Naging komportable naman si Caith na kasama si Rafael, kahit na asawa na siya nito ay hinahayan parin siyang manatili sa kanyang silid. Sa totoo lang ay handa naman si Caith kung sakaling gawin yun ni Rafael, aaminin na niya kahit sa ilang araw palang niya ito nakasama ay iba ang dating nito sa kanya. Kahit nong unang beses niya itong makita ay may ibang dulot sa kanya ang lalaki, hindi niya aalukin ito basta-basta ng kasal kung wala siyang atraksyun na nadama dito.
Kinabukasan ay nadatnan niya si Rafael sa kusina at ito mismo ang naghanda ng kanilang agahan, ¨good morning! nasaan si Nanay Sol at ikaw ang nandiyan?¨
¨Kasal natin ngayun kaya marami ang kanyang ginagawa sa kanila dahil isasama niya mamaya ang kanyang pamilya.¨
Napatango nalang si Caith sa sinabi ni Rafael, nilapag naman nito sa kanyang harapan ang mainit na kape. ¨Hindi ko alam kung ano ang gusto mong kainin sa umaga, napansin ko kahapon ay kape lang at isang slice ng bread. Pero gumawa parin ako ng nakagawiang agahan.¨
¨wag kang mag-alala sa breakfast ko, kape lang ay solve na ang aking umaga.¨
¨halos magkapariha tayu, pero dahil hindi pa kita lubusang kilala kaya ginawa ko ang mga ito, ganito rin naman ang ginawa mo kahapon.¨
¨same reason ang nangyari kahapon, nasanay na akong maghanda ng ganitong pagkain sa amin dahil ito ang gusto ng mga kasama ko sa bahay.¨
¨Faith., nahihirapan kaba sa mga panahong kasama mo sila?¨ may lungkot ang mga mata ni Rafael habang naka tuon iyun kay Caith.
¨Siguro... pero nasanay na ako, alam mo dati ang nasa isip ko lang ay makakawala din ako pagkatapos kung mag-aral at maikasal.¨ nag-angat pa ito ng balikat pagkatapos yun banggitin.
¨Nga pala.... tumawag si Arnold 3pm ang magiging kasal natin, may gusto kabang idagdag¨ pag-iiba ng topic ni Rafael dahil ayaw niyang maging malungkot ang umaga ni Faith at sa araw ng kanilang kasal.
¨Wala naman, kung naging maayus ang lahat ay ok na sa akin.¨
¨How about after sa kasal may gusto kabang puntahan? poyde tayung magbakasyun muna kahit saan upang makahinga muna sa lahat ng mga nangyayari. At sigurado akong hahanapin ka ng pamilya mo sa oras na maikasal kana, poyde naman nila kunin ang iyung mana kahit kanino kapa makasal.¨
Sa sinabi ni Rafael ay napaisip si Caith, totoo ang mga sinasabi nito, pero marami pa siyang dapat gawin tungkol sa totoong nangyari sa kanya. Dahil sa malaking porhesyu rin ang kanyang dinulot dito ay maigi sigurong magpahinga nga muna sila. Kahit naman ngayun siya gagalaw ay wala parin naman siyang alam kung saan magsimula. ¨Alright, gagawin natin yan...¨
¨So saan mo gustong pumunta? abroad? tavel? beach? resort or somewhere elase?¨
¨Sa bundok siguro, para refreshing¨ mahinang saad ni Caith kay Rafael, ¨kahit dito lang sa luzon siguro makakahanap tayu.¨
¨Sure thing, dahil late na matatapos ang kasal natin mamaya ok lang ba sayu kung bukas nalang tayu aalis?¨
¨Hmmm... wala problema sa akin, how about you? pupunta kapa ng opisina?¨
¨oo, may aayusin lang ako sa ating pag-alis at babalik rin agad at sabay tayu maglunch bago tumungo sa salon.¨
Ilang minuto na ang lumipas ng makalabas si Rafael sa condo, nanatiling nakaupo parin si Caith sa sofa at iniisip kung ano ang kanyang gagawin after ng kasal nila. Sa ngayun ay gulong-gulo parin ang kanyang isipan, pero kahit anong gawin niya ay wala siyang maalala.
Hindi naman niya basta nalang kakalabanin ang ama kahit magawa man niyang kunin ang mana, wala siyang karanasan dahil umiikot ang kanyang mundo sa kanila. Ayaw naman niyang maging pabigat kay Rafael, nais niyang matoto at gagamitin ang perang iniwan ng kanyang ina. Hindi naman niya poyding gastahin nalang ito kahit gaano pa ito kalaki, hindi poyding mapunta sa wala ang lahat ng pinaghirapan ng kanyang ina at lolo.
Paano siya magsisimula? napaisip si Caith na baka poyding magtrabaho sa company ni Rafael kahit assistant/ secretary dito. Kahit walang sahod ang nais lang niyang matoto dahil wala siyang alam sa labas, siguro naman kakayanin niya yun bilang panimula dahil nakapagtapos naman siya. Wala lang talaga siya experience sa ibang bagay maliban sa pagpapatakbo sa bahay ng kanyang ama.
******
Samantala sa pagdating ni Rafael sa tapat ng kanyang kumpanya ay parang may napansin siyang kakaiba, diretso lang ang naging hakbang papunta sa elevator ng marinig niya ang mga yapag ng sapatos na parang may hinahabol. Napalingon siya sa kanyang likuran at nakita nga niya ang isa sa receptionist na parang siya ang hinahabol nito.
¨Wait Mr. Alfonzo, may naghihintay po sa inyu¨
Napakunot ang kanyang noo dahil malinaw ang bilin niya kay Anton na cancel lahat ng kanyang appointments. Kararating lang niya kaya sino naman ang posibling makipagkita sa kanya. ¨Sino? wala bang binilin si Mr.Jesus sa inyu?¨
¨E sir ang sabi nila sa akin ay importanting tao daw sila sa inyu.¨
¨Alright.... samahan mo sila sa taas at 5mins. lang ang ibibigay ko sa kanila, at isa pa wala kanang tatanggapin hanggat wala akong sinasabi.¨
¨Yes Sir!¨
Pagpasuk ni Rafael sa elevator ay may hinala na siya kung sino ang posibling panauhin, siguro ay si Faith ang kanilang pakay pero hindi lang nila ito mahagilap. Gaya ng sinabi ni Arnold ay marahil kailangan ng mga ito si Faith kung sakalaing nais nilang makuha ang mana.
Tatlong katok ang ginawa ng isa sa mga assistant ni Anton dahil kasama nito ngayun ang Morente family, kahit binilin ni Anton dito kanina na walang kakausapin ang kanilang boss ay pinili niyang dalhin ng mga yun ayun sa baba ay nagbilin ng permiso ang kanilang boss.
¨Boss, may gusto pong makipag-usap sa inyu, sila yung pinagbilin nyu sa baba¨ tuluyan na ngang pumasok ang mag-asawa at si Jessica pagkatapos niluwagan ng secretary ang pinto.
¨Si Anton nasaan?¨ tanong ni Rafael dito
¨Boss, sabi niya ay may kailangan siyang tatapusin ngayun para mamaya, pinagbilin na niya sa akin ang gagawin ngayung araw.¨
¨You may go now¨ alam ni Rafael ang pinagkaabalahan ni Anton, marahil sa simbahan ang naging lakad nito. ¨Mr. & Mrs.Morente, Miss Morente... anong meron at napaaga ang inyung pagdalaw sa akin.?¨ Pero bago paman tumayu si Rafael sa upuan upang lumipat ito ng malapitan sa tatlo ay tumawag siya ng magdala ng kanilang maiinum.
¨Mr. Alfonzo, hindi ko inaasahan na ikaw nga ang nasa likod ng ganito kalaking kumpanya. Pumunta lang kami dito upang pag-usapan sana ang mga ginawa ng aking anak sa nakaraang gabi, at sa malaking halaga na ginamit niya kahapon. Alam kong marami akong pagkukulang sa kanya pero hindi ko inaasahan na aabusuhin niya ang yung kabaitan.¨
Saglit muna silang nahinto ng may pumasok at nagdala ng kanilang maiinum, napangiti nga si Rafael sa kanyang narinig. ¨Parang nagkakamali ho kayu, wala ginamit na pera si Faith, kung meron sana ay ikatutuwa ko pa.¨
¨Hmmm... marahil ay hindi nyu pa napansin, pero nakita ng aking mag-ina ang kanyang pagbayad sa mall nong sabado at ilang milyon ang halaga ng kanyang mga binili.¨
¨Magkasama kami sa mall nong sabado, at may madalian akong ginawa kaya naiwan ko muna siya. About naman sa kanyang mga binili ay aware naman ako sa lahat ng iyun pero lilinawin ko lang sa inyu na hindi ko pera ang kanyang ginamit. May sariling pera si Faith ay yun ay wala ako sa posisyun upang sabihin pa ang ibang detalye tungkol doon.¨
¨Mr. Alfonzo, alam kong marami kang ginagawa nais ko sanang sabihin na ikakasal na si Caith kay Joshua Valdez. Nais lang namin siyang maiuwi ngayun sa bahay upang pag-uusapan ang mga nangyari. Kung sakaling gusto mo na mag-asawa ay nandito ngayun ang aking anak, si Jessica at makasing edad lang naman sila ni Caith. Poyde kung gawan ng paraan upang siya ang papalit kay Caith na maging asawa mo.¨
¨Bakit nyu ikakasal si Faith sa lalaking iyun na malinaw naman ang kanilang pagkansela sa kanilang kasal. Kahit sa mga pahayagan ay laman ang balitang yun.¨
¨Hindi naman kasi ganon yun kadali, naintindihan namin na naging emosyunal lang si Caith sa kanyang naging desisyun sa araw na yun. Pero ito kasi ang bilin ng kanyang yumaong ina tungkol sa kanyang kasal.¨
¨Ganon ba? bakit iba ang sinasabi ng mga naging alaala ni Faith?¨
Mangha at gulat ang mag-asawang Morente sa kanilang narinig, ¨imposible ang yung mga sinasabi, nawalan na ng alaala si Caith at malabong babalik ang mga yun.¨ Ang tanging naging saad ni Marvin dahil sa kanyang narinig, kung totoong naalala na ni Caith ang lahat ay malaki ang posibilidad na hanapin nito ang lalaking pinag-iwanan sa kanyang ina. Ang kanyang pagkakaalam ay nasa ibang bansa ito at doon pinapaaral ni Desiree. Kung ganon ay alam na nito na hindi si Joshua ang lalaking nakalan sa kanya, kailangan na nilang gawin ang plano bago pa sila maunahan ni Caith.
¨Mr. Alfonzo, ang ibig mubang sabihin na ang perang ginagamit ni Caith ngayun ay parti ng kanyang nakaraan? I mean nakakuha siya ng pera dahil sa kanyang alaala at posibling may iniwan ang kanyang ina na pera?¨
¨Hindi ko alam, basta pumunta siya ng bangko nong sabado..... ibig sabihin hindi nyu pera ang ginamit niya pambili ng villa? akala ko naman regalo niyu yun sa kanya.¨ Mas lalung pinalalim ni Rafael ang sitwasyun, pinadala narin niya kay Faith ang CCTV footage ng kanyang opisina pati ang audio, marahil ay nakikinig ito ngayun. At base narin sa naging reaksyun ng mga mukha ng kaharap ay malaki ang mga ginagawa ng mga ito sa likod ni Faith.
Nagpupuyos ng galit ang mga mukha ng mga ito, malaking kawalan ang mangyayri kapag nagbalik ang alaala ni Caith. Kailangan nilang mapigilan ito ngayun, sigurado silang wala na silang makukuha sa mana nito kung ito´y magpakasal sa iba. Malamang ay hindi narin ito magpapakasal kay Joshua, at ang taong kaharap nila ngayun ang posibling magiging kapalit nito. Dapat nilang maunahan at matuloy ang palno nila ni Jessica.
¨Mabuti naman kung ganon¨ tanging bawing saad ni Anabelle. ¨Poyde ba namin malaman kung nasaan si Caith ngayun?¨
¨Wala akong alam kung saan siya ngayun pero poyde naman tawagan diba?¨
¨Ang totoo niyang Mr. Alfonzo ay naiwan ng kapatid ko ang kanyang phone sa hotel nong gabing yun. Kung sakaling may # ka sa kanya ay poyde naman kami nalang ang tatawag, pasensya na rin sa abala. Sa totoo niyan ilang gabi ng hindi nakakatug sila Daddy sa pag-aalala sa aking kapatid.¨ Mahinahung ani ni Jessica.
Tumango-tango lang si Rafael dito bilang pagsang-ayun, ¨Ang tanging alam ko lang ay nakabili siya ng villa, nagkataon din kasi na naghahanap ako ng matitirahan kaya pinagsabay na namin ang paghahanap. Buong araw kami magkasama nong Sabado, yun din siguro ang panahon na nakita nyu siya.¨
¨Poyde ba namin malaman kung saan ang villa na kanyang binili?¨ ang ama na ni Jessica ang nagsalita.
¨Herb Garden¨ tanging sagot ni Rafael, ito yung pinaka mahal na villa sa buong bansa. Ang kadalasang nakatira doon ay mga kilalang tao at billionaryu kung ituring. Kahit ang mga politiko ay hindi magawang makapasuk doon maliban nalang kung likas na mayaman ang kanilang angkan or kilalang mapera.
¨Sigurado ka ba diyan? Herb Garden?¨ gulat at mangha ang tanong nitong muli.
Tango lang ang naging sagot ni Rafael dito, ang totoo niyan ay doon talaga sila titira after ng kanilang honeymoon. Herb Garden ay pag-aari ng lolo ni Caith, hindi ito alam nila Marvin dahil direktang pinamana ng matanda kay Faith yun at hindi sa kanyang ina. Binilin ito ni Desiree kay Rafael noon dahil hindi maganda ang ugnayan ng sariling asawa at ng matanda. Ang plano ng villa ay idea rin ng lolo ni Caith, nabuksan na ito sa publiko bago paman nawala ang ina ni Faith.
Bawat residente doon ay may tig-sampong taon na kontrata, kung sakaling maayus ang kanilang record ay poyde na silang kumuha ulit ng 15years, bago pag-usapan ang ownership. Sinadya ito ng lolo ni Faith upang pagdating ng araw ay nasa tamang edad na ito. Mula ng nawala ang ina ni Faith ay wala ng nadagdag na residente doon, kaya nanatiling palaisipan ito sa mga taong nagnanais kumuha ng bahay doon. Ang dating nakatira naman doon ay pinapadala lang ang kanilang bayad yearly or quarterly, lahat naman ng concern nila ay naka email yun kay Rafael at siya na ang gumagawa ng paraan kahit nasa ibang bansa ito.
Saka nalang din niya sasabihin kay Faith ang tungkol dito paglipat nila, pero parang hindi yun mangyayari dahil sa tagpong ito ngayun. Ang nais lang ni Rafael na takutin ang mga panauhin, sa ganong paraan mahukay nila ang tinatago ng mga ito at paglaruan ang kanilang isipan katulad sa ginawa nila kay Faith.