Celine's POV Hindi kakasya ang isang araw sa pagtatanong ko kay Curt. Hindi pa rin ako makapaniwala na isa rin siyang time traveler kagaya ko. Pareho kaming naglakbay sa panahon na nagkakilala kami sa pangalawang pagkakataon. Niyaya ako ni Curt na mag-dinner. Kami lang dalawa sa isang restaurant na malapit sa pinuntahan namin. Marami kaming napagkuwentuhan pero lahat ng iyon ay patungkol sa buhay namin, mga masasayang tagpo at mga masasakit na tinatawanan na lang namin ngayon. Hindi ko na inungkat pa ang tungkol sa time travel o tungkol sa kumpanya. Inisip lang namin ang mayro'n kami sa isa't isa. Iyon ang pinakaimportante sa lahat. Pagkatapos ay umuwi na kami. Tumigil ang sasakyan ni Curt sa harap ng mansyon. Napangiti ako at napaharap sa kasama ko. "Nandito na pala tayo. Hay... makaka

