CHAPTER 1
RONOHARY POV
“GOOD morning, Miss Ronohary! Rise and shine po!”
Napatingin ako sa aking personal maid na si Anita. Ilang taon na siya sa akin na naninilbihan, anak pa siya ng personal maid ni mom dati, wala na kasi siya dahil may katandaan na kaya siya ang pumalit para alagaan ako.
“Good morning din, Anita! Hindi ka talaga na—la—late ni—isang minuto, ano?”
Napangiti na lang siya at inilihis ang curtain sa windows ng room ko.
“Kilala ko na po kayo, Miss Ronohary. Simula noong seven years old kayo ay ako na ang personal maid ninyo... Hanggang ngayong nineteen years old na kayo,” malumanay na sabi niya sa akin.
Hindi ko napigilang mapangiti. Bumaba na rin ako sa kama at hinayaan iyon. Magagalit lang si Anita kapag inayos ko.
“Alam ko naman. Thanks for taking care of me, Anita,” sabi ko sa kanya at dumiretso na ako papunta sa bathroom.
May dalawang buwan pa akong class sa Maravilla University. Then after nuʼn ay graduate na ako.
Ako na rin ang mag—aasikaso sa business naming Laurella Bank and Love Clothing Shop. Wala naman na kasing ibang magha—handle roon, ako lamang.
Nag—iisang anak ako.
Kaya ang daming lumalapit sa aking mga lalaki, pero nag—iisa si Apollo sa puso ko.
Siya talaga ang tinitibok ng aking puso simula nang makilala ko siya.
When was that?
When I was six years old?
Not sure na ako.
Naligo na lang ako sa shower, maligamgam na tubig ang tumama sa katawan ko. Napapikit ako habang nasasarapan ako sa aking nararamdaman.
Hindi na rin ako nagtagal sa pagliligo ay agad na akong pumunta sa walk—in closet, kinuha ko ang aking uniform, sinuot ko na iyon. Naglagay rin ako ng light makeup sa aking mukha, at liptint naman.
Hindi pʼwedeng hindi ako maganda sa mata ng publiko lalo naʼt maraming mata ang nakatingin sa Laurella family.
“Hay!” I sighed again.
Hindi ko ba alam bakit target ang family namin, siguro dahil babae ako.
Baka akala nila ay hindi ko kayang i—handle amg dalawang business namin.
“Bakit ba nila pino—problema iyon? Ako naman dapat ang mamoblema! Dahil ako naman ang sasakit ng ulo at hindi sila,” inis na sabi ko habang nakantingin sa vanity mirror.
Inayos ko na rin ang buhok ko, kinulot Ko ng dulo nuʼn at saka ako naglagay ng spraynet para tumagal—tagal ang pagkakakulot ng aking buhok.
“Miss Ronohary, handa na po ang breakfast ninyo!”
Napangiti ako nang marinig ang boses ni Anita. “Iʼm done, Anita. Palabas na ako!” malakas kong sabi at lumakad na rin palabas ng walk—in closet ko.
Nakita ko siyang nakatingin sa akin ngayon. “Sobrang ganda ninyo talaga, Miss Ronohary. Nasa ibaba na rin po ang bag ninyo.”
“Anita, maganda ka rin, ano! May ipapakita po pala ako sa iyo once na matapos ko ang ginagawa ko... Paniguradong magugustuhan ninyo ang design ng mga iyon,” sabi ko sa kanya.
Tinignan niya ako. “Lahat naman ng designs and suggestions ninyo ay magaganda, Miss Ronohary. Kaya paniguradong marami na naman bibili ng design ninyo once na maging product na muli ang mga iyan,” sabi niya sa akin kaya ngumiti ako nang malaki sa kanya.
Lumakad na kami pababa sa living room at nakita ko ang ibang kasambahay na maagang naglilinis na.
“Good morning, Miss Ronohary!” bati nila sa akin kaya ngumiti ako.
“Good morning din po. Kumain na po ba kayo?” balik na tanong ko sa kanila at silang pagtango nila sa akin.
Lumakad na muli kami papunta sa dining hall at doon naamoy ko ang mabangong amoy ng pagkain.
Naupo na ako at maging si Anita. “Miss Ronohary, pʼwede naman po aking kumain mamaya—”
“Kumain na, Anita. Wala akong kasabay. Paniguradong maaga na naman umalis sina mom and dad kaya samahan mo na ako,” sabi ko sa kanya.
Nakita ko ang pag—aalinalangan sa kanyang mukha, pero wala na siyang nagawa kung ʼdi maupo na rin at nakisalo sa akin.
Habang kumakain ako ay umilaw ang aking phone, nakita ko ang pangalan ni Piper, ang best friend.
PIPER:
Iʼm on my way sa campus!
See you there!
Hindi ko napigilang mapangiti. “Napaka—early bird talaga ni Piper. Mana siya kay uncle Paul.” Hindi ko napigilang magsalita.
RONOHARY:
Okay, see you there, Piper!
Nagreply ako sa kanya at muling binaba ang phone.
“Ganoʼn nga po siguro, Miss Ronohary. Palagi rin pong maaga si Mr. Paul.” Tumango ako sa sinabi ni Anita.
Nang matapos kumain ay agad na rin akong lumabas, nakita ko si kuya Andrew na nag—aabangan na ngayon sa tabi ng kotse ko.
“Good morning, kuya Andrew!” nakangiting sabi ko.
Nakita ko ang pagngiti niya nang malaki sa akin. “Good morning din po, Miss Ronohary.” Pinagbuksan niya ako ng pinto sa backseat, kaya naupo ako roon.
“Thanks.” I smiled and sinara ang pinto ng side ko.
Sa kabilang side naman ay binuksan ni Anita at nilagay ang aking backpack. “Ingat kayo sa byahe, Miss Ronohary. Kaunti na lang po ay ga—graduate na kayo,” saad ni Anita sa akin.
“Thanks!” sabi ko sa kanya at sinara na niya ang pinto, kaya umandar na rin ang kotse.
Napatingin na lamang ako sa bintana hanggang hindi ko namalayang nasa Maravilla University na ako.
“Nandito na po tayo, Miss Ronohary.”
Bumukas ang pinto at nakita ko si kuya Andrew, nakalahad ang kanyang kamay kaya kinuha ko iyon and lumabas na ako na hawak ang aking backpack.
“Thanks! Later na lang po muli, kuya Andrew!” Kaway ko sa kanya habang lumalakad.
“Itʼs Ronohary!”
“Sobrang ganda niya, ano?
“Look at her skin... Her dress... Fabulous!”
Hindi ko mapigilang mapangiti nang malaki nang marinig ang mga good feedback about myself.
Hindi ko alam kung bakit sinasabi nila iyon, mas marami pa namang maganda sa akin.
Maraming maganda pa bukod sa akin.
“Good morning, Ronohary!” bati ng ilang estudyante sa akin habang naglalakad ako papunta sa College of Business Administration building.
Iyon ang course ko kahit gusto ko rin kunin ang fine arts or designer course, pero mas kailangan ko iyon dahil nag—iisang tagapagmana ako ng mga Laurella.
Ngumiti ako at kumaway. “Good morning!”
Pagdating ko sa classroom, nadatnan ko si Piper, ang best friend ko, abala siya sa pagre—review ng notes.
“Hoy, future billionaire!” natatawang bati ni Piper sa akin.
Akala ko ay hindi niya ako mapapansin dahil busy siya sa kanyang notes
Napailing na lang ako sa kanya at naupo sa kanyang tabi. “Tigilan mo nga ako,” sabi ko sa kanya.
“Eh, totoo naman. Ikaw ang ang future heiress ng Laurella Bank at Love Clothing Company ninyo,” mahinang sabi niya sa akin.
Tinignan ko siya. “At ikaw naman ang future manager ko,” biro ko sa kanya.
Nagkatinginan kaming dalawa at saka tumawa nang mahina, baka kasi mabulabog namin ang ibang nagre—review.
Kaunti na lang ay ga—graduate na talaga kami.
“Miss Laurella, can you explain the difference between liquidity and solvency?” tanong ni Professor sa akin.
Tumayo ako sa kanyang harapan. “Liquidity refers to a companyʼs ability to meet short—term obligations while solvency refers to its ability to meet long—term debts, Prof.” paliwanag ko sa tanong niyang iyon.
Nakita ko ang pagtango niya sa akin. “Excellent.”
Ngumiti na lang ako kay Professor at umupo muli. “Maganda na, matalino pa,” mahinang sabi ni Piper sa tabi ko.
Makalipas ang ilang oras ay natapos na rin ang klase namin.
“Class dismissed.”
Dalawang salita lamang ay agad kaming nagsitayuan.
“Finally, tapos na rin!”
“Akala ko hindi matatapos ang lecture!”
“Tara, cafeteria!”
Narinig ko ang mga reklamo ng mga kaklase ko.
Nawala ang tingin ko sa paligid nang kalabitin ako ni Piper. “Bestie!” Nakita ko ang malaking ngiti niya.
Kabaliktaran ko si Piper, ako kasi ay kalmado lamang kaya minsan napagkakamalan akong masungit kapag hindi nila ako gaanong kakilala. Then, si Piper ay isang bubbly at madàldāl na babae.
“Ano ba naman?” natatawang tanong ko sa kanya.
“Libre mo naman ako?”
Tumaas ang kanang kilay ko. “Bakit?”
Nagulat ako nang magpa—cute siya sa akin. “Dahil maganda ako?”
Natawa ako sa kanyang sinabi. “Wow! Confident!” sabi ko sa kanya.
“Bakit maganda naman talaga ako. Kaya mga mag—best friend tayong dalawa!” hirit pa niyang sabi sa akin.
Magkasabay kaming naglakad lalabas ng classroom. Kasunod namin ay ang ibang classmates naming dalawa.
Habang naglalakad kami sa hallway ay biglang naalala ko ang sinabi ni dad sa akin kagabi.
Napahinto ako at tinignan silang lahat. “Guys, may announcement pala ako. Muntik ko nang makalimutan,” sabi ko sa kanila.
Napalingon sa akin si Piper. “Ano iyon?”
Hindi pa ba nasabi ni uncle Paul ang tungkol sa party?
Ako na lang magsasabi sa kanya.
Ngumiti ako sa kanila. “This Saturday, magkakaroon ng party sa Laurella Mansion.”
“Party?” sabay—sabay na tanong nila sa akin.
Tumango ako sa kanila. “My parents are celebrating my appointment as the future heiress of Laurella Bank and Love Clothing,” sabi ko sa kanila.
Natahimik silang lahat at sabay—sabay silang napasigaw. Nagulat ako dahil sa ginawa nila.
“What?”
“H—hey, ang boses ninyo, nasa hallway tayo,” sabi ko sa kanila lalo na kina Piper at Fatima na sobrang lakas ang boses.
“Ronohary! T—teka lang...”
Lumakad ako sa may tabi para walang makapansin sa amin.
“Totoo ba ang sinabi mo, bestie? Future heiress ka na? Officially?” bulalas na tanong ni Piper sa akin.
Napakamot ako sa aking ulo. “Parang ganoʼn na nga,” sagot ko.
“Parang ganoʼn?!” sigaw ni Piper.
“Girl, Laurella Bank iyon!”
“At Love Clothing pa!”
Napangiwi ako sa pagiging OA nina Fatima and Piper.
“Isa kayo sa pinaka—mayamang pamilya sa bansa!”
Napatawa ako sa kanyang sinabi. “Ano ba kayo? Hinaan ninyo boses ninyo... May mga heiress din dito, hindi lang ako,” sabi ko pa sa kanila. “At dahil mabait ako at kaibigan ko kayo... Invited kayong lahat!”
Ilang segundo silang natulala pagkatapos ay muling umingay na naman.
“Aaahh!”
“Libreng pagkain!”
Napailing na lang ako dahil para silang hindi pinapakain sa bahay nila.
“Teka,” sabi ni Piper sa akin. “Pupunta ba si Apollo?”
Agad akong napatingin kay Piper. Alam nilang lahat ng fiancé ko siya pero wala pa namang official sa aming dalawa.
Wala pang marriage party between us, after pa ng aming graduation.
“Hoy, bakit ang tagal mo yatang mag—isip?”
“Wala pa ba siya rito sa Pinas?”
“Nasa ibang bansa pa ba siya?”
Sunod—sunod na tanong niya sa akin.
“Ang ingay ninyo... Nandito na siya sa Pinas, iyon ang narinig ko kay dad. Kaya paniguradong pupunta siya,” nakangiting sabi ko sa kanila.
Paniguradong pupunta siya lalo naʼt fiancé ko si Apollo.