Nanlaki ang mata ni Caith sa daming item na pinili ni Rafael, sa pagkatanda niya ang lahat ng mga iyun ay nahawankan niya. Sinong mag-aakala na lahat ng mga iyun ay nasa counter na, kung kukunin pa niya lahat ay saan naman niya yun ilalagay sa condo?. Sa totoo lang ay hindi pa niya nalibot ang loob non, tanging kwarto niya kusina at sala palang ang kanyang naapakan. Kahit ang buong pangalan ni Rafael ay sa mga tauhan nalang nito nalaman.
¨Ma´am, ito napo lahat ang inyung napili, may nais po ba kayung idagdag?¨ tanong ng cashier kay Caith ng makaharap ito. Hindi paman naka pagsalita si Caith ng biglang nagtawanan ang mag-ina sa kanyang likuran. Yung klase ng tawa na nang-aasar at parang nakakita ng palabas dahil sa halos hindi na ito makapagsalita at naluluha pa.
¨Are you kidding me? at naniniwala pa talaga kayu sa kanya na kaya niyang bilhin yan lahat!¨ Tawang- tawa paring ani ni Jessica sa mga ito.
Walang panahon si Caith sa palabas ng mag-ina, tinanong nalang niya ang mga clerk kung poyde edeliver nalang ang mga item niya. Dahil doon ay pinasimulan na niyang ipawrap ang lahat ng bibilhin, ayaw niyang magyabang sa mag-ina pero hindi naman niya poyding iwan doon ang lahat ng item na personal pang pinili ni Rafael. Kahit yung mga nagustuhan niya ay marahil gusto rin ng huli kung bakit niya iyun pinasali. Kung nandito si Rafael ay kukurin rin naman nito ang lahat ng iyun, kaya walang kaibahan sa kanyang ginagawa ngayun.
Nanlaki at namilog ang mga mata ng mag-ina dahil sa nakitang ginawa ni Caith. ¨Nababaliw kana? bakit mo kukunin yan lahat? San ka hihingi ng pambayad sa ama mo?. Ngayun palang sasabihin ko sayu Caith na kahit may mana na nakalaan sayu ay wala kang karapatang gamitin ang mga yun!.¨ Nanlalasik na ani ni Anabelle, kahit si Jessica ay naka awang lang ang bibig dahil sa ginawa ni Caith.
Parang mga sirang aparato ang dalawa dahil sa walang hintong pagbuka ng mga bibig nito hanggang sa natapos na lahat ng cashier ang mga item ni Caith. Hindi sila maka paniwala sa haba ng bill at sa dami ng sold items sa sahig nakalatag, hindi naman ito pinatong sa bawat isa ng mga clerk kaya umagaw ng malawak na espasyu sa shop.
Tiningnan ni Caith ang kanyang naging bill, halos lumuwa ang kanyang mga mata sa laki nito, madali naman siyang naka recover sa pagkagulat. Buong buhay niya yun palang siya nakakita ng ganong bill, nagtatalo ang kanyang isipan kung kukunin paba niya yun. Pero kung hindi ay si Rafael nanaman ang kukuha non, ibig bang sabihin yung mga binili nito kanina ay nasa ganito rin kalaki ang nabayaran?. Kahit na magpakasal siya dito bukas ay hindi niya ata mababayaran ang buong halaga nito sa buong buhay niya.
¨Oh ana na ngayun?¨ boses ni Jessica ng mapansin nitong nakatingin lang si Caith sa mahabang bill na hawak nito ngayun.
Kalmado namang binuksan ni Caith ang dalang bag at binunot doon ang kanyang wallet at inabot sa cashier ang card. Napag alaman niya kanina na walang limit yun, base narin sa bilin ni Rafael sa kanya kahit ilang villa pa ang gusto niya ay kaya daw nitong bilhin sa hawak na card. Hindi rin daw siya mag-alinlangan dahil para talaga yun sa kanya na iniwan ng kanyang ina.
Ang mag-inang Jessica at Anabelle ay naghihitay na mapahiya si Caith sa harap ng maraming tao, kaya naka tuon ang kanilang pansin sa cashier habang inabot nito ang card ni Caith dahil alam nilang naka froze ang account nito at kahit hindi pa ay alam nila ang laman noon.
¨Your total amount of purchase Ma´am is P68,120,000.00¨ saad nito bago hinarap ang card at ginawa ang bayad. Hindi nagtagal at muli itong nagsalita at binalik kay Caith ang hawak na card. ¨ Ma´am, please fill this form for delivery details, thank you!.¨ Binalik ni Caith ang card at tahimik na binalik din dito ang form na tapos na niyang malagyan sa detail na kailangan nito.
¨What´s going on?¨ hindi makapaniwalang saad ni Anabelle, paano nangyari ang kanilang nakita. Pero bago pa sila makabawi ay wala na doon si Caith at naka alis na ito kani-kanila lang. Sa totoo lang ay binilisan ni Caith ang galaw upang maiwasan ang dalawa at makalayu sa mga ito.
¨Miss... totoo bang nabayaran niya lahat ng ito at ganon kalaking halaga?¨ panigurong tanong ni Jessica sa isa sa mga staff doon na nag-aayos sa mga binili ni Caith. Sa tanang buhay niya kahit pagsama- samahin pa lahat ng laman ng kanyang closet ay hindi aabot sa ganon ka mahal. Kahit gulat at mangha ang kanyang ina ay madali siya nitong hinila palabas, nais nitong puntahan ang asawa at maliwanagan sa lahat ng mga nangayayari.
Isa lang ang rason kung bakit nagawa yun lahat ni Caith, nakuha na nito ang manang iniwan ng kanyang ina. Pero paano nangyari yun? ang pagkaalam niya nakalaan yun sa bayarin ng kumpanya sa bangko. Ang mag-ina ay tahimik lang sa kanilang daan papunta sa kanilang tahanan, bawat isa sa kanila ay iba´t- iba ang nilalaman ng kanilang isipan. Isa lang ang sigurado sila, yun ay hindi sila naniniwala na si Marvin ang nagbigay kay Caith ng ganong halaga, baka nga ay walang ganong kalaking halaga ito.
******
Nagulat si Rafael sa text ni Caith na hihintayin nalang siya nito sa baba, hindi naman siya malayu sa shop kung saan niya iniwan si Caith. Bakit nasa baba na ito ngayun? hindi nalang niya pinansin ang posibilidad at winaglit nalang sa isipan na baka may nangyari sa kanyang pagtalikod. Siguro napagod na ito or nagutom kaya naging malaki nalang ang kanyang hakbang papaunta sa kinaruruunan nito, pero tinawagan parin niya ang tauhan upang masuguro na safe ito basta hindi sila magkasama. Laking gulat niya ng napag-alaman ang nangyari, pero gumuhit rin ang ngiti sa kanyang labi dahil sa naging maayus na paghawak ni Caith sa sitwasyun.
Hindi mapigilan ni Rafael ang mapangiti, alam naman niyang matagal na niya itong iniibig at natutuwa siya dahil dahan-dahan na itong bumabalik sa dating Faith na kilala niya. Ganon paman ay hindi ibig sabihin na palalampasin niya ang nangyari, kaya pinasundan niya ang mga ito sa sariling tauhan, nais narin niyang pasukan ang kumpanya ng mga ito. Kung tutuusin ay kaya niya itong patumbahin ang mga yun, pero ayaw naman niyang pangunahan si Faith, kung hihilingin nito na siya ang gagawa ay mas gugustuhin niya yun. Ayaw niyang mamantyahan ang mga kamay nito, pero kung ito mismo ang gagawa ay willing naman siyang iabot dito ang nais.
Naging mabilis ang hakbang ng mag-ina ng makarating ang mga ito sa kanilang tahanan at naabutan nila si Marvin na nakaupo sa sofa at nanunuud ng balita, naging laman rin kasi sa pahayagan ang nangyaring pagcancel ng kasal. Ginawa nila ang makakaya upang hindi ito lalabas sa publiko, pero naiulat parin at hindi nga napahayag ang nangyari sa loob ng araw na iyun. Ang lumabas lang ay ang pagkansela at ang pagsugod ni Carol sa hospital kasama ang buong pamilya ni Joshua.
Ang balita ay nakatuon ngayun sa buong pangyayari sa hospital, kahit ang nangyaring pagsugod at ang pagsigaw ni Joshua ng tulong ay nakunan pa. Dahil dito ay mahihirapan na silang ituloy ang kasal ng dalawa, pero nakausap na niya ang ama ni Joshua. ang naging desisyun nila ay ikakasal ang dalawa sa huwis, sa ganong paran ay hindi na nila kailangan e deal ang publiko.
¨oh., nandito na kayu?kala ko ba matatagalan kayu at sa labas na kakain?¨
¨Dad! sabihin mo nga sa amin ang totoo tungkol sa mana ni Caith!¨ matigas na asik ni Jessica sa ama.
¨Jessica, ano nanaman ba ito!?.¨
Hinawakan ni Anabelle ang anak upang umupo ito at kumalma, ito mismo ang nagpaalis sa mga katulong nila na nandoon. After all ayaw nilang may makarinig sa kanilang mga pag-uusapan. ¨Marvin.., nagkita kami ni Caith sa mall bago kami umuwi dito, ang totoo niyan ay nandoon kami ng bumili siya ng maraming gamit isa sa pinaka mahal na brand sa mall na yun. Umabot ng 68+M ang kanyang naging bill, nais lang namin malinawan kung saan galing ang kanyang pera, kung nakuha naba niya ang kanyang mana ng hindi namin nalalaman.¨
¨Ano kamo?!" awang ang bibig ni Marvin sa narinig. ¨totoo ba ang inyung sinasabi ngayun? nagplano palang kami na ikasal si Caith sa huwis ng lihim dahil kailangan na ng kumpanya ang pera ngayun. At imposibling makuha niya ang kanyang mana ng hindi pa naikasal, kahit ganon paman ay kahapon lang na cancel ang kanyang kasal at hindi naman niya magawang magpakasal agad ngayun.¨
¨Kung ganon dad, e saan galing ang kanyang pera?¨
¨Napag-alaman ko na yung lalaking sinamahan ni Caith kagabi ang totoong may-ari ng RL Corporation, nakita nila na pumunta doon si Caith kanina. Malamang ay sa kanya ang perang ginagamit ni Caith na nakita nyu.¨
¨No way Dad!!!¨"sigaw ni Jessica, ¨gawan nyu ng paraan na maikasal agad si Caith at kuya Joshua, at tutulungan mo akong mapalakasalan ang lalaking yun. Sa ganong paraan ay mas aangat parin ako kay Caith.¨