Chapter 1
Alex's POV
Sumisipol ako habang nakapikit na nakikinig sa cellphone ko ng music ng biglang magsalita si Tatay berto
.
.
Ma'am nandito na po tayo. Sabi ni tatay Berto. Tumingin ako sa labas at nakita ko ang Apartment na tutuluyan ko, bahay ito pero pinaupahan na, sabi ng landlady may kasama ako dito. Simpleng bahay lang ito na dalawang palapag.
.
.
Ma'am sigurado kayo'ng dito kayo tutuloy? Marami pa naman pong iba jan na mas maganda at yung wala kang kasama. Dugtong pa ni tatay berto habang sumisilip sa labas
.
.
Hindi ako komportable sa mga mamahaling hotel mang berto. Mas malapit to sa bagong eskwelahan na papasukan ko, at saka ayos naman to ah, di ba Jim? sabi ko sabay haplos sa ulo ng alagang kong aso
.
.
Ibang klase talaga kayo ma'am, hindi kayo katulad ng iba na- pinutol ko na ang sasabihin niya dahil eto na naman siya sa papuri niya na nakakapagpatayo ng balahibo ko.
.
.
Ayan ka na naman kasi mang berto eh, ilang beses niyo na iyang sinasabi at saka di ba sabi ko Anak na lang ang itawag niyo sakin? Simula bata ako lagi ko na iyang sinasabi sa inyo pero kinakalimutan niyo, tatay tawag ko sa inyo pero kayo ma'am? Masyadong sosyal eh. Putol ko sa sasabihin na naman ni tatay berto. Wala pa lang ako dito sa mundo nagtatrabaho na si tatay berto sa mansiyon bilang driver at kasambahay naman si nanay lynda na asawa niya, sila na ang nagalaga sakin simula bata kaya malapit sila sakin. Hindi sila pinagpala ng anak dahil baog si tatay berto kaya sinabi ko noon na anak ang itawag nila sakin para naman mafeel nila na may anak sila. Matanda na sila, nasa kalagitnaan na sila ng kanilang buhay pero hindi pa rin sila nagreresign, ika nga nila paglilingkudan nila kami hanggang sa kahulihulian ng kanilang hininga. Tinulungan kasi sila ng magulang ko noong nabagyo ang tinitirhan nila wala namang hininging kapalit ang magulang ko pero nagtrabaho pa rin sila samin bilang kapalit man lang daw.
.
.
Haha! Paulit-ulit ko na ba iyang sinabi? Oh siya siya ilalabas ko na yang mga gamit mo ng makapagpahinga ka na. Sabi niya sabay labas ng sasakyan kaya lumabas na rin ako at sumunod naman si Jim sakin kayat hinawakan ko na ang tali nito para hindi makaalis, baka mawala pa eh.
.
.
Ako na lang po ang magpapasok ng mga yan tay, hayaan niyo na jan. Sabi ko kay tay berto, baka sumakit pa ang likod niya kapag siya ang magbubuhat, mabigat pa naman yun(;*_*)
.
.
O siya maiwan na kita, magingat ka ha? Iba na ang manila ngayon. Dumalaw ka rin sa mansiyon kung may oras ka at baka magtampo ang daddy mo. Tawagan mo na lang ako kapag may kailangan ka ha? Kabisado mo pa naman ang pasikot dito sa manila. Basta tumawag ka na lang. Mauna na ako. Paalala ni tay berto sakin bago umalis kayat pumasok na rin ako sa loob at nadatnan ko ang isang babaeng nakaupo sa sofa habang nanonood. Nang mapansin niya ako ay bigla siyang tumayo at lumapit sakin.
.
.
Waaaaah! Ikaw siguro si Sandy Alexa no? Woow! May kasama na ako! Hindi na ako mag-isa!\(^o^)/ sabi ng wirdong babae sa harap ko habang tumatalon at pumapalakpak. Hindi naman halatang sobrang saya niya ano. Napangiwi na lang ako sa iniasta niya, halatang isip bata, sabagay okay lang naman nagmatch naman ang mukha niya sa ugali niya eh.(;*_*)
.
,
Ako nga pala si Thania! Magiliw niyang sabi sabay lahad ng kamay niya kaya siyempre tinanggap ko, hindi naman ako bastos no.... Konti lang.
Oow! Hi puppy! Baling niya sa aso kong si Jim
.
.
Nice meeting you thania, hindi ko na sasabihin kung anong pangalan ko dahil alam mo naman na pero tawagin mo na lang akong Alex, ito nga pala si Jim alaga ko, pasensiya na kung sinama ko ayaw magpaiwan eh.... Saan ang room ko? Tanong ko na para hindi na humaba ang usapan.
.
.
Hahaha oo nga! Ah yung room mo pala ay nasa taas, dalawa lang ang room dito tigisa tayo ng banyo, dun ka sa kaliwa ako sa kanan. Kung gusto mong manuod baba ka na lang tapos tungkol naman sa kusina mago- grocery na lang tayo tapos hati tayo sa bayad. Mahabang paliwanag niya, ang alam ko isa lang ang tinanong ko ehㄟ( ・,・ )ㄏ
.
.
Aaah! O-kay. Punta muna ako sa taas magaayos lang ako ng mga gamit ko.
.
.
Ah sige tatawagan na lang kita kapag dinner na, ako na lang muna ang magluluto dahil bagong lipat ka pa lang naman. Sabi niya bago ako umakyat.
.
.
Pagdating ko sa kuwarto ko binitawan ko na ang tali ni Jim kaya tumakbo na ito at nahiga sa kama ko hindi naman marumi si Jim at saka talagang katabi ko na siya matulog noon pa man, ayos lang naman 'tong kuwarto hindi malawak at hindi rin masikip katamtaman lang. Hindi naman ako maarte eh, basta may matutulugan ayos na!
.
.
Inayos ko na ang mga gamit ko at umidlip lang sandali. Nagising ako dahil sa sunod sunod na pagkatok sa pinto.
.
.
*Tok! Tok! Tok! Tok! Tok! Tok!*
.
.
Sandy! Dinner na tayo! Nakaluto na ako! Ugh! Sandy? Ang girly! Ang sabi ko alex ah!
.
.
Susunod na lang ako. Sabi ko para matigil na siya kakasigaw niya, akala mo naman sobrang layo niya eh.
.
.
Bumangon na ako at kinuha yung dog food saka bumaba na, nakasunod lang naman sakin si Jim. Pagdating ko sa kusina nakita ko si Thania na nakaupo na pero hindi pa kumakain, nahiya naman ako dahil talagang hinintay niya pa ako. Bago ako umupo ay binigyan ko muna ng pagkain si Jim.
.
.
Ang dami mo naman yatang niluto eh dalawa lang naman tayo. Sabi ko bago nagsimulang kumain. Aba! Masarap ah!
.
.
Aah haha pangwelcome ko na sayo... Nga pala, saan ka magaaral? Bukas na ang pasukan ah. Natigilan ako sa sinabi niya. Saan nga ba ulit ako magaaral? Nakalimutan ko! Anu nga ulit yun? Aish!
.
.
Aahm, nakalimutan ko yung pangalan eh, basta yung malapit dito na school yun na yun. Sabi ko dahil nakalimutan ko talaga. Tatanungin ko na lang mamaya si daddy.
.
.
Hmm pinakamalit na school? Eh ang pinakamalapit dito na school eh yung... Waaahhhh!
.
.
Bakit? Tanong ko dahil para na siyang uuod na kiniikilig(**_*)
.
.
Sa Kingstone University!!! Dun ka rin?! Doon din ako magaaral! May kasabay na akong papasok! Ah oo dun nga sa kingstone, isang word na nga lang nakalimutan pa. Hindi man kapani paniwala pero galing akong US, doon ako unang nagaral. Hindi ko tinanggap pero pinadala pa rin nila ako dito, sa tingin ko pakana yun ni dad, gusto kasi nilang umuwi ako dito sa pinas eh. Di bale last year ko naman na dito, pero kapag bumalik na ako sa US magaaral pa ako ng isang taon. Pwede namang hindi na ako bumalik sa US kasi gagraduate naman na ako dito, ang kaso ayoko dito sa pilipinas.
.
.
Hmm! Doon nga, pero isang taon lang ako dito babalik rin ako ng US. Sabi ko
.
.
Ahhh! Ganun ba? Sabi niya na parang may bahid ng lungkot. Anong year ka na? Ako kasi first year college pa lang, HRM ang kukunin ko. Ah freshman pa pala ito eh.
.
.
Fourth year college na ako, Business Ad.
.
.
Woow! Masmatanda ka pala sakin? Edi dapat pala Ate Sandy ang itawag ko sayo. Sabi niya na parang ang lalim ng iniisip niya.
.
.
Ayoko ng first name ko masiyadong pambabae, Alex na lang. Ayoko talaga ng pangalan ko(-.-)
.
.
Ate Sandy na lang para ako lang ang tumatawag sayo ng ganun! Abat ang kulit nito ah. Pagkatapos naming kumain nagboluntaryo siyang siya na ang maghuhugas ng pinggan kaya umakyat na ako at dahil inaantok na ako, nakatulog na ako.
.
.
(~.~)zzZZ
.
.