Kahit marami ang dapat na trabahuin si Rafel ay hindi maalis sa isipan niya ang sinabi ng guard ni Faith sa naging lakad nito. Inaasahan na niya na posible na may nangyari dito noon, pero hindi niya akalain na ganito ang kalabasan. Ngayun na ganon ang resulta ay may tinatago ang mga ito kay Faith, malaki rin ang chance na ang pagka hospital nito noon ay gawa rin ng mga ito.
Iisipin palang ang naging resulta ngayung araw ay alam na niya na emotional si Faith ngayun, likas na matalinong bata ito pero kahit ganon ang kanyang pagkakakilala ay marami ng taon ang lumipas. Gusto niya itong tawagan pero nagtatalo ang kanyang isipan baka kailangan nito mapag-isa.
Wala pang 5pm ay nasa tapat na ng kumpanya ni Rafael si Caith, gaya ng bilin nito kaninang umaga kay Nanay Sol, pero pinili niyang siya nalang ang pumunta kaysa abalahin pa niya itong sunduin siya. Ito ang unang beses na napadpad si Caith sa ganitong lugar, sa totoo lang kahit sa kumpanya ng kanyang pamilya ay hindi pa siya naka pasok doon.
Simpling ladies shirt at jeans lang ang suot niya, magkatulad ang brand nito at kilala sa bansa, pinarisan niya iti ng 3.5 heels sandal. Kung tutuusin ay napaka ordinary lang nito pero naging iba lang ang dating dahil sa kanyang angkin na tangkad at hubog ng katawan. Kahit si Caith ay alam niya napaka ganda ng kanyang katawan kahit hindi naman siya nag excersise, babad siya sa gawaing bahay at kaakyat baba niya sa hagdan sa paglilinis. Hindi naman niya ginagamit ang elevator ng bahay para wala ng masabi ang mga ito sa kanya. Ang kanyang balat at buhok ay nakuha naman niya sa ina, kahit sa height na 5´8 ay pinagpala parin ang kanyang pangharap at pang-upo.
Dahil oras na ito upang lumabas ang mga tao sa loob ay hindi nito maiwasang makarinig ng mga tanong sa kapaligiran, pakiramdam ni Caith na parami ng parami ang nagbabaan na mga tao at parang wala naman umaalis doon. Dumiretso siya sa elevator gaya ng sabi sa guard kanina, nasa 28 floor ang opisina ni Rafael. Pero bago paman niya gawin yun ay naharangan siya ng isang sexy at magandang babae na halatang pinagawa ang ilong nito.
¨Ms. hindi ka poyding pumasok, may appointment kaba?¨
Saka palang naalala ni Caith na wala siyang appointment at nagdesisyun siyang pumunta doon ng hindi alam ni Rafael. ¨Wala pero pupuntahan ko si Rafael¨
¨Sorry Miss pero hindi po poyding pumunta doon ng walang appointment¨ may katarayan rin naman ang boses nito kaya nakaagaw ng pansin sa mga taong kanina pa nakatingin sa kanya. Base sa mga titig ng mga ito lalo na sa mga kababaehan ay parang may galit sa kanya, samantalang sa pagkakaalam niya ay unang beses palang siya umapak dito. Ilang minuto na siya sa loob pero hindi parin niya napansin na pumasok ang dalawang guard na kasama niya, ano ito? haharapin ko ang mga impaktang mag-isa?. Ayaw naman niyang gumawa ng eksina sa sariling kumpanya ni Rafael, mas mabuti nalang siguro kung hinintay nalng niya ito sa bahay. Pero nandito na siya, kaya dito nalang sa baba niya hihintayin yun.
******
Ilang minuto na ang lumipas mula ng sinabi ng tauhan niya na nakapasuk na si Caith sa kumpanya, pero hanggang ngayun ay wala pa ito sa kanyang opisina. Binilin naman ng mga guard dito kung alin ang floor niya, pero bakit wala pa ito kung ang exclusive elevator ito sumakay ay dapat nandito na si Faith. Tumayu siya at dinampot ang coat, phone at key, unang beses ni Faith dito at baka may nangyari. Masaya siya kanina ng malaman na ito mismo ang pupunta sa kanya ngayun, balak niyang ipasyal ito at ibigay ang lahat ng gusto at nararapat. Natanggap niya ang ibang report galing sa mga tauhan niya na hindi namumuhay ang dalaga katulad ng kanyang inaasahan, nais niyang makabawi sa ilang taon na nagtiis ito.
Paglabas ni Rafael sa first floor ay nagulat siya sa daming tao, may nangyari ba at nagkumpulan ang mga ito?. Nagbigay naman ng daan ang mga ito ng mapansin siya, diretso ang kanyang lakad hanggang sa napansin niya na nasa gitna si Faith. Kinabahan siya baka may nangyari dito, naging malaki ang hakbang niya papunta dito.
¨What´s going on?¨
¨Mr. Alfonzo¨ halos sabay sabay na mga bati ng mga ito, ¨Nais po niyang pumasok sa loob at puntahan kayu¨ turo ng kanyang receptionist kay Faith, kaya napalingon siya kay Faith at sinuri kung nasaktan ba ito.
Si Faith naman ay napayuko nalang dahil sa hiya, sana ay naghintay nalang siya dito. Ayaw niya itong mapahiya dahil sa kanya ¨Sir, wala po siyang appointment kaya hindi namin hinayaang makaakyat.¨ May pagmamalaki pa ang boses ng babae dito.
¨Are you okey?¨ tanong ni Rafael kay Faith, nagulat naman ang nakapalibot sa kanila dahil sa lambot ng mukha at boses nito para sa babae, samantalang ang pagkakailala nila dito ay napaka seryuso at matigas ang dating.
Napangiti ng tipid si Caith habang kaharap ito, ¨okey lang ako, nadisturbo ba kita? kasi sabi ni Nanay Sol aalis daw tayu kaya ako nalang ang pumunta para hindi kana mag-abalang puntahan pa ako.¨
Hindi napigilan ni Rafael na mapangiti dito, inakbayan niya ito at hinarap ang mga tauhan sa kumpanya. ¨Next time na makita niyu siya dito sa loob ng kumpanya ay magbigay kayu ng galang sa kanya katulad ng binibigay niyu sa akin. Siya ang boss ko..., Ms. Hernandez, maliwanag ba?.¨
Hindi naman denitalye ni Rafael ang tungkol kay Faith sa kumpanya, sa ngayun ang importante ay alam ng mga itong respituhin ang dalaga. ¨Anong una mong gustong gawin? kakain o magshopping?¨ nakangiting lingon ni Rafael kay Faith at siya mismo ang nagmanihu ng kanilang sasakyan.
¨Ikaw ang bahala, kahit ano ay okey sa akin¨
¨hmmm... shopping nalang tayu, kung may makita tayung masarap kainan ay saka nalang tayu magdesisyun.. ok lang ba yun sayu¨
Isang malaking mall at kilala ang ito sa mga branded items, alam naman ni Faith ang tungkol dito dahil dito naglalagi ang kayang half sister ang ang stepmom niya. Pero hindi siya nag-abalang pumunta dito noon dahil alam naman niyang wala siyang mabibili, hindi kaya ng kanyang budget ang mga paninda dito.
¨saan mo gustong puntahan una?¨ tanong ni Rafael
¨sorry, pero hindi ako familiar dito, unang beses ko lang kasi¨ napayuko si Caith, sinabi nalang niya ang totoo dito kaysa mapahiya pa siya sa harapan nito.
Nalungkot si Rafael sa kanyang narinig, kahit noong inabot ng kanyang tauhan ang naging lifestyle si Faith ay halos hindi siya makapaniwala. Alam niyang dito naglalagi ang mga kasama nito sa bahay, nasasaktan siya sa kanyang narinig. Expected na niya na posibling ganito ang maging sagot nito, pero iba parin pala kapag galing dito mismo ang mga katagang na yun.
¨Alright!, first time ko rin naman dito. Kaya bibili nalang tayu sa madadaanan nating maganda.¨
¨Ano ba ang nais mong bilhin pala? para didiretso nalang tayu, may floor description naman.¨
Sumunod nalang si Caith sa gustong puntahan ni Rafael ng pinindot nito ang 4th floor, wala naman masyadong tao doon dahil siguro sa mahal ng mga paninda dito. Kahit siya ay hindi niya sasayangin ang oras sa mall na ito kung alam naman niyang wala siyang mabibili.
Sa unang shop na pinasukan nila ay kinausap lang ni Rafael ang manager doon, pinakuha niya ang mga latest item nito na ayun sa kanyang sukat. Isa-isa naman nilang tiningnan ang mga iyun, minsan tinatanong siya ni Rafael pero kadalasan ay ito na ang nagdesisyun. Ang ikinagulat niya dahil binili nito lahat ng napili at wala man siyang nasubukan kahit isa sa mga iyun, ang narinig niya ay ededeliver daw ang mga iyun sa condo nila.
¨Rafael, bakit ang dami naman ng binili mo, hindi ko masusuot yun lahat at isa pa hindi ko nasukat baka hindi kasya sa akin.¨ tanong ni Caith dito habang naglalakad sila palabas ng shop.
¨it´s okey kung hindi mo masuot lahat at hindi mo dapat sukatin ang mga yun dahil baka hindi malinis.¨
¨anong hindi malinis? halata naman na mga bago pa ang mga yun.¨
¨ḧindi maiwasang magkaalikabok, or baka may naka sukat na before you.¨
Nanahimik nalang si Caith sa kanyang narinig, alam niyang hindi siya mananalo dito. Sunod na pinuntahan nila ay isang jewelry shop, hindi nalang siya nag-abalang pumili doon dahil wala naman siyang hilig at alam sa mga bagay na yun. Siguro dahil hindi siya nasanay na meron pero sino ba naman ng ayaw sa mga bagay na ganon.
Saglit lang naman sila doon at si Rafael na mismo ang nagdala sa mga binili nito, sunod nilang pinuntahan ang isang brand na kilala sa mga bags, shoes at damit at iba pa. Ang maganda kung si Rafael ang kasama mong magshopping ay hindi nakakapagod dahil walang sukat sukat na mangyayari. Depende lang lahat kung gusto niya sa damit at iba pa, maliban nalang sa sapatos o sandal dahil pinilit niyang sukatin ang mga yun.
¨hindi muna kailangan sukatin, ibigay mo nalang ang iyung size¨
¨no!, nais kong malaman kung comfortable ako, sa mga damit ay wala akong problema pero iba dito. Mahirap maglakad ng hindi ka kumportable.¨
Napatango nalang si Rafael sa nais nito, wala naman siyang kuntra doon basta masaya si Faith ay wala siyang problama doon. Pero lahat ng sinukat ni Caith at nasabi niyang komportable siya at maganda ay hindi na ito pinabalik ni Rafael. Of couse kukunin nila lahat ng kanyang magugustuhan, at dahil hindi mahilig si Caith sa damit kaya si Rafael na ang bahalang namili. Ang gusto nito ay sapin sa paa, so she ended up with tons of shoes, sandals, flats at iba pang nagpapangiti sa kanya.
Ang buong akala ni Caith at sukat galor lang siya, total chance na niya itong masukat ang mga yun kaya sinagad na niya. Hanggang sa napadpad ang kanyang paningin sa mga bag, lahat ng mapupusuan niya ay nahawakan rin niya ang mga yun. Kahit hawak lang ay sapat na, napangiti siya sa kanyang isipan. Ang hindi niya alam ay nakasunod pala ang paningin ni Rafael sa lahat ng kanyang ginagawa, lahat na nakita niyang masaya si Faith sa nahawakan ay pinakuha na niya.
Ang hindi lang nila inaasahan ang pagdating ng mag-inang Jessica at Anabelle, kasalukuyang hawak ni Caith ang isang bag ang sabi ng clerk ay yun daw ang huli nilang dating. Nasa unahan naman si Rafael dahil may sinagot itong tawag kaya hindi nito namalayan ang pagdating ng mga yun.
¨at sino itong napadpad dito?¨ maarting saad ni Jessica na ngayun ay nasa harapan na ni Caith katabi nito ang ina.
¨Caith, anong ginagawa mo dito? bakit mo hawak yan? alam mo ang nakakabuti sayu kaya isuli mo yan. Kahit linisin mo ang buong lugar na ito ay hindi mo kayang mabayaran ang hawak mo ngayun.¨ Pang-iinsultung ani namang ni Anaballe, naiinis siya dito, dahil hindi man lang makitaan ng pagka gulat sa kanyang ginawa. Bagkos ay napaka kalmado pa nito at parang walang narinig.
¨Miss alam nyu bang hindi kayang bayaran ng babaeng ito ang mga paninda niyu?, nagsasayang lang kayu ng oras at panahon. Baka nga madapuan pa ng lansang isda ang mga hinahawakan niya.¨ Nangunot lang ang mga noo sa clerk na ngayun ay nakitingin sa kanila. Dahil alam naman nila na hindi ganon ang kanilang nakikita sa mga pinagsasabi ng bagong dating. Alam nilang mayaman ang mga ito pero hindi rin naman nila nakitaan ng kabawasan sa unang client, sa totoo lang mas mayaman tingnan ang nauna. Maganda ang ugali at hindi rin nagmamayabang at simpre hindi sila tinatarayan.
Dahil napuno na rin si Caith sa mga ito kaya mas pinili nalang niyang manahimik at nawalan narin siya ng ganang mamili pa, alam niyang umalis si Rafael dahil may importanting tawag itong sinagot at ayaw niyang makita nito ang ganitong klasing tagpo sa kanyang pamilya.
Pinili nalang niyang lampasan ang mag-ina at pumunta sa counter kung may napili bang gustong bilhin si Rafael ay kukunin na niya upang makaalis na doon. Pero sinong mag-aakalang sinundan pa siya ng mga ito kahit doon, alam niyang nais lang siyang ipahiya at hindi niya ito pagbibigyan ng pagkakataon.