Celine's POV Nagising na lang akong basang-basa ng pawis ang leeg at likuran ko. Habol-hiningang napasapo ako sa dibdib ko. Hindi ko akalain na mananaginip na naman ako nang masama. Napapikit ako. Una, nanaginip ako ng lalaki na bigla na lang nawala, tapos ngayon, ako na ang nasa kabaong. Napailing ako. "Hindi. Panaginip lang 'yun, Celine. Focus," salansa ko sa aking sarili. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na kinukuha ang cellphone ko at tinawagan ang number ni Curt. **** Sa harap ng pamilyar na maalon na seaside sa MOA, nakatanaw ako habang hinihintay ang isang tao. Maya-maya'y nakarinig na ako ng ugong ng sasakyan na huminto sa aking likuran. Nang umibis ay nakarinig ako ng humahangos na tinig at mabibilis na hakbang patungo sa akin. I saw Curt in his worried state, looking at m

