Josh's POV Three years ago... Masigla akong pumasok sa loob ng 3F Store Manila Branch, morning shift. Ini-expect ko na papasok si Celine bandang alas tres nang hapon para palitan ang kahera namin. Habang ako ay abala sa pag-aasikaso sa dalawang taylor machine ng store. Absent kasi ang nakatoka sa beverages kaya imbes na nasa loob ako ng kitchen ay nasa labas ako kasama ang isang katrabaho ko sa dining at ang kahera namin na si Julie sa counter area. Kanina pa nila ako kinakausap at niyayaya na sumabay sa kanilang kumain pero tumatanggi lang ako. May iba kasi akong plano ngayon. Hinintay kong lumipas ang tanghalian at break time ko. Nang sumapit ang alas tres ay nagkakandahaba na ang leeg ko sa kasisilip kung daraan si Celine. 30 minutes na ang nakalipas pero wala pa rin siya. Napabunto

