Chapter 6

1032 Words
Ng makalapit ako sa higaan tiningnan ko silang lahat, naka tingin lang sila sa akin. Kaya binalik ko sa taong nakahiga ang paningin ko at natatakpan ng kumot na puti. Dahan dahan kong inangat ang kumot. Laking gulat ko ng makita kung sino ang nasa loob. Nabitawan ko bigla ang kumot at muntik na akong matumba. Dahil bigla na lang nanlambot ang tuhod ko, buti na lang agad akong inalalayan ni Jade. Bumuhos agad ang luha ko. Nanginginig na hinawakan ko ulit ang kumot saka inalis ito sa mukha niya. "Aahh!!" Sigaw ko habang yakap ko ang katawan ng kakambal ko. Napa iyak narin sila hinimas ni Jade ang likod ko habang walang humpay ang iyak ko. Parang mawawasak ang puso ko. "Sorry Gab ginawa ko ang lahat. Pero sobra ang dinanas niyang hirap. Hindi na kinaya ng puso niya." Umiiyak na sabi ni Jess. Kahit hindi ako magsalita alam na nila na nakilala ko ang babae na nasa harap nila. "Gabbien!" Sigaw ko. Walang humpay ang tulo ng luha ko. "Wala namang ganito. Sabi mo hihintayin mo ako. Patawad natagalan ako!" Sabi ko habang yakap ng mahigpit ang malamig ng kakambal. "Patawad!" Sabi ko. Ng biglang sumakit ang ulo ko napahawak ako dito sa sobrang sakit na walan ako ng malay. Nagising ako na nasa sarili kong silid na ako. Napahawak ako sa ulo ko ng sunod sunod na alaala ang lumabas dito. Kaya napa pikit uli ako at muli akong nakatulog. Nagising ako sa mumunting ingay sa silid ko. Iminulat ko ang mata ko nakita ko na naguusap si Jess at si Madam Veron. Sabay silang lumingon sa akin. Naupo ako habang hinihimas ang leeg ko. "Kumusta ang pakiramdam mo?" Tanong ni Jess sa akin. "Ayos na ako." Sabi ko saka tumayo na. "Saan niyo nilagay ang katawan niya?" Tanong ko. Tiningnan ko sila. "Nasa infirmary parin hinihintay namin na magising ka." Sabi ni Jess. Lumabas ako kasunod sila. Nagderetso kami sa infirmary. Pagdating namin sa pintuan nandun sa pinto sila Mick, Michael, Don at Kay Tumango sila sa akin. Bago ako pumasok, sinara nila ang pintuan. Nakita ko ang kambal ko. Lumapit ako dito. Tiningnan ko ang buo nitong katawan. Puro pasa ito. May mga paso pa tanda ng pagpapahirap sa kanya, naikuyom ko ang kamao ko. Tumulo ulit ang luha ko. "Gabbien! Sinusumpa ko doble pa diyan ang ipalalasap ko sa gumawa sayo at kahit saang impyerno pa sila nagtatago hahanapin ko sila." Bulong ko. "Patawad hindi kita na tulungan. Patawad Gabbien, wala ako ng mangyari sayo yan." Sabi ko habang humahagulhol na. "Patawad wala ako nung kailangan mo ako." Patuloy na hinagpis ko. "Pangako hahanapin ko ang gumawa sayo nito kahit buhay ko ang maging kapalit." Sabi ko. Saka umiyak ng umiyak habang yakap ko siya. Hinayaan lang muna nila ako. Nakatulugan ko ang pagiyak ko. "Gabby!" Nagulat ako ng may humawak sa akin. "Sorry! Hindi ka sana namin iistorbohin. Pero kailangan na nating iayos ang kapatid mo." Sabi ni Jade. Nagtataka ko siyang tiningnan. "Obvious naman na kapatid mo siya para kayong pinag biyak na bunga." Sabi nito. Bilang sagot sa tingin ko. Tumango ako. "Anong nangyari sa kanya?" Tanong ko habang pinapanood silang pinapalitan ng damit ang kakambal ko. "Marami siyang fracture sa ibat ibang bahagi sanhi ng palo ng matigas na bagay. May tama din ang bungo niya sa pag hampas sa matigas na bagay. Ang kinamatay niya ang pag buo ng dugo sa puso niya. Isa ito sa na puruhan sa kanya dahil sa bugbog na inabot niya, bali din ang kaliwang binti niya. May mga paso siya sa katawan at may senyales na." Sabi ni Jess na binitin ang huling sasabihin. Kaya napa tingin kami sa kanya. "Ni rape siya ng higit sa sampong katao. Ayun sa similya na nakuha namin." Sabi ni Jess. Nasuntok ko ang pader. Nataranta silang lumapit sa akin, agad na hinawakan ni Jess ang kamay ko na nagdudugo. "Ano kaba hindi yan ang kalaban mo" Sabi ni Michael, niyakap naman ako ni Jade. Dun ako umiyak ng umiyak. "Kailan pa bumalik ang alaala mo?" Tanong ni Jessie "Kahapon lang. Nung makita ko siya." Sabi ko. Nandito sila sa silid ko. Hinatid muna nila ako dito. "Anong plano mo ngayun? luuwi mo ba ang kapatid mo sa inyo?" Tanong ni Don sa akin. "May alam ba kayo na pwede kong paglagyan pansamatala sa kanya? Hangat hindi ko nahahanap ang gumawa sa kanya nito at kung bakit ginawa sa kanya ito" Sabi ko sa kanila. Nagkatinginan sila. "Ako may alam!" Sabi ni Madam Veron na biglang sumulpot sa pintuan. Napatingin kami sa kanya. Sinamahan nila ako na maiayos na maiayos ang kakambal ko. Pansamantala muna namin siya nilagay sa Isang freezer. Saka tinulungan nila ako kumuha ng inpormasyon tungkol sa kakambal ko magmula ng magkahiwalay kami. Nakatulong ang pagbalik ng alaala ko. Dahil sa walang katulong ang aking ama sa pagpapatakbo ng negosyo niya unti unting nalugi ang negosyo namin. Para hindi ito tuluyang bumagsak. Pinakasal nila sa isang business tycoon na si Troyland Montero ang kakambal ko. Bilang kapalit sa pagpapakasal ng kakambal ko pamamahalaan ni Troyland ang negosyo namin at naibangon nga niya muli ang negosyo namin kaya ngayun nasa ilalim ng pangangalaga niya ang negosyo namin. Napagalaman namin na umuwi ang kakambal ko nakaraang buwan upang bumisita sa aking mga magulang. Ngunit hindi na ito nakarating sa aming bahay dahil sa airport palang may dumukot na dito. Walang nakakaalam sa pagkawala niya dahil hindi niya sinabi sa mga magulang ko ang paguwi niya. Hindi namin alam kung alam ba ng asawa niya na nawawala siya at may kinalaman ito sa nangyari sa kakambal ko. Wala kasi kaming nakuhang inpormasyon na magtuturo sa gumawa sa kapatid ko. Malinis ang pagkakagawa ng lahat. Isa lang ang pwedeng pagbintangan ang asawa niyang si Troyland Montero. "Ano ang plano mo ngayun?" Tanong ni Jade sa akin. "Kailangan kong magpangap na siya. Sa tingin ko walang alam ang asawa niya na may kakambal siya. Ayun nga sa nakalap natin binura ng ama ko ang lahat ng record ko bilang anak niya. Kaya sigurado ako na ang alam nun nagiisang anak lang si Gabrielle ng mga magulang ko." Sabi ko sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD