Celine's POV Nawala ang pagngiti ko nang may makitang isang pamilyar na tao sa harapan ko pagkapasok ko sa 3F Store Plaridel Branch. Bigla ay nabitiwan ko ang bag na dala ko sa sahig. Halos hindi ako makahinga sa sobrang pagkagulat. Humarap siya sa akin at ngumiti. "Yes, ma'am? Ano pong sa inyo?" "J-Josh?" Nakita kong natigilan siya at napakamot ng ulo. Napaluha ako't nakangiting lumapit sa counter para mapagmasdan siyang mabuti. Pero napalis ang ngiti na 'yun nang makitang nag-iba ang hitsura niya. Ibang mukha pala ng lalaki ang nakikita ko at hindi kay Josh. Nahigit ko ang hininga ko dahil doon. "Okay lang po ba kayo, ma'am?" biglang tanong niya. Matagal akong nanahimik bago muling nagsalita. "Umm... W-wala..." "Oh my gosh! Is that you, Celine? I mean, Ma'am Celine?" Isang boses

