Celine's POV Nakahalukipkip akong nakatanaw sa balisang si Mr. Sullivan nang katagpuin niya ako sa isang simpleng kainan, parte pa rin ng Plaridel, Bulacan. Nakaupo ako habang katapat ko naman ang matanda. Nang masiguro niyang wala nang masyadong tao ay may inilabas siyang isang malaking envelope na kulay brown. Makailang saglit pa akong tumitig doon bago iyon kinuha at binuksan. Doon na tumambad sa akin ang samut-saring pictures nina Warren at Josh na magkasama. Sa ilang pictures, napansin ko na naka-formal attire si Josh na tila personal bodyguard siya ni Warren. Sa huling picture ay biglang nanginig ang mga kamay ko. Hindi ko namalayan na nahulog na pala ang ibang pictures sa mesa. Ang picture na tinitingnan ko ay isang pamilyar na eksena. It was me on my pink coat when I just got ou

