Chapter 2.5

2036 Words
Celine's POV December 7, 2017 The Actual First Meeting Abala ako sa pagpupunas ng counter tops sa loob ng pinagtatrabahuan kong convenience store habang kumakanta. Maganda ang mood ko ngayon dahil mamayang gabi na ang sahod namin. Maraming naka-line up na plano ang ginawa ko para sa araw na 'to. Unang-una roon ay ang tumikim ng strawberry flavored soju. Feel ko lang uminom ng gano'n habang nanonood ng movie sa DVD player sa loob ng kwarto ko. Ano kayang magandang movie? Hindi ko na lang sasabihin kay Josh ang plano ko para sa araw na 'to dahil siguradong guguluhin na naman niya ang mga naka-schedule kong gagawin. Feel ko munang uminom nang mag-isa. Quality with myself kumbaga. Madalas ko naman itong gawin tuwing sweldo ko. Maliit lang kasi ang kasiyahan ko sa ngayon. Isa pa, buburautin lang ako ni Josh oras na matunugan niyang iinom ako pagkatapos ng trabaho. Tamang-tama pa naman at ako lang mag-isa sa bahay. Wala sina Tiya Bechay at Paula at lumuwas papuntang Maynila. Bukas pa ang balik nila. Pakanta-kanta lang ako nang marinig ang pagtunog ng wind chime sa entrance door, senyales na may customer na pumasok sa loob. Awtomatikong napalingon ako at masiglang bumati ng "Good afternoon!" sa bagong dating. "Welcome to 3F Store!" dagdag ko pa. Dinig na dinig ko ang pagtunog ng sapatos niya habang papunta sa may school supplies stall sa bandang kaliwa ng counter area. Parang nage-echo 'yun sa tenga ko na parang 'yun lang ang bukod tanging naglilikha ng ingay sa pandinig ko. Mataman lang akong nakatingin sa lalaking bagong dating. Pakiramdam ko nga ay parang slow motion ang paglalakad niya. May something sa liwanag na nanggagaling sa labas. Parang pinatitingkad nito ang paligid ng lalaki. Or imagination ko lang 'yun? Nang makarating doon ay agad na namili ng bibilhin ang lalaki. Nagtaka naman ako na kumuha siya ng isang basket at namili ng napakaraming notebooks. Ni hindi man lang ito namili ng ballpen o ng iba pang school supplies. Napaisip tuloy ako. December 7 pa lang naman. Hindi naman simula ng klase ngayon para bumili siya ng napakaraming notebook. Para saan kaya 'yun? Nang usisain ko ang kabuuan ng postura niya ay may napansin ako. Maputi ang lalaki at matangkad. Sa tantiya ko ay hanggang balikat lang niya ako. Nakasuot siya ng puting shirt at dark jeans. Mukha namang simple at disente ang lalaki ayon sa nakikita ko. Naka-side view kasi siya mula sa kinatatayuan ko kaya hindi ko masyadong makita ang ibang detalye ng mukha niya. I admit na may face value siya. Mas pogi pa sa mga napapanood kong KPop boy band members. May sense of fashion naman ang lalaki sa pananamit. Siguro, kahit damitan siya ng basura ay hindi makakabawas sa kapogian niya 'yun. Or even without any clothes on... Napasinghap ako sa naisip ko. Gosh, Celine. How could you think of that to a customer? Ang halay mo! Agad akong umiling-iling at winaksi ang iniisip. Hindi naman ako ganito noon. Dala lang siguro ito ng excitement ko sa sweldo. Sinubukan ko ulit siyang pagmasdan. Napansin ko na pinipili niya ang mga alphabet notebook mula sa stall. Notebook na pang-elementary? Sa hula ko ay namimili siya ng notebook na para sa kapatid niya since hindi naman mukhang pamilyado ang hitsura ng lalaki. Sa tantiya ko ay mas matanda lang nang ilang taon ang lalaki sa akin. 23 years old na kasi ako. Siguro ay 25 na ang lalaki. Makinis kasi at hindi stressed ang mukha niya. Halatang inaalagaan niya iyon. Papable. Teka, baka may pamilya na siya? Hindi. I doubt it. Wala sa hitsura niya ang pagiging isang pamilyadong tao. Ows? Baka ayaw mo lang kasi type mo siya? Gusto mo ikaw na lang asawahin niya? pang-aasar ng isang bahagi ng isipan ko. Whatever. Customer lang 'yan na may poging pagmumukha. Off limits 'yan, Celine! Matapos niyang makapamili ay dumiretso na siya papunta sa counter area kung nasaan ako nakapwesto. Ako kasi ang cashier sa araw na 'to. I cleared my throat, lowered my gaze and tucked a few strands of my hair behind my ears. Sinimulan ko nang i-barcode ang bawat item na nasa basket na inilapag niya sa counter table. Isa-isa ko ring tinatandaan ang nakalagay sa bawat item. Nasanay na ako sa gano'n para iwas pagkakamali. Mahirap nang magka-penalty. C. Iyon ang unang letter na nakabungad sa basket. A. N. I. H. A. V. E. U. R. N. U. M. B. E. R. Iyon ang mga letra na nakita ko ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga notebook na nakalatag sa basket. 16 piraso lahat ang pinamili niya. Nang isisilid ko na sana ang mga ito sa sando bag ay biglang nangunot ang noo ko at tiningnan ulit ang mga item. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa items at sa lalaking kaharap ko nang may pagtataka sa mukha. Did I just get it wrong? Or may secret message talaga sa notebooks na kinuha niya? Was it just coincidence? Doon ko mas nausisa ang mukha niya. He has a dark brown hair with little strands covering his forehead and a set of shining chinky eyes with eyebags. Hindi awkward ang eyebags niya since bumabagay lang iyon sa mata niya. May mapupula rin siyang labi na nakangiti nang pagkatamis-tamis sa akin. I almost forgot to breathe. Sa buong buhay ko, hindi pa ako nginitian nang ganyan ng kahit sinong lalaki. Hindi ko na nga matandaan ang mukha ng tatay ko. This guy infront of me is simply unbelievable. Baka may sayad? Or di kaya prankster? Nevermind. Bigla tuloy akong nahiya nang mapagtantong kanina pa pala ako nakatitig sa kanya. Masyado akong busy sa pag-usisa sa mukha niya. Shocks! Ga'no na ba ako katagal nakatulala? "I could use to just do a staring game here all day with you. But unfortunately, I can't," panimula niya. "I hope you get the message. Pwede mo siyang isulat sa resibo. Marami pa kasing nakapila." He suddenly laughed crispily. Damn! Ang prangka niya. Totoo talagang tinatanong niya sa akin 'yun? Nag-angat pa ako ng dalawang kilay. Bigla kasing nag-loading saglit ang utak ko sa sinabi niya. Pinamulahan tuloy ako ng pisngi. Sheda, sinasabi niya ba talaga sa 'kin 'to? 'Y-yung 'can I have your number?' Seriously?! I'm torn between saying my last greeting and ignore him or just give him my number. Pressured ako. What to do? Hindi ko alam kung ano ang gagawin sa sitwasyon na ganito. Wala pang isang matapang na estranghero ang papasok na lang bigla at bibili ng sandamakmak na notebooks para lang hingin ang number ng isang gusgusing kahera na tulad ko. Wala pang nagkamali na patulan ako. Nakalimutan ko na nga ang huling beses na may gumawa ng effort para sa 'kin, e. Isa pa, busy ako sa pagkakaroon ng crush kay Josh. Hanggang crush lang. Alam ko namang hindi ako kapatol-patol. Isa pa, I have ill manners. I drink a lot alone. Madalas hindi ako nagsusuklay at higit sa lahat, hindi ako marunong manamit na sexy. I'm a nobody. I have no experience when it comes to relationships. Ano naman ang makukuha ko doon kung mas mahalaga ang maging matagumpay sa buhay? Mas mahalaga ang pera kaysa pag-ibig. It's clearly impossible for someone like him to even like me. He's untouchable. I'm unlikeable. Or baka guni-guni ko lang na para sa akin ang message? May nahithit yata si kuya. Hindi ko talaga mapaniwalaan. Hay, ewan! Then, this random stranger spoke again. "Sorry. I must've startled you. Just forget about it. Go and attend them na. I'll just probably head out-" "7 pm," I butted in. Gosh, Celine. You're so out of your mind! Hindi ko rin alam kung bakit bigla na lang 'yun lumabas sa bibig ko. I'm not used to be overwhelmed and heedlessly blurt nonesense. Lalo pa't kaligtasan ko ang nakasalalay. Malay ko ba? Hindi ko naman kilala 'yung lalaki. "Huh?" "'Yung out ko 7 pm," I completed, trembling. Wow, Celine. Kinumpleto mo pa talaga? Death wish is what you want, eh? Lalong lumala ang kabog sa dibdib ko nang makita ang mas malawak niyang pagngiti. Tila lalong lumiwanag sa labas nang ngumiti siya. Is that even possible? I can't even feel my face sa sobrang pagkanerbyos. He, then, nodded and grabbed the sando bag full of his secret message and gave me his cute salute before he exited the store. Nang mawala na siya sa paningin ko ay agad akong nagpakawala ng hangin. Grabe, Celine. Ang lakas ng tama mo. Pa'no kung manloloko 'yun? Sinabi mo pa talaga ang oras ng uwi mo! lihim kong pinagalitan ang sarili. Nawawala na talaga ako sa focus. Bakit ko ba kasi nasabi 'yun?! Ni ang makipag-textmate nga hindi ko magawa, makipag-eyeball pa kaya? I'm no genius when it comes to dating. Hindi iyon pumasok sa isip ko since naka-focus ako sa pag-iipon. Pinalaki ako ni Tiya Bechay na mabuhay ayon sa hinihingi ng buhay. At ang buhay namin ay ibinigay para mauhaw sa pera. Hindi ako papayag na manatiling mahirap hanggang sa huling hininga ko. Ipinangako ko kay mama noon na magiging matagumpay ako. Sisiguraduhin kong magtatagumpay ako. Pero biglang nag-iba ang pakiramdam ko. Something has changed inside me. Parang kahapon lang ay mas lalong tumindi ang pagnanasa kong makaalpas sa paghihirap ko pero ngayon, noong makita ko ang lalaking 'yon, pakiramdam ko napawi lahat ng galit at pag-aasam ko sa kapangyarihan. Parang tinunaw ng mga ngiti niya ang minimithi ko sa buhay. Like instead of dreaming big dreams, I kept on dreaming about beautiful and simple things. Bigla kong naramdaman ang pagiging isang bata. And it sickens me to know that he's unaware of his beautiful curse. Parang itinalaga siya ng tadhana para patigilin ako sa pangangarap nang matayog. Sa sobrang gulo ng isip ko, inabala ko na lang ang sarili sa pagtatrabaho hanggang sa matapos ang shift ko. Habang papalapit nang papalapit ang oras ng pag-out ko ay di ko maiwasang kabahan. Not that I'm really dead serious about showing up. Hindi ko alam. Hindi ko lang maiwasang isipin. Darating kaya siya? Iyon ang isa sa marami kong tanong sa isipan ko. Paano kung di naman pala totoo na maghihintay siya? Teka. Di naman yata niya sinabi 'yon. Tumango lang naman siya. Wala siyang ibang sinabi at bigla na lang umalis. Sa sobrang frustration ay nasabunutan ko ang sarili ko habang nagka-cash count. "Hoy, Celine! Anyare sa'yo?" Nanumbalik ako sa katinuan nang marinig ang boses ni Sir Fred, ang manager namin sa store. Nakita kong nakakunot ang noo ni sir habang nakatingin sa akin. Bahagya naman akong napatawa at ginulo lalo ang buhok ko. "Wala po. Nakalimutan ko lang kung ilan 'yung limang piso. He. He," paliwanag ko, which is the half truth. Dahil sa malalim kong iniisip, nakakalimutan ko na rin ang binibilang kong pera. Focus, Celine! Kapag na-short ka, hindi ka maililigtas ng lalaki na humihingi ng number mo. Focus! Matapos kong mag-cash count, magbihis at mag-log out ay agad kong tiningnan cellphone ko. Nanlaki ang mga mata ko sa napakaraming text na galing kay Pau, ang pinsan ko. Halos malaglag ang puso ko sa ibinalita niya. Bumisita raw ang tatay niya at pinagbubuhatan ng kamay si Tiya Bechay. Nagkakagulo na raw ngayon sa bahay. Dali-dali akong tumakbo pauwi sa bahay at nalimutan ang lalaking gustong kunin ang number ko. Hindi ko na siya inalala. Siguro ay nanloloko lang 'yun. Hindi naman siguro 'yun maghihintay sa akin. Sino ba naman ako para pag-aksayahan ng panahon? Pero bago ako nakalayo sa store ay may napansin akong lalaki na nakaupo sa may bench sa labas ng store. Sa sobrang pagmamadali ay hindi ko na inabala pang usisain kung sino 'yun. Siya kaya 'yun? Hindi ko pa naman nakuha ang pangalan niya. Bakit hindi ko 'yun natanong kanina? Bakit di niya sinabi sa 'kin? Pero baka hindi siya 'yun. I doubt it. Sa halip na isipin pa ang stranger na 'yun ay nagpasya akong ituloy ang pagtakbo pauwi. Saan man ako dalhin ng mga paa ko, sana hindi masusugatan ang puso ko... ***********
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD