bc

Come and Get Me (Thorn of the rose #3)

book_age18+
537
FOLLOW
4.7K
READ
family
HE
serious
affair
addiction
like
intro-logo
Blurb

Lumaki ang magkakambal na sina Gabbina at Gabrielle na malapit sa isat isa. Lumaki silang tagapagtangol si Gabbina ni Gabrielle sa lahat ng bagay. Mahal na mahal ni Gabbina ang kakambal kahit magkaiba sila sa lahat ng bagay. Pagdating ng College naghiwalay ang landas nila dahil pinili niya ang maging sundalo kesa sa kagustuhan ng magulang niya na business management ang kunin niya para sa negosyo nila. Dahil dun tinakwil siya ng magulang niya at binura ang lahat ng kaugnayan niya sa mga ito. Nawalan siya ng Connection sa kakambal hangang isang araw muling nagtagpo ang landas nila ng kakambal ngunit wala na itong buhay.Dahil sa nangyari sa kakambal ninais niyang magpangap bilang kakambal niya. Upang alamin ang tunay na nangyari sa kanyang kakambal. Ano ang naghihintay sa kanya sa pagpapangap niya bilang Gabrielle? Pano kung hindi lang ang hustisya ang matagpuan niya kundi matatagpuan niya rin ang tunay na pagibig. Magbabago ba ang buhay ni Gabbina.?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Sa susunod na lumapit ka pa sa kapatid ko hindi lang yan ang aabutin mo sa akin tandaan mo yan.!!" Sigaw ko sa lalake na nakahandusay sa semento. Kasalukuyan kaming nasa Gym katatapos lang namin magpractiice ng Volleyball. Ng makita ko ang boyfriend ng kakambal ko na may kalampungan. Kaya sa inis ko binugbog ko ito. "Hah! Yan ang napala mo ang kakambal pa ni Gabby ang lolokohin mo ha." Sabi ng lalake na ka tropa ko. Papunta na sana kami para maglaro ng Basket ball. "Nakita mo yun. Grabe para siya talagang lalake." Sabi ng isang babae. "Sinabi mo pa ang layo niya talaga kay Gabrielle." Sabi naman ng isa. Hindi ko sila pinansin nilampasan ko lang sila at nag deretso na sa Court. "Gabby ano na naman ba ang ginawa mo kay Sam?" Tanong ng kakambal ko ng dumating sa Court Kasalukuyang katatapos lang namin maglaro ng Basket ball. Nakita ko na naka tingin ang mga lalake sa kakambal ko. Pero ng lingunin ko sila bigla nilang iniba ang mga tingin nila. "Bakit nagsumbong naba ang boyfriend mong bano. Sa susunod kasi pumili ka naman ng lalake na gugustuhin mo. Hindi porket gwapo okay na." Sabi ko dito. Ngumiti lang ito sa akin. "Hindi naman si Sam ang iniisip ko ikaw. Para ka na kasing sangano, lahat na lang ng nagiging boyfriend ko binubugbog mo. Mamaya diyan layuan na ako ng mga lalake dito dahil sayo." Sabi niya. Saka umaktong nagtatampo. Kaya naman umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kamay niya, "Hindi ako magsasawa mang bugbog ng mga lalake na manloloko. Lalo na kung ang magandang kapatid ko ang binibiktima at niloloko nila." Sabi ko dito. Habang hinihimas ang kamay niya na nasa kandungan ko. "Gabbien ayoko dumating ang panahon na masasaktan ka, sigurado na masasaktan din ako nun at baka hindi lang yan ang abutin ng lalaki na yun." Sabi ko uli saka niyakap ito. "Mahal na mahal kita Gabbien hangat nandito ako walang makapananakit sayo pangako." Napatingin siya sa akin saka yumakap sa akin. "Mahal na mahal din kita Gabby." Sabi nito na inihilig ang ulo sa dibdib ko. Sobrang mahal na mahal ko ang kakambal ko. Magkaibang magkaiba kami nito. Kahit Identical twin kami. Dahil ito masyado itong iyakin, mahinhin at mahiyain. Nasa kanya na ang katangian ng isang binibining pilipina. Napaka ganda nito kaya naman ligawin at sikat sa Campus namin. Samantalang kabaliktaran ang ugali ko. Lumaki akong palaban, ayaw na ayaw ko ang minamaliit ang kakayahan ko bilang babae lalo na ang mga lalaki. Kaya naman lumaki akong pinapantayan ang lahat ng kaya nilang gawin lahat ng sport na may kinalaman sa mga lalake sinalihan ko. Lagi din akong napapagulo lalo na kung naangasan ako at minamaliit ako. Kaya naman kahit maganda ako kagaya ng kambal ko walang maglakas ng loob na pomorma sa akin. Sakit ako ng ulo ng mga magulang ko dahil sa napapasok kung gulo. Pero bumabawi ako sa grades dahil nagkakaparehas kami ng kakambal ko na nangunguna sa klase. Magkaiba kami ng section hindi kami pinagsasama ng mga guro namin dahil narin sa akin. Kung kilala sa Campus ang kakambal ko bilang Campus Queen ako naman kilala bilang terror ng Campus. Takot sila kapag binigkas mo ang pangalan ko. Kilala ang grupo namin. Kaya lang kahit gaano ako kinatatakutan at kilala kung gaano ako ka protective sa kakambal ko. May mga malalakas parin talaga ang loob na nakakalusot sa akin. Pero pag nahuhuli ko naman sila mata lang nila ang walang latay. "Gabby! gising na " Boses ng kambal ko ang nangigising sa akin. Pero imbis na dumilat mas dumapa pa ako sa unan. "Gabby!!" Sigaw nito. Saka umakyat sa kama at kiniliti ako kaya napadilat ako ng di oras "Aba yan ang gusto mo ah!" Sabi ko sabay hila sa kanya at mabilis ko lang siyang naihiga. Saka kiniliti. "Aay!!" Tili niya habang sige ang ilag. Napuno ng tawanan at tilian ang kwarto ko. Hindi kami sana titigil kung hindi si mama na ang dumating para pababain kami para magalmusal. "Malapit na nga pala ang graduation niyo." Sabi ni Papa. Nagkatinginan kami ni Gabbien. "Naisip na namin ng Papa niyo kung ano ang kukuhanin niyong kurso." Sabi ni mama na ikinatigil ko sa pagsubo. Saka ako tumingin kay mama. "Gusto kong mag military mama." Wala sa sariling sabi ko. Napa tingin sa akin si Gabbien. Alam niya ang gusto kong kuhanin. Alam din namin kung ano ang gusto ng magulang ko na kuhanin namin "ANO BANG KATARANTADUHAN YANG PINAGSASABI MO GABINA.!!" Sigaw ni Papa na ikinagulat naming lahat. Sinaway siya ni mama. "Pero Papa!" Maktol ko dito, hindi ako natinag sa boses nito. "WAG KANG MATIGAS ANG ULO GABBY. ANO ANG MAPAPALA MO SA PAGSUSUNDALO. SA AYAW AT SA GUSTO MO BUSINESS MANAGEMENT ANG KUKUNIN MO. KUNG AYAW MONG ITAKWIL KA NAMIN BILANG ANAK.!" Matigas na sabi ni Papa na kinabigla namin ng kakambal ko. Sasagot pa sana ako kaso pinatigil na kami ni mama. "Iha alam mo na mag mula noon hinayaan ka namin na gawin mo lahat ng gusto mo kahit na ayaw namin. Pero ngayun anak kami naman ang masusunod." Malinaw na sabi ni Mama na may awtoridad Hindi na ako umimik. Napa tingin sa akin si Gabbien. Maya maya naramdaman ko ang kamay niya sa kamay ko sa ilalim ng lamesa "Business management ang kukunin mo Gabby at ikaw naman Gabrielle Medicine. Napagusapan na namin ito ng mama niyo. Panahon na para pagaralan niyo na ang paghawak ng mga negosyo natin." Mahinahon ng sabi ni Papa. Food manufacturing ang business namin. May pagawaan kami ng mga biscuits, Noddles at incan na mga isda. Meron narin kaming branch sa ibat ibang bansa. Pinamamahalaan ito ni Papa. May sarili din kaming Hospital na pinamamahalaan naman ni Mama. Na isang specialista. Gusto ni Papa na ako ang pumalit sa kanya at si Gabbien naman ang papalit kay Mama. Panahon na daw para magpahinga sila. Pero hindi iyun ang gusto ko. Bata pa lang ako gusto ko ng maging sundalo. Hangang hanga ako sa kanila. Kaya nga ako naging matapang at matatag dahil sa kanila. Gusto kong maging isang sikat na sundalo sa mundo. Alam ko din na iba din ang gusto ni Gabbien. Gusto niya na maging sikat na designer sa buong mundo. Kaya nalulungkot ako sa kanya dahil ngayun lang ako walang magawa sa kanya bilang tagapagtanggol niya. Alam ko kasi na kahit pa tumutol ako walang mangyayari kasi hindi ako mananalo sa mga magulang ko. Kilala ko sila pag nagsalita sila isang batas yun na hindi kaylan man mababali. "Pasensiya na Gabby hindi kita na tulungan mangatuwiran kayla Mama at Papa." Sabi ni Gabby ng puntahan niya ako sa terrace ng kwarto ko. Nag yuyuga ako. Napatingin ako sa kanya nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. Kaya huminga ako ng malalim saka tumayo. Kinuha ko ang towel ko sa gilid saka lumapit sa kanya sa sofa na nasa gilid. "Wala yun. Ako nga dapat ang humingi sayo ng tawad kasi alam ko na hindi yun ang gusto mo. Pero wala man lang akong nagawa upang baguhin ang nasa isip nila." Sabi ko at hinawakan ang pisngi niya. "Wala yun Gabby kilala naman natin sila na kapag sinabi nila batas yun na dapat natin sundin." Sabi nito na tumingin sa akin. Mabilis na lumipas ang araw isang lingo na lang graduation na namin. Busy na kami sa pagpapapirma ng mga clearance namin sa mga guro namin. "Gabby tapos na kayo?" Tanong ni Gabbien ng makita ko siya sa hallway. "Oo, ikaw tapos kana ba?" Balik tanong ko sa kanya. "Oo natapos din. Ang hirap hanapin ni Professor Manny." Sagot nito. Saka humawak sa braso ko at magkasabay kaming naglakad papunta sa labas. "Ano ang plano mo Gabby?" Tanong ni Gabbien habang nanonood kami ng movie sa silid ko. Kanina ko pa siya napapansin na hindi naka focus sa pinapanood namin. "Saan?" Pagmamaang mangan ko. Kunyari hindi ko alam kung ano ang tinutukoy niya. "Alam kong alam mo ang sinasabi ko Gabby." Napalingon ako sa kanya. Alam ko na kapag ganito na ang tono niya seryoso siya. Kaya huminga ako ng malalim. "Ang totoo hindi ko pa alam." Sagot ko sa kanya. Tumingin siya sa akin. Nagulat ako ng makita na nangingilid ang luha niya. "Wag mo akong iiwan Gabby. Hindi ko makakaya kapag na wala ka sa tabi ko." Sabi niya. Saka yumakap sa akin. Narinig ko ang hikbi niya. Niyakap ko siya ng mahigpit saka hinagod ang likod niya. Sa totoo lang may plano na ako. Kaya lang sa tuwing nakikita ko siya. Nagbabago ang isip ko parang hindi ko rin kayang mawalay sa kanya. Sumapit ang Graduation namin. Masayang masaya ang mga magulang namin dahil nakuha namin ang valedictorian at Salutatorian. Si Gabbien ang may mataas na nakuha pumapangalawa lamang ako. Nahirapan ang mga guro sa amin kaya binase na lang sa mga record ko sa school. Hindi na ako umangal dahil kakambal ko naman ang tumalo sa akin. Pagkaalis namin sa school dumeretso kami sa isang sikat na Restaurant para mag celebrate. "Masaya kami sa inyo anak" Sabi ni mama. Wala akong imik. "Manang mana talaga kayo sa amin ng Papa niyo." Sabi uli nito. Ngiti lang ng ngiti ang kakambal ko. Samantalang ako seryosong kumakain. "Bukas na bukas din isasama kita Gabby sa opisina para ipakilala sa mga tao doon." Sabi maya maya ni Papa. Napa tingin ako sa kanya. . "Mas maganda na maaga palang makilala kana nila." Kahit tutol ako dun hindi na lang ako umimik. ******* "Dude! sa lunes na ang pasahan ng mga requirements sa gustong nagmillitary sa school. Kukunin na ni Professor Martin para maipasa sa Baguio.magpapasa kaba?" Sabi ni d**k ang best friend ko. Alam niya ang pinoproblema ko. "Kailan ang deadline?" Tanong ko dito. Imbis na sumagot. "Ang alam ko isang lingo lang. Kasi babalik na si Lieutenant Sanchez sa Baguio." Sabi uli nito. Natahimik ako. "Dude, wag mong sabihin na nagbago na ang isip mo." Sabi nito. Saka ako tiningnan. Nasa isang Coffee shop kami. "Hindi no! Gusto ko lang ihanda ang kakambal ko sa pag alis ko. Ayaw kong maglihim sa kanya." Sabi ko dito. Huminga siya ng malalim. Alam niya kung gaano ko kamahal ang kakambal ko. "Gabby! May problema kaba?" Tanong ni Gabbien. Napansin niya kasi na hindi ako mapakali. Kasi nagtatalo ang isip ko. Hindi ko alam kung papaano ko sasabihin sa kanya na plano kong ituloy ang pagsusundalo ko at kailangan ko ng magpasa ng requirements bukas. Tinitigan ko siya saka napalunok ako. "Wag ka ng magalinlangan na sabihin sa akin kung ano man yang nasa isip mo. Dahil alam ko na kung ano ang gumugulo sa isip mo. "Sabi niya. Saka yumuko. Nagulat ako sa kanya. Napa kunot ang noo ko. "Narinig ko kayo ni d**k na naguusap nung isang gabi." Sabi niya uli. Nanlaki ang mata ko. Agad akong lumapit sa kanya. "Sorry! Ang totoo pinagiisipan ko pa saka bak_" Sabi ko na pinutol niya ang iba ko pang sasabihin. "Sorry kung dahil sa akin nahihirapan ka Gabby. Nagkausap kami ni d**k at pinilit ko siyang magsabi sa akin ng totoo. Kaya alam ko na bukas na ang deadline ng pasahan ng requirements sa school." Sabi niya. Napa awang ang bibig ko. May gusto akong sabihin pero hindi ko magawa. "Sorry kung nasabi ko yun sayo. Napaisip ako sa nalaman ko. Wag kang magaalala sa akin Gabby. Sundin mo ang ninanais ng puso mo. Kung saan ka masaya gawin mo. Ngayun ako naman ang sosoporta sayo. Alam kong nasanay akong nandito ka lagi sa tabi ko. Kaya hindi ko na isip ang nararamdaman mo. Sorry Gabby." Sabi niya na lumuluha na. Niyakap ko siya hindi ko talaga kayang nakikita siyang umiiyak. "Sorry din. Okay lang kung ayaw mo." Sabi ko sa kanya. "Hindi ayos lang ako Gabby. Magkikita pa naman tayo diba? Magaaral ka lang naman dun tapos babalik ka din dito uli di ba?" Sabi niya sa akin. "Oo pagka Graduate ko uuwi ako agad. Para ipakita sayo na sundalo na ako na natupad kona ang pangarap ko." Sabi ko sa kanya. Nagyakap kami pati ako naiyak narin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
162.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
107.4K
bc

His Obsession

read
77.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
70.5K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
21.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook