Chapter 2

2210 Words
Celine's POV Sinong mag-aakala na sa paghiling ko sa buwan ay maibabalik ako sa dati kong buhay? Na ang pinaghirapan kong abutin na estado ay kaya kong isuko mawala lang sa buhay ko ang aking asawa na si Curt. Hindi ko alam kung bakit pero may isang parte ng utak ko na nagsasabi sa akin na dapat kong pagsisihan na nakilala at minahal ko siya. Nang dahil sa kalungkutan ay wala na akong ibang maalala kundi ang mga araw na hindi siya naging asawa sa akin. Tiniis ko 'yon alang-alang sa reputasyon naming dalawa. Hindi ko akalain na dahil sa ambisyon kong maging matagumpay ay may sugat akong matatamo. Minsan kong hiniling na sana manumbalik na ang lahat. Hiniling ko sa buwan na ibalik ang dating buhay ko noong hindi ko pa siya kilala. Hindi ko akalain na tutuparin iyon ng buwan. Ang buwan na minsan akong tinalikuran. Sa muling pag-asam ko ng katahimikan, sinubukan kong tumingalang muli at humiling sa liwanag niya. At hindi ko akalain na ibibigay niya nang biglaan ang lahat ng aking minimithi... Patuloy pa rin ang pagrigodon ng puso ko habang nakatanaw sa kalendaryo. Hindi ko pa rin mapaniwalaan ang nakikita. Kahoy na kwarto. Ang boses ni Tiya Bechay. Ang kalendaryo. Ibig sabihin, nasa Plaridel, Bulacan ako. Sa bahay ni Tiya Bechay. December 7, 2017. Tama. Natatandaan ko ang araw na 'to. Pero bakit dito ako nilagay? Sino ang nagdala sa akin dito? Agad kong sinampal-sampal ang sarili. Pagkamulat ko ay bigo akong makita ang kwarto ko sa bahay namin ni Curt. "Celine! Celine! Nasa'n na 'yung benta ko?!" Sunud-sunod na malalakas na katok ang gumulat sa akin. Boses iyon ni Tiya Bechay. Napailing ako at pinalo-palo ang ulo. "Bwisit! Bwisit! Bakit dito pa 'ko nilagay?" bulong ko sa sarili. Bakit ba kasi sa lahat ng eksena sa buhay ko ay dito pa ako nilagay? Si Tiya Bechay ang tumayong guardian ko magmula noong grade six ako. Maaga kasi akong naulila noon. Hindi naging maganda ang pakikitungo ni Tiya Bechay sa akin mula noon pa man. Hindi rin naging maganda ang naging trato ko sa kanya. Sabihin na nating dahil sa masasakit na salita niya ay naging magaspang ako sa kahit sino. Huminga ako nang malalim at ikinawit sa tenga ang ilang hibla ng buhok ko, saka pinagbuksan ang matanda. Nakita ko ang isang babae na nasa edad 40's na at may katabaan ang humahangos at galit na galit na nakatingin sa akin. "Hoy, babae! Nasa'n na 'yung benta ko? Kahit kailan talaga napakakati ng kamay mo! Sa'n mo nilagay 'yun?!" sigaw niya sa akin. Galit na galit ang anyo niya habang hawak ang maliit na arinola na kulay green na ginawang lalagyan ng benta. Napataas ang kilay ko at pinamaywangan siya. "Ang galing mo talaga, T'ya. Hanggang dito ba naman sinusundan mo pa ako? Ganyan ka na ba kadesperada? Bakit ako nandito, ha?" "Hoy babaeng hitad ka! Anong pinagsasabi mong sinusundan kita? 'Wag mong ibahin ang usapan at ilabas mo ang benta ko!" "Benta? 'Di ba napatunayan nang hindi ako ang kumuha? Anong pinagsasabi mo?" Nagulat ako nang hawakan niya ako sa braso nang marahas. "Wala akong panahon sa kabaliwan mo, Celine. Ilabas mo na ang benta ko kundi ipapupulis kita!" Halos manginig ako sa tinuran ni Tiya. Talaga bang wala siyang alam kung bakit ako nandito? Totoo ba talaga na nasa 2017 ako? But how can this be? "T'ya, anong date na ngayon?" biglang tanong ko. Nangunot naman ang noo niya at nagdabog. "Wag mo na 'kong aktingan, Celine. Ilabas mo na kasi!" "Hindi ako umaakting. Sagutin mo na lang ang tanong ko!" Nagtataka na napatigil si Tiya. Ilang saglit pa ay nagsalita na siya. "December 7, 2017 ngayon. Ano, okay na? Ilabas mo na!" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "S-seryoso ka ba?' "Mukha ba 'kong nakikipagbiruan sa'yo ngayon, ha Celine?! Ilabas mo na ang pera!" Marahas kong binawi ang braso ko mula sa kanya at saka nagsalita. "Wala akong alam sa sinasabi mo. Kahit ano naman ang sabihin ko sa'yo di mo pa rin ako paniniwalaan." Sumandal ako sa pintuan. "Tip ko sa'yo, T'ya. Pumunta ka sa police station at i-report mo 'yan. Alam ko na ang result. Ang magaling mong anak ang kumuha no'n. Kung tapos ka na, isasara ko na 'to. May pasok pa 'ko." Iyon lang at pinagsarhan ko na si Tiya Bechay ng pinto nang may pagtataka sa mukha niya. Totoo lahat ng sinabi ko. Isa sa pinakamasakit na karanasan ko kay Tiya Bechay ay ang ipapulis niya ako at pinagbintangang nagnakaw ng benta niya. Wala silang makitang ebidensya noon hanggang sa lumitaw sa imbestigasyon na ang anak niyang si Paula ang kumuha niyon. Nakahinga ako nang maluwag nang hindi na nangulit pa si Tiya sa akin. Hindi pa ako handang kausapin siya. Not with this kind of state. Gulat pa ako sa mga nangyari. Hindi ko pa maintindihan kung bakit ako biglang napunta sa panahon na 'to. It all seems to be a dream pero hindi ako magising-gising. May hindi tama rito. Paano ako napunta sa taon na 'to? *** "Bwisit! Bakit sa lahat ng eksena sa buhay ko, dito pa 'ko nilagay? Pa'no na 'to?" pagmamaktol ko sa sarili habang naglalakad papunta sa dati kong trabaho, ang pagkakahera sa isang convenience store. Walking distance lang ito mula sa bahay nila Tiya Bechay dito sa Plaridel kaya hindi ako nahirapan noon sa pagpasok. Nakangiti akong nakatanaw sa karatula ng convenience store sa harapan. Nakasulat doon ang "3F Store". Napasimangot ako nang maalalang small world lang kami ni Curt. Maraming alaala ang bigla na lang rumagasa sa isipan ko. Dito kami sa 3F store nagsimula. "Nakaka-miss din palang gawin 'to. Welcome back, old self!" nakangiting bati ko sa aking sarili. "Uy, Celine! Nand'yan ka na pala. Ang aga mo, ah!" Napatingin ako sa gilid at nakita ang nakangiting si Josh. Isa rin siya sa cashier sa store at ka-shift ko. Ehem. Ex-crush ko rin siya. Bukod kasi sa pogi siya, matangkad at palabiro pa. Mas madalas ko siyang kasama lalong-lalo na sa inuman. Naalala ko pa noon na nabuking niya ako na umiinom sa isang bar mga tatlong kanto ang pagitan sa 3F... 1 year ago... Ibo-bottoms up ko na sana ang huling baso ng vodka nang may isang kamay ang umagaw nito mula sa akin. Napanganga ako nang makitang si Josh iyon na tinungga ang iniinom ko. Pakiramdam ko no'n ay pinagkaitan ako ng kasiyahan. I pouted at his action at inirapan siya. Nang matapos niyang mailapag ang baso ay saka siya umupo sa tabi ko. "Bakit umiinom ka mag-isa? Di ka man lang nagyaya," himig nagtatampong sabi niya. "Sanay na 'ko mag-isa, Josh." Sumenyas ako sa bartender ng isa pang bote ng vodka. Nang mailapag na ito sa mesa ay naglagay na naman ako sa baso. "Ano nga palang ginagawa mo rito?" Nang lumagok ako mula sa baso ay napabaling ang tingin ko sa kanya. Nakapangalumbaba ito at ang siko ay nakapatong sa mesa habang nakatingin sa akin. Napansin ko rin na bagong gupit siya. Bagay sa kanya 'yon at mas nagmukhang malinis siyang tingnan. Hindi siya gaanong kaputian pero makinis ang balat niya. Natural na Pinoy ang kanyang hitsura. Bigla tuloy akong na-conscious sa sarili ko dahil sa paraan ng pagkakatitig niya. May dumi ba ako sa mukha? "Bakit mo 'ko tinitingnan nang ganyan?" Natawa siya at ginulo-gulo ang buhok ko. "Ang cute mo kapag seryoso ka, alam mo ba 'yun?" "Josh!" Agad kong sinalubong ng yakap ang katrabaho. Grabe, sobrang na-miss ko siya! "Ah... C-Celine..." Nang ma-realize ko ang katangahan ko ay agad kong binawi ang pagkakayakap ko sa kanya. I cleared my throat at kinawit ang buhok sa tenga ko habang iniwas ang tingin. "Sorry. Na-carried away lang. Medyo na-miss ko na kasi kayo rito sa store, e," paliwanag ko naman. Natawa naman ang gwapong mokong at ginulo ang buhok ko. "Lasing ka yata. Kagabi lang tayo magkasama. Kotang-kota ka na sa OT," aniya. Napakagat-labi naman ako. Anak ka talaga ng singkamas, Celine! Umakto ka nang normal! Tumawa ako nang malakas at tinapik-tapik ang balikat ni Josh. "Ang galing mo talaga!" "Ako pa? Madali lang hulaan ginagawa mo after shift. Tambay ka ng beer house, e." Ito naman ngayon ang tumawa nang malakas. Napapalatak ako sa sinabi niya. Grabe. Di na nagbago 'tong kumag na 'to. Bully pa rin. Kaya ex-crush na kita, e. Habang nasa dressing room sa crew station, inusisa ko ang sarili sa salamin. Bumalik sa dati ang hitsura ko. Singkit na mata, maputing kutis at mapupulang labi. Ang tingin ko dati sa katawan ko ay mataba. Pero looking back at my figure, di na rin pala masama. I'm quite slim and able. Why did I have to be in moments where I belittle myself? Self, ang tanga mo three years ago. You didn't know how sexy you are. You're worth more than a gold. You're priceless. Habang nasa shift, hindi ko namalayan ang paglipas ng oras. Sa sobrang pagka-miss ko sa trabahong ito ay na-enjoy ko ang bawat minuto. Alas kwatro na nang hapon pero mainit pa rin sa labas. Wala sa sariling napapaypay ako gamit ang kamay ko. Nakita ko si Josh na abala sa paga-arrange ng mga product sa stall sa tabi ng POS kung nasaan ako. "Good noon!" "Good aftern-" awtomatikong sumagot ako nang ganoon sa tuwing may maririnig akong papasok sa store. Naputol ang sasabihin ko nang makita kung sino ang dumating. Agad akong umupo sa sahig at umilalim. Kinalabit ko si Josh at sinenyasan siyang siya muna ang mag-take order. Nakailang ulit pa siyang umiling hanggang sa nakumbinsi ko rin siya sa huli. Habang tini-take order ni Josh ang hindi inaasahang customer ay palihim akong sumilip mula sa ilalim ng counter top kung saan malaya kong makikita ang mukha ng customer at ni Josh. Hindi nagtagal ang pamimili nito sa mga stall. Nang makuha ang pakay ay agad na itong lumapit sa counter at nag-abot ng bayad. Doon ko siya malayang nakita. May bahagyang kurot sa dibdib ang dulot ng pagkakita ko sa kanya. Oo nga pala. Ito dapat ang unang pagkikita namin ni Curt. Dito sa convenience store ko siya unang nakita. Pero hindi ko alam kung bakit bigla akong umiwas ngayon. Seryoso ba talaga ako sa wish ko na ayoko na siyang maging parte ng buhay ko? Habang pinagmamasdan ko siya, hindi ko maiwasang pasadahan ang bawat detalye ng mukha niya. Dark brown ang kulay ng buhok niya at may iilang buhok na nakatabon sa noo niya. Ang singkit niyang mata ay may maliit na set of eyebags. Take note: bagay 'yun sa kanya. Ang cute niyang tingnan sa gano'n. Ang puti rin niya at matangkad. Kung hindi ako magtatakong, hanggang balikat lang niya ako. Nakasuot din siya ng puting shirt at dark jeans. Matapos magbayad ni Curt ay agad lumuwa ang resibo. Maagap nitong kinuha iyon at binasa nang maigi na tila may hinahanap. Bahagya namang nagulat si Josh sa inasta ng isa. Napataas ng kilay si Curt at hinarap si Josh. "It's funny. Celine pala ang pangalan mo?" Nanlaki ang mga mata ko at agad napatakip sa bibig. Oo nga pala. Ako ang naka-log in sa POS. "P-po?" kinakabahang tanong ni Josh. "Write her number at the back of this receipt. Isipin mo na lang bilang suhol 'yan para di kita isumbong sa manager n'yo." He smiled innocently. What?! "Ah... eh... pero, Sir..." Agad kong kinalabit si Josh sa pantalon niya at sinenyasan siyang huwag ibibigay ang number ko. "Maraming senaryo ang pwedeng mangyari ngayon. Mamili ka lang kung alin ang mas convenient sa'yo. 1, I will report you to your manager and will ask him for the cashier's number myself. 2, you will write down her number so I will leave peacefully. 3, magbibigay ka ng maling number sa akin and I will still do the choice number 1. Or 4, you will let her emerge from the countertop kung saan siya nagtatago and I'll ask her myself." He smiled widely and looked down. Mas lalong lumawak ang pagkakangiti niya nang magtama ang paningin naming dalawa. Napapikit ako nang 'di oras dahil sa narinig. Ang tanga ko sa part na magtago rito sa ilalim. Josh smiled. "Alam mo, sir? Maganda 'yung choice number 4," komento nito sabay haltak sa akin mula sa ilalim. "I guess, si Celine na po ang kausapin n'yo. Bye!" anito sabay alis. Ex-crush, you're so ex na talaga. I'm totally dumbfounded sa inasta ni Curt. Gusto kong lamunin din ako minsan ng lupa para naman makatakas sa kahihiyan na ito. Hindi ko namalayan na may kamay na palang nakalahad sa harapan ko. I was so busy covering my face with my hand. Ayoko kasing makita ang expression ng mukha ni Curt. I hate how he smiles at me. I can still remember it sa unang pagkikita namin. Nang tanggalin ko ang kamay ko sa mukha ay nakita ko ang nakalahad na kamay ni Curt at ang nakakatunaw niyang ngiti. "Hi. I'm Curt. Can I have your number?" Peste. Hulog ka na naman, Celine. -to-be-continued-
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD