Araw ng linggo at late na ng magising si Rafael, ugali niyang gawin ito tuwing linggo. Pero hindi paman siya lubusang nagising ng may narinig siyang kumakatok sa kanyang silid. Alam niyang hindi yun gagawin ni Nanay Sol lalo na si Faith, may kutob na siya na ang kanyang magaling na kaibigan ang may gawa, gustuhin man niyang matulog pa pero inaalala rin niya na baka magising nito si Faith sa lakas ba naman kung makakatuk.
Napatayu nalang siya at hinarap ang taong nangdisturbo sa kanya sa araw na ito, tanging boxer shorts lang ang kanyang suot. ¨Make sure its life and death or alse you will dig your own gr***.¨ bungad ni Rafael sa kanyang kaibigan ng mabuksan niya ito.
¨Ayusin mo ang iyung sarili at may pag-uusapan tayu, hihintayin ka namin sa dining¨ saad nito bago tumalikod.
¨Wait!, sinong kasama at bakit kailangan na dito pa?, hindi ba yan poyde ipagbukas?¨
¨poyde naman kung gusto mong mapunta sa iba ang mahal mo.¨
¨anong ibig mong sabihin?¨
¨Bilisan mo kung gusto mong malaman ang pinunta ko dito, isipin mo rin na wala akong oras sa lahat ng issue mo.¨
Hindi nalang nagsalita pa si Rafael at tinahak nalang niya ang banyo, alam niyang seryuso ito dahil hindi siya pag-aksayahan ng panahon na sadyain dito. At kung ibang bagay ito ay poyde naman siyang tawagan, marahil involve si Faith dito kaya mas piniling kausapin siya.
Si Caith ang nagbukas kay Arnold Baron, gulat man siya kung bakit ito nagpunta ng ganoon ka aga. Pero pinapasok nalang niya ito dahil nabanggit naman ni Rafael na kaibigan nito ang huli. Nakilala niya ito ng minsan na niya ito makausap tungkol sa kasal sana nila ng dating fiance. Hindi naman ito umupo sa sala matapos magtanong kay Rafael, dumiretso ito sa silid ng binata. Nais man niyang pigilan sana ito at sabihing tulog pa, pero minabuti nalang niyang pabayaan ang mga ito. Dumiretso nalang siya sa kusina upang ipagpatuloy ang ginagawa, tuwing araw ng linggo ay wala si Nanay Sol dahil uuwi ito sa kanyang pamilya.
Tapos ng lutuin ni Caith ang kanilang almusal pero busy parin siya sa kusina dahil nagpapakulo siya ng karne para sa kanilang tanghalian. Hindi niya alam ang pangalan ng kanyang niluluto, karne ito ng baka yung malaman. Plano niyang palambutin ito at pakukuluan ng ilang oras bago ibabad sa mga seasoning saka ilagay sa oven, veges nalang ang iparis niya dito at mash potato total wala namang pasok si Rafael kaya mas minabuting ipaghanda niya nalang ito.
Napalingon si Caith ng makita ang dalawang lalaki na hinila ang upuan magbreakfast, pinagpatuloy nalang niya ang ginagawa dahil patapos narin siya at nililgpit nalang ang mga kalat at mamaya nalang niya gagawin ang iba kapag malapit na ang tanghalian. ¨Faith, anong gusto mo sa kape?¨ rinig niyang tanong ni Rafael at naka tayu na pala ito sa counter upang gumawa ng kape. ¨Black please at walang sugar, thank you.¨ Napatango nalang si Rafeal at tinuloy ang ginagawa.
Napangiti si Caith dahil ito yung gusto niyang buhay, normal at relax lang. Umupo narin siya matapos ang ginagawa at nakita niya ang kaping ginawa ni Rafael para sa kanya, pero hindi pa ito umupo instead binuksan nito ang kanyang sinalang sa apoy.
¨Kung kailangan mo ng tulong mamaya ay sabihan mo ako, hindi naman ako aalis basta linggo¨ saad ni Rafael kay Faith ng makabalik sa kanyang upuan. Hindi pa sila nangalahati sa kanilang kinakain ng magsalita ang kaibigan nito.
¨Tinawagan ako kagabi ni Mr. Morente, kaya ako nagpunta ngayun.¨ panimula nito bago muling sumubo.
Nabaling ang mukha ni Caith, hindi man niya nagawang magtanong ng muli itong magsalita. ¨Nais niyang ikasal ko kayung dalawa ni Mr. Joshua Valdez bukas at sang-ayun ang side sa both family niyu. Itutuloy nila ito with or without you.¨ Baling ni Arnold sa gawi ni Caith.
Hindi naman nagsalita si Rafael nais niyang malaman ang nais ni Faith or kung ano ang mapag-usapan ng dalawa. Alam rin niya na binibigyan ng kaibigan si Faith ng option dito.
¨Kailangan pa nila ng mga requirements bago yun magagawa diba?¨
¨Yes and no....¨
Nangunot ang noo ni Caith sa narinig, ¨bakit anong ibig mong sabihin?¨
¨Nakuha niyu na ang lahat ng kailangan at hawak nilang lahat ng yun. Kung hindi lang nangyari ang lahat the other night ay marahil kasal kana ngayun.¨
¨May paraan ba para mapigilan ko sila?¨
¨Kahit na hindi ako sasang-ayun ay poyde sila kumuha ng iba¨
Mahabang katahimikan ang namuo sa loob ng silid bagi nagsalitang muli si Arnold. ¨to avoid that ay poyde kayung magpakasal na dalawa, suggestion lang itong akin dahil kung tatanggi ako sa kanilang kagustuhan bukas ay makakakuha naman sila ng ipapalit sa akin, much more dahil kumpleto ang hawak nilang dokumento na kailangan.¨
Kalmado lang si Rafael na nakatitig kay Faith, habang ito ay tulalang nakatuon ang paningin sa pagkain sa harapan nito. Ayaw naman niyang makasal ito ng sapilitan, kung ayaw talaga nito ay matutulungan naman niya ito sa ibang paraan. Pero iba ang paraan ng kaibigan, poyde naman nilang pigilang ang nais gawin ng pamilya ni Caith.
¨Alam kung poyde silang pigilan kapag ayaw ko, pero hindi naman sila titigil at mahirap na kung makalusot sila. Walang divorce dito at anytime na makakuha sila ng marriage certificate sa akin ay makukuha na ang mamanahin ko.¨
Napatangu si Arnold sa sinabi ni Caith, ¨gaano ba kalaki ang mana mo at ganon nalang sila ka desididong mapakasal kana?.¨
¨Base sa sitwasyun ng kumpanya ay halos wala na akong makukuha doon, nanahimik lang ako pero alam kung palubog na ito. Nakalakip doon sa mana ko ay hindi lang share sa kumpanya, kundi may malaking halagang naiwan sa bangko na nakalakip doon. Billions to be exact if the company is doing well, o kahit na palugi ito ay malaki parin ang makukuha ko sa bank alone, few hundreds of million.¨
¨Hindi nakapagtaka kung bakit ganon nalang sila na desidedong ipakasal ka.¨
¨So..., magagawan muba ng paraan na makasal kami agad?¨
¨You mean kayung dalawa?¨ palipat-lipat ang tingin nito sa dalawang taong kaharap.
¨Yes!¨ siguradong sagot ni Caith dito.
¨Kahit gawin nating double ay poyde, dala kuna ang kailangan niyu at kung gusto mupa ay tatawagan ko ang aking kaibigan na pare upang makasal pa kayu sa simbahan.¨
¨good! gawin na natin ngayun at tawagan mo rin ang yung kaibigan, bukas na bukas ay magpapakasal kami sa simbahan. Kukunin naming witness ang assistant ni Rafael at si Nanay Sol, I think that´s enough.¨ Pagkatapos niyang sabihin yun ay saka lang siya lumingon kay Rafael. ¨Okey lang ba sayu?¨
¨Hmm...¨ tango nito, ¨may iba pa akong kakilala kung kailangan pa ng ibang tao¨
¨Perfect! after natin gawin ang kailangan ni Mr. Baron ay aalis tayu at maghahanap ng maisusuot bukas.¨
¨Pero Faith.... kung bukas agad ay magiging simple lang ang magiging kasal¨ may pag-alalang ani ni Rafael dito, gusto niya sana ibigay dito ang pinaka magandang kasal.
¨It´s okey.... makakasalan nalang kita ulit¨.
Napailing nalang si Arnold sa kanyang naririnig, base sa kanyang pagkakilala kay Caith ay hindi ganito. Parang nagkapalit ang ugali ng dalawang kaharap, si Rafael ngayun ang tahimik at sunod-sunuran kay Caith. Habang ang huli ngayun ang gumagawa ng plano at desisyun na sa kanyang pagkakaalala ugali ito ni Rafael.
Hindi rin naman nagtagal at natapos na nilang permahan ang dapat at ngayun ay legal na silang mag-asawa, ¨Ako na ang bahala sa mga ito, tatawagan ko nalng kayu tungkol sa magiging kasal nyu bukas.¨ Tumayo na si Arnold ng magsalita si Rafael.
¨Gawan mo ng paraan bukas¨ Kahit yun lang ang sinabi ni Rafael ay alam nito ang ibig sabihin, nais nito na mabigyan ng maayus at magandang kasal si Caith kahit sa maikling panahon. Well hindi naman mahirap basta may pera at tauhan, tango lang ang naging sagot ni Arnold, kahit siya ay gusto rin yun gawin dahil malaki ang pasasalamat niya sa ina ni Caith kahit wala na ito nong panahon na nakatanggap siya ng tulong. Malinaw na sinabi ni Rafael noon na ang tulong na yun ay galing sa pera ni Tita Desiree, at ang nais lang nito ay tulungan siyang protektahan ang dalaga.
Pinagtulungan nilang dalawa ligpitin ang pinagkainan at binabad muna ni Caith ang niluto kanina bago sila umalis. Dumiretso sila sa isang bridal shop at sinabay narin nila ang pagkuha ng mga larawan. Walang hindi kayang gawin ang pera at bago pa sila makalabas ay nakuha na nila ang lahat ng kailangan. Sunod nilang pinuntahan ang hotel, kung saan doon gaganapin ang reception. Natawagan na ito ni Rafael kanina ng nasa bahay pa sila kaya ng dumating sila doon ay may nakita na silang gawa ng mga ito. Napangiti nalang si Caith dahil sa bilis ng mga pangyayari.
¨Bakit?¨ tanong ni Rafael dito.
¨Tayu-tayu lang naman bukas bakit nag-aksaya kapa sa ganito kalaking venue.?¨
¨Naniniguro lang ako, baka magdala ng maraming kaibigan sina Arnold at Anton. Narinig kong dadalo rin ang pamilya nila Nanay Sol, iniimbitahan ko rin ang mga tauhan natin at ang kanilang mga pamilya. Ok lang ba yun sayu?¨
¨Salamat.,¨ nakangiting saad ni Caith dito, ngayun lang talaga siya nakaramdam ng kalayaan, yung tipong hindi siya nagbibilang sa kanyang mga galaw at gagawin.
¨Hon, guto mubang lumipat after sa kasal natin?¨ tanong ni Rafael dito..
Nakatulalang tingin lang ang ginawa ni Caith dito, pakurap-kurap ang kayang mata na may magabang pilik mata. Parang nanigas siya sa kanyang kinatayuan dahil sa narinig.
¨Are you okey?¨
¨Rafael wag mo naman akong ginugulat, kung maka hon ka ay parang totoo, at nais kong ipaalala sayu na hindi after dahil kasal na tayu kanina pa.¨ nakangiting paalala niya dito.
¨Kaya nga honey na ang tawag ko sayu dahil asawa na kita, or gusto mong palitan ko?, how about my lady?¨ saad nito na may mapang-akit na tingin.