Chapter 2

2107 Words
Nagpasa ako kinabukasan ng requirements sa school. Tinulungan ako ni Gabbien na magdahilan sa magulang ko para hindi ako isama ni Papa. Araw araw kasi akong sinasama nito sa opisina kundi naman sa factory. Mabilis na lumipas ang araw bukas na ang alis namin papuntang Baguio. Iyak ng iyak ang kakambal ko habang nagpapaalam ako. "ikaw na ang bahala kayla Mama at Papa ha. Pag natupad ko ang pangarap ko alam ko na ipagmamalaki din nila ako Gabby." Sabi ko na naluluha nadin. Alam ko ang magiging kapalit ng gagawin ko ngayung gabi. "Magpapakatatag ka ha wag ka ng magpapaloko. Pag nalaman ko na may nagpaiyak sayo baba ako ng Baguio para gulpihin yung hayop na yun. Pasensiya kana kailangan kitang iwan pansamantala. Pero pangako na lagi akong susulat sayo ikaw na ang bahala magpaliwanag kayla mama at Papa." Sabi ko. lyak lang siya ng iyak. "Siguraduhin mong babalikan mo ako ha! hihintayin kita Gabby." Sabi nito. Saka yumakap sa akin ng mahigpit. Niyakap ko din siya ng mahigpit. "Sssh! Tahan na nahihirapan akong umalis na ganyan ka. Alam mo naman na ikaw ang kahinaan ko." Sabi ko dito. Saka pinahid ang luha niya. Tumango siya pero tuloy parin ang pag tulo ng luha niya. "Umalis kana Gabby baka magising sila." Sabi niya maya maya. Sa terrace ako dumaan. Bago ako tuluyang bumaba hinalikan ko muna siya sa pisngi. Yumakap siya sa akin sandali. Saka malungkot na ngumiti sa akin. Pagbaba ko. Umakyat ako uli sa bakod namin sa likod. Dahil may guard kami sa gate, Buti na lang hindi masyadong kataasan ang bakod namin at kabisado ko ang mga CCTV camera sa bahay. Pag talon ko sa bakod sinalubong na ako ni d**k pinagbanga namin ang mga kamao namin saka kami pumunta sa sasakyan niya. ******** Mabilis na lumipas ang panahon. Isang taon na ako dito sa Baguio. Lagi kaming nagsusulatan ng kakambal ko. Nalaman ko na galit na galit sa akin ang mga magulang ko. Siya naman ay tinuloy ang gusto ng mga magulang ko. Pagka Doctor ang kinuha niyang kurso para daw mabawasan ang galit ng mga ito. Walang araw o buwan na hindi kami naguusap sa internet. "Sino yan ha?" Tanong ng isang kasamahan ko sa dorm. "Syota ko." Sabi ko. Napatanga ang kakambal ko sumilip ito sa laptop ko. "Wow! Dude yummy." Sabi nito ng makita ang Kakambal ko. "Sira ulo. Anong yummy, baka gusto mong makatikim." Inis na sabi ko. Biglang tinaaas nito ang kamay. "Easy Dude! Okay aalis na seloso!" Sabi nito. Saka nagtatakbo ng umamba akong tatayo. Ang lakas ng tawa ni Gabbien. Magmula nun akala nila Tomboy ako at syota ko ang kakambal ko. Kaya kapag kausap ko ang kakambal ko ang lakas ng hiyawan nila. Natatawa na lang si d**k na may alam. Saka iiling. Hindi naging madali ang mga araw ko sa loob ng Campo. Dahil kailangan kong makipag tungali upang makamit ang ninanais kong position. Lalo nat yung iba hindi matangap na natatalo sila ng isang babae lamang. Pero sa huli wala silang na gawa. "Grabe ka Dude, natalo mo si Lieutenant Birgara. Bilib na ako talaga sayo." Sabi ni d**k. Nagpapahinga kami. Katatapos lang namin sa isang matinding insayo at nakalaban ko ang nagtuturo sa amin. Dahil isa ito na hindi ako matangap kaya pinatumba ko. . "Ano ang sabi ng kakambal mo sa bago mong haircut?" Sabi nito. Kasi nagpakalbo ako. Pinaputol ko ang mahaba kong buhok. Dahil lagi iyong napapansin. "Ano pa. E di nagalit. Kasi hindi na daw kami magiging magkamukha. Dahil mukha na daw talaga akong sangano." Sabi ko dito. Bumunghalit ito ng tawa. Kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Pero Dude, seryoso kung naging lalake ka lang aba! Gwapo kang sangano siguradong maraming chika babe ang magkakandadarapa sayo." Sabi ni d**k sa akin. Sabay akbay sa akin. Tiningnan ko siya. "Totoo?" Tanong ko sa kanya. "Oo no. Pero mas bagay parin sayo ang maging babae sayang ang ganda mo kaya." Sabi nito. Sinamaan ko ito ng tingin. Bigla nitong tinaas ang kamay niya. "Uy Wala akong gusto sayo ha. Sinasabi ko lang ang opinyon ko." Sabi niya tinitigan ko siya Saka tumango at magkasabay na kaming pumasok sa loob. "Announcement magkakaroon kayo ng special mission. This is your first mission. All of you are divided into three groups and every group has one leader!!" Sabi ng Commandant. Isang gabi na nagpatawag ng emergency meeting. "Kapag tinawag ko ang pangalan pumunta sa harapan. UNDERSTAND?" Sigaw uli nito. "SIR YES SIR!!" Sabay sabay na sigaw namin. Isa isa nga kaming tinawag. Nahati kami sa tatlong grupo. Nagkahiwalay kami ni d**k. "Now if you hear your name Come forward." Sabi uli nito. "Venidick Suares!!" Tawag nito sa pangalan ni d**k. Humakbang papuntang harapan si d**k. "Jomar Guson!!" Tawag nito uli. Pumunta din ito sa harap. "Gabriella Montemayor.!!" Nagulat ako ng tawagin ang Pangalan ko pumunta ako sa harapan. "Now You're the leader of the three battalions. From now on you're the Captain!! Sabi uli nito. "Venidick Suares Captain of first battalion!!" Sabi nito. "Salut!!" Sabi ni d**k. Sabay saludo. "Jomar Guson Captain of second battalion!! Sabi nito uli "Salut!!" Sabi nito. Saka sumalodo. "And Gabriella Montemayor Captain of third battalion.!!" Sabi nito. Saka tumingin sa akin. "Salut." Sabi ko saka sumaludo. "Pangungunahan niyo ang inyong grupo sa lahat ng oras at sa lahat ng bagay pagdating sa mission. Umaasa kami na ibibigay niyo ang lahat ng lakas at kaalaman niyo. Maging buhay niyo man ang kapalit. Upang pangunahan ang inyung grupo para sa ikatatagumpay ng mission ninyo. MAAASAHAN BA NAMIN KAYO.!!" sigaw nito. "SIR YES SIR, MAASAHAN NINYO NA PANGUNGUNAHAN NAMIN ANG AMING GRUPO MAGING BUHAY MAN NAMIN ANG KAPALIT PARA SA IKATATAGUMPAY NG AMING MISSION." Sabay sabay naming sagot na tatlo. "Now dissmiss!!" Sabi uli nito sabay sabay kaming sumaludo. "Three of you maiwa may paguusapan pa tayo." Sabi niya uli at naiwan nga kami kasama ang mga nakatataas. Pinaliwanag nila sa amin ang gagawin namin kailangan naming iligtan ang anak ng Embasador na hawak ng mga NPA sa bundok ng Cordillera at ayun sa plano unang papasok ang grupo ni d**k na susundan ni Jomar at panghuli na kami. Nung gabi ding yun ang biyahe namin papuntang bundok ng Cordillera. Nagpadala na lang ako ng massage sa kakambal ko na baka hindi ako makatawag sa kanya kasi nasa mission kami. Umalis kami na sakay ng isang malaking Chopper. Pagdating namin sa bundok ng Cordillera naunang tumalon ang grupo nila d**k. "Good luck Dude.!" Sabi ko sabay abot ng kamao ko sa kanya ganun din siya. Bago tumalon. Sumunod na tumalon ang grupo ni Captain Jomar. Bago kami ng mga grupo ko sa iba iba ang lugar namin. "Okay man. Are you ready for the true battle!!" Tanong ko sa kanila. "Yes Captain!!" Magkakasabay na sagot nila. Ngumiti ako excited ako sa mga mangyayari. Eto na ang totoong labanan na dati pinapangarap ko lamang. "LETS GO!!" Sabi ko saka hinawakan ng maigi ang hawak kong armas. Saka tumakbo kasabay ng mga grupo ko. Papunta sa masukal na kagubatan. Lakad takbo ang ginawa namin. magliliwanag na ng makarating kami sa location. "Okay man be alert we are here in our location!!" Sabi ko sa kanila. Inutusan ko sila na humanap ng maayos na pwesto. Puro kami sniper isa ang may dala ng radio. "Alpha one!" "Alpha one this is alpha three" Sabi ko sa Radio. "Go ahead alpha three." Sagot ni d**k sa akin. "We are here in our location!!" Sabi ko sa kanila. Inutusan ko sila na humanap ng maayos na pwesto. Puro kami sniper isa ang may dala ng radio. "Alpha one!" "Alpha one this is alpha three" Sabi ko sa Radio. "Go ahead alpha three." Sagot ni d**k sa akin. "We are here in our location." Sabi ko. "Alpha two are you ready?" tanong ni d**k kay Jomar. "Yes alpha two is ready." Sagot nito. "Okay papasukin na namin." Sabi ni d**k hinanap ko sila sa hawak kong telescope. Nakita ko sila na sumusugod na. Nasa mataas na pwesto kami. Habang lumulusob ang unang grupo inaalalayan naman ng grupo ko. Dahil kami ang mga sniper. Sila Jomar naman ang nagpapasabog. Dahil nasa kanila ang mga pampasabog "All clear!!" Sabi ko saka pumasok na sila d**k. "Hawak na namin ang hostage!! Rinig namin na sabi ni d**k. "Lieutenant this is alpha three hawak na namin ang hostage.!!" Sabi ko sa radio. "Okay Captain. Go back to the base!!" Sabi naman nito. "Copy!!" Sagot ko. "Alpha one and alpha two this is alpha three Go back to the base." Sabi ko uli sa radio. "Copy!!" Sabay nilang sabi. "Okay man go back to the base" Sabi ko sa mga tao ko. Minsan ko pang pinagmasdan ang nagkalat na mga bangkay sa paligid hindi ko alam. Kung ano ang mararamdaman ko. "Mission accomplished sir!!" Sabay sabay na sabi namin. "Okay man good Job." Sabi ni Lieutenant Corpus. "Proud ako sa naging resulta ng unang mission niyo." Sabi niya uli sa amin. Nanatili muna kami sa bundok nung gabing yun. Nagkasayahan kami nagpadala ako ulit ng mensahe sa kakambal ko. Sinabi ko ang resulta ng unang mission namin. Masayang masaya ako. Yun ang unang mejor operation namin. Dahil magmula sa bundok Cordillera hindi na kami nakabalik sa Campo. Dahil sa naging resulta ng unang mission namin binigyan ulit kami ng sususnod na mission. Hangang sa nasundan pa ito ng na sundan naging mabibigat ang mga sumunod na mission namin na napag tatagumpayan namin. Nawalan na ako ng Contact sa kakambal ko dahil sa mga sumunod na mission namin wala na kaming oras magpahinga. Hangang sumapit ang oras ng Graduation namin. Kaming tatlong Capitan ang tumangap ng award. Ang kakambal ko lang ang dumating sa Graduation seremonies. Ang saya saya ko dahil isa na akong Lieutenant. Kaso na wala lahat ang saya na naramdaman ko ng makauwi kami. "Wala na kaming anak na iba kundi si Gabreille. Magmula ng umalis ka sa bahay na ito inalis mo narin ang pagiging anak namin. Wala kaming anak na isang suwail." Galit na galit na sabi ni Papa. Iyak ng iyak si Gabbein na nasa tabi ko. "DALAHIN MO YANG KARANGALAN NA IPINAGMAMALAKI MO. DAHIL MAGMULA NG UMALIS KA WALA KANA RING PAMILYA!!" Galit na sabi uli ng ama ko. Umiiyak sa tabi ang kakambal ko. "Pa wag kayong ganyan." Sabi nito habang hawak ni Mama . "PUMASOK KA SA LOOB GABRIELLE. MAGMULA NGAYUN WALA KAMING ANAK. WALA KARING KAPATID. AYAW KONG MALALAMAN NA MAY UGANAYAN KAPA SA KANYA. NARINIG MO!!" Sabi nito. Saka isinara ang pintuan. "GABBY!!" Rinig ko ang sigaw ng kakambal ko. Tumutulo ang luha ko ng lumabas ako ng bahay. Pansamantala muna akong na nuluyan sa bahay nila d**k. Nawalan na kami ng Communication ng kakambal ko ng pumasok ako sa isang special Force. Binabantayan ng magulang ko ang kilos ng kapatid ko. Nalaman ko na eto na ang humahawak sa hospital namin. "CAPTAIN Montemayor I give you a big mission. Ipapadala ko kayo sa Iran makakasama mo si Captain Suares at Captain Guson. Pero sa ngayun pangungunahan mo ang grupo ninyo." Sabi ni General Ping sa amin. Kaya kinabukasan lumipad kami papuntang Iran ang mission namin ay iligtas ang precedent ng France na hawak ng mga Iranian. Kagaya ng dati nagtalunan kami sa ere gamit ang para suits lumapag kami. Magmula sa pinaglapagan namin naglakbay pa kami. "Malapit na tayo magingat sa inaapakan dahil nagkakalat at maging alisto sa paligid. Mqag mula dito nagkalat ang mga ginawa nilang land mine." Sabi ko. Saka kami nagpatuloy. Bago kami nakarating. Tatlo agad ang nalagas sa mga tauhan ko dahil sa mga Landmine. "We are here." Sabi ko. Saka kinuha ang telescope at nakita ko nga ang nagkakalat na mga kalaban sa paligid. Napaka rami nila at hindi lang basta basta ang hawak nilang armas. "Maghihintay tayo ng dilim bago tayo papasok." Sabi ko uli sa kanila. Saka ko pinakalat ang mga sniper ko. Sinigurado ko muna ang kinapwepwestuha nila saka ko sila sinabihan na maghintay ng hudyat ko. Naghintay kami ng gabi. Pinagmasdan ko ang kilos nila at pinagaralan ang mga pwesto nila. "Okay sniper can you hear me?" Sabi ko sa radio. "Copy!" Sabay sabay na sabi nila. "May lima silang sniper maganda ang pagkakapwesto nito. Kaya niyo bang patumbahin?" Tanong ko dahil sa tingin ko dito kami mahihirapan sa pagpasok. "Kaya namin mapatumba ang tatlo yung dalawa malayo sa location namin. Pero gagawin namin ang makakaya namin para maabot namin sila." Sabi ni Jomar. Napa tango ako inaasahan kona yun. Kinausap ko ang mga tauhan na nasa pwesto ko. "Maging alerto sa dalawang sniper na nasa kanan at kaliwa." Sabi ko. .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD