"Maging alerto at siguraduhin ang bawat kilos ayoko ng may magkakamali. Tandaan niyo isang pagkakamali lang buhay natin lahat ang kapalit. Kaya naman ituon niyo ang buo ninyong attention sa ginagawa. Bantayan ang bawat isa, magbantayan ang bawat pares." Sabi ko. grinupo ko sila ng dala dalawa.
"Humanda sa paglusob."" Sabi ko sa kanila. Kaya naman hinawakan na nila ng mahigpit ang armas nila.
"Papasok na kami." sabi ko sa radio.
"Copy!"
Sagot nila
"Okay man let's go!"
Sabi ko saka tumingin kay d**k at tumango nagumpisa na kaming maglakad. Nagiingat na gumawa ng ingay sa bawat kilos. Bawat madaanan walang tinitirang buhay. Pagdating namin malapit sa kinalalagyan ng sniper.
Tumingin ako kay d**k. Nakatingin din ito sa akin, tinuro ko ang sarili ko saka tinuro ang taas tinuro ko siya at saka tinuro ang kabilang sniper. Nagsenyas ako na maghintay ng signal sa akin. Tumango siya at senenyasan ko ang mga tauhan ko na maging alerto sa paligid.
Saka ako nagumpisa na umakyat. Nakita ko na nakatalikod ang dalawa nag uusap. Dahan dahan akong lumapit sa kanila. Kasabay ng paglingon nila ay mabilis akong kumilos magkasunod na ginilitan ko sila ng leeg, Walang buhay na bumagsak ang mga ito. Kinuha ko ang sandata nila saka sinabihan si d**k na umpisahan niya na. Walang kahirap hirap niya rin itong napatumba. Sabay na kaming bumaba. Nakita namin ang mga bihag sa isang kwarto. Agad na nilapitan ko ito at kinalagan ngunit hindi pa kami nakakalabas ng makarinig kami ng putukan tanda na napapalaban ang mga tauhan ko sa labas. Sumilip ako nakita ko nga na napapalaban nga ang mga ito sa sangkatirbang kalaban. Na tunugan na nila ang pag dating namin
kaya napapalibutan nila ang kinaroroonan namin.
"Sniper did you hear me."
Tawag ko sa sniper ko habang nililibot ang paligid ng silid. Ng may makita akong lulusutan napangiti ako.
"Copy."
Sagot nila sa akin.
"Stand by nakikita niyo ba ang kinaroroonan namin?"
Tanong ko sa kanila.
"Yes nakikita namin, napapalibutan nila kayo marami sila at may parating pa." Sabi ni Jomar. Napa mura ako sa isip ko.
"Hinatyin niyo ang pag labas ng mga bihag alalayan niyo sila hangang makalayo." Sabi ko.
"Copy."
Sagot nila. Pagtingin ko kay d**k nakatingin din siya sa akin. Nanahimik na sa labas. Sumilip ako naka tumba na ang mga tauhan ko. Napa pikit ako. Nakita ko na napakarami nila.
"Captain pangunahan mo ang mga bihag na makalayo dito."
Sabi ko. Napa kunot ang noo niya.
"Bakit? wag mong sabihin?"
Sabi niya. Saka umiling iling.
"Hindi Dude!"
Sabi niya ng makuha ang ibig kong sabihin.
"Captain thats an order. Okay man gawin niyo ang lahat ng makakaya niyo upang protekttahan ang mga bihag. Ililigtas natin sila maging kapalit ang buhay natin. That's my order." Sabi ko sa mga tauhan namin. Saka ako tumingin sa kanya na may autoridad.
"Copy.!"
Sabay sabay nilang sagot, kahit ayaw ni d**k wala siyang magawa ginamit ko ang katungkulan ko bilang pinuno nila.
"lilibangin ko sila habang tumatakas kayo upang hindi nila malaman." Sabi ko tumango silang lahat. Pinalibutan nila ang mga bihag sa pangunguna ni d**k.
"Dude, mangako ka na magkikita pa tayo." Sabi niya. Tumango ako saka ngumiti sa kanya. Saka lang siya naghanda.
"Okay ready Go.!!"
Sabi ko saka nagpaputok. Tatlo agad ang tinamaan ko sa kabila naman akong bintana palipat lipat ako upang hindi nila malaman na nagiisa na lang ako.
Inaalalayan ako ng sniper ko sa taas. Ng makita ko na nakalayo na sila d**k. Napangiti ako ng.
"Halika na Dude." Sabi ni d**k sa radio.
"Mauna na kayo iwan niyo na ako. Ako ng bahala dito. Kailangan niyong makabalik kasama ang bihag bago mag alas 11:00 kundi maiiwan kayo ng Chopper." Sabi ko habang nakikipag barilan.
"Dude!"
Sabi ni d**k.
"All of you go back to the base that's my order." Sabi ko.
"Captain!!" Sigaw ni d**k.
"Go! The time has run." Sabi ko uli. Nakita ko na sabay sabay ng lumulusob sa kinalalagyan ko ang mga kalaban. Sinilip ko sila hindi pa sila nakakalayo.
"GO IM YOUR CAPTAIN THIS IS MY COMAMAND ALL OF YOU GO TO THE BASE NOW.!!" Galit ko ng sigaw. Kaya narinig ko na huminga sila ng malalim, saka niyaya na sila ni d**k.
"Dude, wait for me I'll come back." Sabi nito. Saka pinatay ang radio. Napalingon ako sa lugar kung nasaan sila. Bawat pumapasok binabaril ko.
"s**t!"
Mura ko ng makita na wala na akong bala. Kung kailan kabi kabila na ang kalaban ko. May tama na ako sa balikat at hita. Nakita ko yung bag na nasa likod ko kanina. Bomba ang laman nun. Pagapang kung kinuha yun. Saka senet ang bomba at gumapang papunta sa siwang na pinaglabasan nila d**k.
Kita ko ang pagpasok ng mga kalaban saka ako pinagbabaril inispin ko ang isa nakatama ako bago ako nakalabas, pero tinamaan ako sa tiyan.
Hindi pa ako nakakalayo ng sumabog ang bomba. Tumilapon ako. Nakita ko pa ang paglipad ng helicopter napa ngiti ako bago ako na walan ng malay.
*******
Nagising ako na pawis na pawis.
"Ayun na naman ang panaginip ko bakit ba paulit ulit na lang yun sa tuwing matutulog ako." Bulong ko. Saka bumangon at kinuha ang towel, pumasok ako sa banyo at naligo. Binabagabag talaga ako ng panaginip ko na yun. May kutob ako na may kinalaman yun sa nakaraan ko. Ng matapos nagbihis ako ng itim na crop top saka itum na jeans. Tinuyo ko ang mahaba kong buhok. Saka tinirintas Saka lumabas ng silid.
"Gabby!"
Tawag sa akin ni Michael lumingon ako dito. Saka ako kinawayan nito sa lamesa nila. Hawak ang tray lumakad ako palapit sa lamesa nila.
"Ang aga mo nanaman na gising ah! ginising ka nanaman ng panaginip mo?"
Tanong ni Jade na may hawak ng mugs na may lamang umuosok na kape. Sila ang naging kasangga at kaibigan ko ng dumating ako dito sa lugar na ito at tangapin ang alok ni Veron na sumapi sa Organization na ito. Nagising ako sa hospital na walang naalala maliban sa pangalan ko na Gabby. Dinala ako dito ni Veron at dito na ako nagpalakas. Siya din ang nakatagpo sa akin. Kasalukuyang nilusob din nila ang lugar na yun para Iligtas ang mga bihag na babae na ginagawang parausan ng mga Rebelde. Kaya natagpuan nila ako na agaw buhay. Dinala ako nila sa hospital na pagaari ni Jade dahil kulang sila sa Doctor noong araw na yun.
"Yeah! "
Simpleng sagot ko at nilapag ang tray saka umupo sa bakanteng silya.
"Bat nandito kayo may problema ba?" tanong ko sa kanila.
"Wala, Tinawagan kami ni Veron may
mission daw tayong gagawin." Sabi ni Michael. May mga trabaho kasi silang tatlo nila Jade at Kay. Nag leleave lang sila sa mga trabaho nila kapag may mission kami na gagawin.
"Saka. Lagi naman talaga akong maagang nagigising no para pangunahan ng pag exercise ang mga bagong tauhan pag nandito ako." Sabi ni Jade.
"May pasyente kasi ako na dumating kagabi kaya wala pa akong tulog."
Sabi naman ni Jess na ikinalingon namin. Siya ang bagong Doctor dito sa Head quarters. Bagong kasapi din namin.
"May bago na naman?"
Sabay sabay na sabi namin. Tumango siya.
"Dala nila Madam galing sa operation nila kahapon." Sabi nito. Saka kumagat sa sandwich nito.
"May operation silang ginawa? Bakit hindi tayo ang inutusan?" Tanong ni Mick kapatid siya ni Michael.
"Maliit lang naman daw na kaso yun kaya hindi na pinatrabaho sa inyo." Sabi ni Jess. Tumango na lang kami at pinagpatuloy ang pagkain.
"Kawawa nga eh! Bogbog sarado na pinaglaruan pa ng husto. Buti agad na nadala nila madam kung hindi baka hindi na siya nakaligtas." Sabi ni Jess. Napa iling na lang kami. Sanay na kami sa mga ganyang kaso lahat halos ng tao dito sa organisation ay may kanya kanyang kwento sa buhay at may mga hirap na pinagdaanan bago sila naging kasapi ng grupo.