! Ba't 'di mo sinabi agad? Kailan lang 'yan?" "Ngayon..." Napaawang ang labi ko dahil sa sinabi niya sanhi para lalong lumakas ang tawa ng mokong. "Ang pangit mo, Celine. Bakit ikaw pa naging GF ko?" pagtawa niya ulit. "Hayop ka talaga, Joshua!" Nang matapos na sa kakatawa ang kumag ay nagtanong siya ulit. "'Di ba siya 'yung lalaki na nanghihingi ng number mo sa store? Ngayon ko lang kasi naalala, e. Bakit niya alam bahay n'yo?" "Nang malaman ko kung sino siya, 'di na ako magtataka." Napakunot ang noo niya at hinintay akong dugtungan ang sinabi ko. "Siya si Mr. Curt Christian Fernandez. Ang President ng 3F." Nakita ko ang paglalag ng kanyang panga sa sinabi ko. "Woah. Talaga? 'Di nga?" Napatango na lang ako. "At kaya ka niya pinuntahan sa inyo ay dahil...?" Naglagay muna ako ng inumin sa baso at nilagok 'yun, saka ako muling sumagot. "Ewan. Ayoko lang na binibisita ako. Kaya gumawa ako ng alibi. Buti na lang at napadaan ka," natatawang sabi ko. "E, bakit ka nag-inom mag-isa kagabi? Uhaw na uhaw kaya ako kagabi tapos malaman-laman ko nag-solo ka na naman. Daya mo talaga, e!" "Magre-resign na 'ko, Josh..." Marahas na napalingon ang isa at nanlaki ang mga mata. "Gago! 'Wag ka magbiro nang ganyan. Sasapatusin kita." Natawa ako bahagya at binatukan siya. "Tanga! Seryoso 'yan, Josh. Magre-resign talaga ako. Kaso, ayaw ako payagan ni boss." "Sinong boss? Si Sir Fred o Sir Curt?" "Both." "Lupit mo, men. Talaga? Pinipigilan ka nila? Lakas yata ng tama sa'yo ni Sir Curt. Bakit 'di mo kasi patulan? Pera na 'yun, e." "Ayoko, ulul! 'Di ko gusto na ma-involve sa kanya," and I mean it. "Akala ko ba gusto mong tulungan tiyahin mo? Bakit iba na linyahan mo ngayon?" Napabuntonghininga na lang ako at muling uminom. "Pwede ko naman sigurong ibahin ang takbo ng buhay ko, 'di ba? Pwede naman siguro na ibahin ang pagkakakilala ng iba sa 'kin. Na hindi naman talaga pera lang ang nagpapaikot ng mundo ko kundi kaligayahan na magtatagal hanggang kamatayan." Lumagok din ang isa sa kanyang baso at muling nagsalita. "Hindi ka naman mukhang pera, Celine. Gusto mo lang paniwalain ang lahat na gano'n ka para layuan ka nila at hindi lokohin. Sa tingin mo, lalapitan ba kita kung naniniwala ako na mukha kang pera? 'Di ka mukhang pera, uy. Mukha kang inom!" Sabay kaming tumawa ni Josh. Tama naman siya. Kung maalala ko lang, ang nagtulak sa akin para ipakita sa iba na mukha akong pera ay ang mga nasabi ni Tiya Bechay sa 'kin noon. Na walang ibang magpapasaya sa kanya kundi pera lang at dapat gano'n din ako kung gusto kong makasundo siya. Siguro nga ay naging uhaw ako sa atensyon noon kaya ginusto kong maging ibang tao sa harap ng iba. At 'yun din ang dahilan kung bakit pinahamak ko ang puso ko sa isang tulad ni Curt. **** Kinabukasan, pumasok na ako sa store. Nang makarating do'n ay laking pagtataka ko nang makitang blangko ang schedule ko. Agad kong pinuntahan si Sir Fred sa office at ipinakita ang blangkong shedule ko. "Rotation???" Iyon ang salita na mas na-gets ko sa lahat ng sinabi ni Sir. "Sir, anong pinagsasabi n'yo?" "Isa ang store natin sa napili na magkaroon ng crew rotation. Affected din ang main branch sa Manila kaya it's only fair for us to participate," imporma niya. "Sir, dito ako nakatira. Dito sa Plaridel. Bakit sa lahat ng lugar na pwede kong paglipatan, bakit sa Manila pa?" "'Yun ang binigay sa 'kin na branch. Hindi lang naman ikaw ang mapupunta do'n. Tatlong crew at ako ang madedestino do'n. Si Albert, ikaw at si Joshua. Kayo ang napiling crew na lilipat doon." "Pa'no ang bahay namin? Pagkain?" "Sagot na ng kumpanya 'yun. It's only for a month. Hindi mo pa ba naranasan ang rotation? 'Di ba kasama ka do'n last year nung nasa Marilao tayo?" Doon ako napipi. Oo nga pala. Nasama na rin ako sa rotation last year. Pero ibang usapan na kasi ang Manila. Knowing that I will see Curt's face again, I wouldn't find a way na hindi kami magpang-abot. Nangako ako sa sarili ko na hindi na ako papayag na lokohin niya. Nananadya yata ang tadhana sa aming dalawa. *** December 13, 2017 Dumating na ang araw na pinakaayaw ko. Ang araw ng rotation. Lahat ng damit ko halos dinala ko na. Knowing the numbers, malaki ang pagsisisi ko na naging kuripot ako sa taon na 'to at palaging umaasa sa malalaking T-shirt at maluluwag na jeans. Wala na rin akong panahon para bumili pa ng bagong damit dahil atrasado na sa oras ang pagbigay ng sweldo namin. Sa loob ng van ay magkatabi kami ni Josh. Nakasimangot ako buong biyahe habang siya naman ay inaasar ako dahil makikita ko na naman daw si Sir Curt. "Bakit ba ayaw na ayaw mo sa kanya?" bigla ay tanong ni Josh. "Ayoko lang. 'Di ko siya type." "Ako na ba type mo, men?" Sinamaan ko ng tingin ang katabi at nakita ang mas lalong paglakas ng tawa niya. Enjoy na enjoy talaga siya na inaasar ako. Sheda! "Hoy, Vallejo. Ang ingay mo!" sigaw ni Sir Fred mula sa harapan. "Sir, nasilihan niya yata pwet niya. Pinahawak n'yo yata ng hot sauce 'to bago umalis," dagdag ko pa. Sa pantry kasi madalas naa-assign si Josh at siya madalas siya naga-assemble ng hot sauce. Inaasar namin siya kapag napapasigaw at tumatakbo papunta sa ice machine para pahupain ang naanghangan niyang kamay pati mukha. May pagkabaliw kasi minsan at pinagtitripan niyang papakin ang hot sauce. Lipas-oras na kasi kaming lahat kung mag-break. "Shut up, Torres." Napairap naman si Josh at patuloy lang kaming lahat sa pagtawa. **** Nang makarating na kami sa Manila ay binaba na kami sa apartment na nirentahan ng kumpanya para doon kami mag-stay. After ng ilang oras, kailangan na naming mag-ayos at pumunta sa bagong branch. Hindi na ako nagtaka sa hitsura ng store. Ilang beses ko na 'tong napuntahan last 2019. Ito kasi ang main branch ng kumpanya. Ang Trutz Building. Sa 2nd floor nito naka-locate ang 3F Store, ang main pantry area ng Trece Fernandez. Simula no'ng maging asawa ko si Curt ay mas madalas ako sa 2nd floor. Isa kasi ito sa una kong hinawakan na opisina. Nang mapalago ko siya ay saka ako binigyan ng mas malaking scope. Nakahanay kaming tatlo sa harap ng counter area dahil pinatawag kaming lahat. Si Sir Fred ang nasa harap namin at nagsasalita. Pinaliliwanag niya ang mga dapat naming gawin at pinapakilala ang ibang changes. Iba kasi ang sistema sa main branch kaysa sa Plaridel branch kaya sobrang laki ng panahon na dapat naming gugulin sa pago-observe sa old crew members. "Also. Mr. Fernandez will have a few words with you. Since he handles this place on-hand, he will be our immediate superior here, understood." "Yes, sir." Sagot naming lahat. "Ayan na pala siya." Nagsimula na naman ang pagrigodon ng puso ko kasabay ng pagtunog ng sapatos na papunta sa amin. Nakita ko sa harapan ang naka-corporal suit at naka-wax na buhok ni Curt. Ibang iba na ang awra niya ngayon. This is exactly the Curt I've known for the past 3 years. The cold-hearted bastard Curt Christian Fernandez. "It's nice to finally meet you all," panimula niya ngunit sa akin lang nakapukol ang kanyang tingin. Curt, ano na naman ba ang gusto mo?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD