Celine's POV
Sanay akong paghandaan ang kahit na anong sitwasyon, subukin man ako nito.
Pero sa pagkakataong ito, inaamin ko na isa akong talunan. May kahinaan din akong taglay pagdating sa pagtanaw sa hinaharap.
Hindi ko nakita ang magiging resulta ng pag-asam ko na maging matagumpay kaya nasaktan ako ng minamahal ko. Hinayaan ko siyang pag-isipan ako nang masama bilang isang oportunista.
Sa pag-asam ko nang mas higit pa sa kailangan ko ay nagtamo ako ng maraming sugat.
Humiling ako sa harap ng buwan na ibalik ako sa dati-- sa panahon na wala pa akong natamong sugat-- ngunit hindi ko akalain na ibabalik niya ako sa pangyayari kung saan pagdadaanan ko pa lang ang sugat na yumurak sa pagkatao ko sa nakalipas na tatlong taon.
Hinayaan ako ng buwan na balikan ang mga masasakit na alaala.
Hindi ko alam kung sa pag-iiba ko ng aking mga desisyon ay maililigtas na ako mula sa mga sugat ko. Pero handa akong isugal ang ibinigay sa akin na oras malaman lamang sa dulo na may ngiti na ako sa labi hanggang sa kasalukuyan.
Hindi ko alam kung ang pag-iwas kay Curt ang magiging daan para makaalpas sa alaala na ito.
Hindi ko alam...
Ngunit hinihiling kong muli na sana sa mga bago kong desisyon ay magiging masaya na ako sa huli...
Wala akong nagawa kundi ang tumayo at magpakita kay Curt. Nakatabon din ang kamay ko sa mukha ko.
Bwisit. Nakakahiya. Bakit kasi hindi ko napaghandaan ang scenario na 'to?!
Maya-maya ay nakita ko ang nakalahad niyang kamay sa harap ko nang tanggalin ko ang kamay ko na nakaharang. Awtomatiko namang napaangat ang tingin ko sa mukha niya at sinalubong ang matamis niyang ngiti. Sinalubong ko iyon ng walang ekspresyon na mukha.
Nagsimula ulit magrigodon ang dibdib ko. Parang nagra-riot ang buong kalamnan ko nang dahil sa halo-halong emosyon. Hindi ako mapakali.
How I missed him. How I've missed all the memories with him, noong masaya pa kami. At the same time, kinakabahan din ako.
Nabago na naman ang desisyon ko sa pangyayari na 'to. Hindi ko akalain na gugulatin ako ng mga naging desisyon ni Curt.
Ito ang first meeting namin. Sa eksenang 'to, ngayon ko pa lang makikilala ang isang Curt Christian Fernandez.
May mga gusto akong sabihin sa kanya ngayon pero alam kong hindi ko magagawa dahil hindi siya ang dapat kong kausapin kundi ang Curt na nabubuhay sa kasalukuyan.
Gusto kong sabihin sa kanya ang maraming bagay. Kung bakit naging cold siya sa akin. Kung bakit nakikipagkita siya sa ibang babae kahit na mag-asawa na kami. Kung bakit kaya niya akong tiisin na magdusa nang mag-isa sa ilang taon ng relasyon namin. At kung bakit ganito ang binigay niya sa aking buhay.
Pero hindi ko maintindihan ang sarili. Kahit ilang beses na niya akong sinasaktan ay hindi ko pa rin mabawas-bawasan ang pagmamahal ko sa kanya.
Siguro nga ay mananatili akong masokista. Natatakot ako na bitiwan siya, pero mas takot ako na balang-araw ay mawawalan na siya ng dahilan para panatilihin ako sa tabi niya.
Takot na takot ako na baka dumating ang araw na 'yun. Ayokong dumating ang araw na 'yun.
Kaya siguro ako napunta sa pangyayari na ito dahil para maitama ko ang mga naging desisyon ko sa buhay. Maybe, if I'd change the way it was, hinding-hindi na ako masasaktan pa ni Curt. Hinding hindi na niya ako madadala sa mga plano niya. Hinding hindi na niya ako mauuto pa. At higit sa lahat, hindi na niya ako mapapangasawa.
Matagal siguro akong nakatulala sa harap niya kaya nagsalita siya ulit.
"And you are...?"
Ngumiti ako at iniabot ang sando bag sa kanya. "Sorry. I don't talk to strangers," I replied blandly.
Tiisin mo, Celine. Kailangan mong tapangan ang sarili mo. You will never get out of this mess kung palagi ka lang magpapadala sa emosyon mo!
Nakita ko ang pagtamlay ng mukha niya at ang pagbagsak ng kanyang balikat. Mahina siyang napatango bago mapait na ngumiti. "I'll take that as a 'no'. Then, I'll probably ask Fred about your number." He laughed again, as if walang rejection na dumaan sa anyo niya.
Napapikit ako nang mariin. Sheda! Nakalimutan ko na 'di pala marunong sumuko ang isang Curt Christian Fernandez.
Hindi ang isang tulad niya ang madaling sumuko. I see his dominant side many times whenever there is a boarder's meeting. He never gives up, especially when he's challenged.
Kapag pinahihirapan ang isang Curt Christian Fernandez, mas lalo siyang nagiging agresibo. Hindi siya sumusuko nang basta-basta lalo at hindi niya pa nakukuha ang gusto niya. Iyon ang pagkakakilala ko sa kanya.
Ang duo naming dalawa ang nagpatibay lalo sa Trece Fernandez. Pati ang investors ay masaya sa aming strategies pagdating sa marketing and finance.
I was his perfect combination. We are the clever business partners. Ginamit niya ang drive kong maging isang successful na tao para mahila sa kanyang plano na palaguin ang kumpanya. To that, I'm all ears to him to anything he says.
I cleared my throat and prompted the sando bag to him again, disregarding his remarks.
This is my first time declining his idea.
Sorry, Curt. I can't agree with you this time...
Napataas naman ang kilay ko nang makita ang pag-iling niya. "Sa'yo na 'yan. Saka mo na lang 'yan ibalik kapag sinulat mo na 'yung nire-request ko sa'yo. Bye!" Tatawagin ko sana siya pero agad na siyang lumabas ng store, leaving me dumbfounded.
Doon ko lang napansin na medyo humaba na ang pila sa tapat ng POS ko. Napayuko ako sa kahihiyan at itinabi na lang ang sando bag na ayaw tanggapin ni Curt.
Hanggang sa pag-out ko ay hindi nawala sa isipan ko ang inasta niya kanina.
Alam kong iniba ko na ang flow ng past base sa mga desisyon ko. Pero bakit ayaw niyang lumubay sa akin? Posible kayang nandito rin siya sa past at nagta-time travel din? O kagagawan lang talaga 'to ng tadhana?
Habang naglalakad pauwi ay tiningnan ko isa-isa ang notebooks na pinamili ni Curt.
Napangiti ako nang mapagtantong 16 notebooks pa rin ang binili niya with the same alphabets neatly arranged for me to read his secret message. Mahilig talaga siyang bigyan ako ng secret messages simula pa noong una. Nakaugalian na niya 'yun hanggang sa nasanay na 'ko.
Binuksan ko ang last notebook kung saan nakalagay ang letter R. Nangunot ang noo ko nang mapansin na mukhang luma na ang notebook na iyon. Sigurado ako na walang nahalong luma sa pinamili niya kanina. Nakakapagtataka naman na napunta 'to rito.
Nang buklatin ko ang notebook ay laking gulat na may nakasulat doon. Walang halong duda na sulat-kamay ito ni Curt.
Hi Celine. Sorry at alam ko name mo. I can't help but to nose around. I really like to know your name. Siguro, mas okay na 'to. I'm not gonna pressure you into giving me your number, but still looking forward to it. By the way, sorry kanina. I can't promise not to see you very often from now on. I just want to see you smile. Stay happy!
Yours (in the near future),
Curt
Nagrigodon na naman ang dibdib ko. Napahawak tuloy ako doon at napaluha. Never ko pa nakuha ang notebook na pinamili niya noon. I didn't think it would be of any importance. Pero ngayong nabasa ko na siya, parang nadudurog na naman ang puso ko.
How could he be so sweet when I met him 3 years ago, then be as cold as ice as I married him?
"Bakit gano'n? Bakit ang sakit balikan nito, Curt? Bakit sobrang sakit?" Hindi ko na napigilan ang sarili ko at nabuwal na sa daan habang hawak-hawak ang notebook.
Hindi ko mapigilan ang pagbuhos ng luha ko at patuloy na naging mahina sa madilim na parte ng street malapit sa convenience store. Nasa tabi ko lang ang bench.
Kahit pala anong gawin ko, mahirap pa rin kalimutan ang lahat. Mahirap magpanggap na hindi masakit ang nagdaang tatlong taon. Mahirap maalala ang lahat ng sakit.
Kung pwede lang tanggalin sa utak ko ang lahat ng sakit na dulot niya, matagal na siguro akong nakawala.
Maya-maya ay may nakita akong papalapit sa akin. Nakasuot ng puting sneakers at beige pants. Isang kamay rin na nakahawak sa panyo ang lumitaw pagkatapos. Pag-angat ko ng tingin at ang malungkot niyang mukha ang bumungad sa akin.
Ngayon ko lang siya nakitang parang nasasaktan.
I didn't bother to wipe my tears. Abala ako sa pag-usisa sa mukha niya. I swear I saw a glimpse of loneliness in his eyes. Ito 'yung Curt na hindi ko kailanman nakita sa tatlong taon na nagsama kami. It was his genuine side.
Lalo tuloy akong napahagulgol.
"W-wait. Please, 'wag ka nang umiyak. Damn it. Nasaktan ka ba sa sinulat ko? I'm so sorry." Napakamot siya ng ulo at pumantay sa akin. "I didn't know what has gotten into me at binigay ko pa 'yan sa'yo. If I knew this would happen, hindi ko na sana ibinigay 'yan. This is the first time I've seen you crying. And I hate it..." malumanay niyang sinabi sabay punas sa luha ko sa pisngi gamit ang panyo.
Napaangat muli ang tingin ko sa kanya. Matagal ko siyang tinitigan, not saying a word. I just want to stare at him with this kind of emotion he has.
Ito 'yung naisip ko: sa tatlong taon na magkasama kami, hindi ko matandaan ang araw na nakita niya akong umiyak. And that's what hit me to rock bottom. He never did show me this side of his, because I didn't show him that first.
Siguro, ako talaga ang may problema at hindi siya. Ako talaga 'yung lumalayo at hindi siya. Ako talaga 'yung nagmamatigas at hindi siya.
It was me who didn't take the chance.
Nang mahimasmasan ako, agad akong binilhan ni Curt ng ice cream at sabay kaming naupo sa bench. Tahimik lang kaming nakatingala sa langit.
Wala masyadong stars sa langit dahil sa makakapal na ulap. Hindi ko rin makita ang buwan. Napasimangot tuloy ako.
"Nakikita mo 'yung langit?" biglang tanong niya.
Napalingon ako sa kanya.
"Ganyan ang naramdaman ko no'ng makita kitang umiiyak kanina."
Nangunot ang noo ko nang marinig ang sinabi niya.
"I feel upset, feeling empty of not being able to give you something you need. Something that will stop your tears. Na-feel ko lang na gusto kitang i-comfort. Di ko rin ma-gets kung bakit," he explained.
Napangiti naman ako. "Hindi dapat inaabala ng langit ang umiiyak na lupa. Hindi mo naman ako kilala para i-comfort mo. Pa'no pala kung snatcher ako o kaya hired killer? 'Di ka ba magdadalawang-isip na lapitan ako?"
Curt pouted his lips while looking at the sky. "Actually, naisip ko na rin 'yan. Kasi biruin mo 'yun, 'di mo pa 'ko kilala o nakita man lang pero may ninakaw ka na sa 'kin agad. Sa tingin ko nga hired killer ka talaga, e."
Napasimangot ako nang marinig ko 'yun. "Seryoso? Mukha na 'kong masamang loob no'n?"
"Oo. Nakawin mo ba naman puso ko! Muntik pa 'kong mamatay kanina habang umiiyak ka."
Napasimangot ako lalo at hinampas siya sa balikat.
"Aray! Masakit 'yun, ah? Baka lalo akong maano..."
"Anong 'maano'?"
"Mahulog sa'yo..." dugtong niya sabay ngiti. 'Yung ngiti niyang nakakapanlambot ng tuhod. Sheda!
Agad akong umirap at umiwas ng tingin.
Hindi ko na-realize 'to. Not until now. Sobrang prangka ng feelings niya.
Hindi ko alam na matutuwa ako na ginawa ko 'to ngayon o maiinis dahil bakit ngayon ko lang ginawa kung kailan nangyari na 'to 3 years ago? Mas masaya siguro kung nakilala niya ako base sa mga desisyon ko ngayon, hindi sa naging desisyon ko noon.
Sarcastic pa 'kong tumawa para pagtakpan ang pag-iinit ng mga pisngi ko. "Patawa ka. Ha. Ha. Ha. Hay... bakit ang init dito?" Umakto pa 'kong pinapaypayan ang mukha at leeg ko gamit ang aking kamay. Iniiwas ko talaga na magpang-abot ang mga mata naming dalawa. Mahirap na. Traydor pa naman ang katawan ko.
Sa pagiging abala ko sa pag-iwas ng tingin niya ay biglang nag-ring ang cellphone ko. Kinuha ko iyon mula sa bulsa ng pantalon ko.
Si Paula ang tumatawag.
Napabuntonghininga ako at nag-excuse kay Curt. Tumayo ako at medyo lumayo sa bench saka sinagot ang tawag.
"Ano?" walang gana kong tanong sa kabilang linya.
"Celine. Tulungan mo 'ko. Nandito si Tatay. 'Di ko siya maawat. Sinasaktan niya si Nanay," sumbong ni Paula.
"Ha? S-sige. Pauwi na 'ko. Tumawag ka ng tanod. Malapit na 'ko d'yan." Iyon lang at pinatay ko na ang tawag.
Binalikan ko agad si Curt na kanina pa nakatanaw sa langit.
"Ummm... Curt, kailangan ko nang mauna. May emergency sa bahay. Pasensya ka na talaga."
Tumango naman siya. "Mag-iingat ka. I hope to see you around." Tumayo siya at pinansaludo ang tatlong daliri mula sa kanyang noo at saka ngumiti.
Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at pinuntahan na sila Paula.
-to-be-continued-