Chapter 4

1249 Words
"Gabby! ano na naman ang ginawa mo kay Sam?" Tanong ng kamukha ko. "Bakit nagsumbong naba ang Boyfriend mong bano, sa susunod kasi pumili kanaman ng lalake na gugustuhin mo hindi porket gwapo okay na." Sabi ko sa kanya. Ngumiti lang ito sa akin. "Hindi naman si Sam ang iniisip ko ikaw. Para kana kasing sangano, lahat na lang ng nagiging boyfriend ko binubugbog mo. Baka mamaya diyan wala na talagang manligaw sa akin dahil sa takot sayo." Sabi nito at umaktong nagtatampo. Kaya umupo ako sa tabi niya at hinawakan ang kamay nito. "Hindi ako magsasawang mang bugbog ng lalake na manloloko lalo nat ang magandang kapatid ko ang binibiktima at niloloko niya." Sabi ko. Habang hinihimas ang kamay niya na nasa kandungan ko. "Gabbien, ayoko dumating ang panahon na masasaktan ka dahil masasaktan din ako. Baka hindi lang yan ang abutin ng lalaki na yun." Sabi ko saka niyakap siya. Nagising na naman ako na habol ang hininga ko at may luha ako sa mata. Napahawak ako sa dib dib ko. Gabi gabi na lang sa tuwing matutulog ako. Lagi na lang akong nanaginip. "Bakit ganito ang nararamdaman ko. Tinawag ko siyang Gabbien. Bakit kamukhang kamukha ko siya? At Hindi pa yun kapatid ko siya ibig bang sabihin may kakambal ako?" Bulong ko habang sapo ko ang ulo ko. May kakaiba akong naramdaman sa panaginip ko na yun. Parang miss na miss ko na yung tinawag kong kapatid sa panaginip ko. Iba ito ngayun kesa sa mga napapanaginipan ko dati. Mas mahaba ito at ditalyado, hindi kagaya nung unang mga panaginip ko na putol putol tanging mga tawa at mga ngiti niya lang ang nakikita ko. Ilang taon na mula ng magising ako dito sa lugar nato. Tanging pangalan ko lang ang alam ko wala ng iba tungkol sa sarili ko. Agaw buhay ako ng matagpuan nila ako sa tabi ng daan. Naka suot ako ng pang military na uniform ngunit wala akong record na nakita nila sa military force. Kaya hindi muna ako nila pinalalantad hangat hindi bumabalik ang memorya ko. Tanging pag may mission lang kami pwede akong lumabas. Kaya dito na sa loob ng hide out ang naging mundo ko. May mga alala na bumabalik sa akin pero hindi magkakatugma at lahat malabo. Sa tuwing pipilitin ko na wawalan ako ng malay. Wala akong pinagsabihan sa panaginip ko. Hindi lang yun isang beses nangyari. Nasundan pa iyun na unti unting lumilinaw sa akin ang lahat pinahanap ko siya sa aming source. "All of you come to my office!" Sabi ni madam ng lumapit sa lamesa namin nagkatinginan kami. Saka nagsitayo. "Back to operation." Sabi ni Jade na naka ngiti. Buwan na din ng magkaroon kami ng operation. "May nagbigay sa atin ng bagong inpormasyon tungkol sa isang malaking sindikato na nagbebenta ng babae sa ibang bansa. Na siyang dahilan ng pagkawala ngayon ng maraming kababaihan dito sa bansa natin. Sila din ang nasa likod ng mga nakikitang bangkay ng mga babae sa ibat ibang panig ng pilipinas. Pagkatapos nilang ibenta ang mga ito sa ibang bansa at wala na itong silbi sa kanila kinukuha nila ang organ nito at pinapatay upang hindi makapag salita. Saka itinatapon ang bangkay kung saan saan " Sabi ni madam. Napa kuyom ang kamao namin sa galit na nararamdaman. "Paborito nilang biktima ay mga studyante at mga nagtatrabaho ng Call center." Sabi ni madam. May mga pinakita siya sa amin na mga litrato ng mga biktima na pawang mga bata pa at natagpuan itong wala ng buhay. May mga pinakita din siya na mga litrato ng mga nawawala pang mga kabataan. "Pinatawag ko kayo. Dahil gusto ko na hawakan ninyo ang kaso nato. This is a big case umaasa ako na mahuhuli niyo ang nasa likod nito" Sabi ni madam at binigay sa amin ang mga impormasyon tungkol sa sindikato na ito. Isang lihim na organisation ang kinabibilangan ko ngayun. Tumatangap kami ng trabaho galing sa Gobyerno ng ibat ibang panig ng bansa.Mga secret agent. Kung merong lihim na grupo sa loob ang mga military meron din sa labas ang mga gobyerno at kami yun. Kinocontact nila kami kapag ang isang kaso ay hindi nila malutas lutas at talagang sakit na ng ulo nila. Kami ang tumatrabaho saka namin pinapasa sa kanila at binabayaran nila kami bilang kapalit. Dagdag na ang pagliligtas namin sa mga taong nagiging biktima dito. Minsan naman sarili lang namin ang operation kapag may nakuha kaming impormasyon na ang kalaban ay ang mga nasa katungkulan kusa kaming nag rerescue. Pinagaralan ng grupo namin ang kaso saka napagdisisyunan na kami ni Jade ang magpapangap. Si Jade bilang studyante ako bilang Call center agent. Pinasok sa Isang university si Jade. Pangabi ang pasok niya Nagpangap siyang working student. Nagtatatrabaho siya bilang Crew sa araw. Ako naman pinasok ni Veron bilang Call Center agent. Pang gabi din ang pasok ko. Dalawang lingo na kaming nagpapangap. Hindi nagtagal at kumapit nga sila sa pain namin kinidnap nila kami. "Nakuha mo ang location nila?" Tanong ni madam. "Yes madam ako pa." Sabi ni Michael na dating si Michaela, si Mick na dating Michelle, si Jess na dating Jessie, si Jade na dating Jade Marley, si Don na dating Donita, si Kay na dating Kayuzumi, si Veron na dating Veronica at tanging ako lang ang hindi nagpalit ng pangalan kasi tunog lalaki na ang pangalan ko. Puro panglalake ang pangalan namin para maligaw ang mga kalaban sa tunay naming pagkakakilanlan. Akala nila puro lalaki ang member ng grupo. Tanging si Madam lang ang babae hindi nila alam na walang lalake sa grupo puro kami babaeng agent. "Okay get ready!!" Sigaw ni madam at mabilis ang kilos nila Don, Kay at Jess na sumakay ng Chopper.Ganun din sila Michelle at Michaela mabilis nilang dinala ang mga gamit na kakailanganin nila sa pag rescue sa amin. Saka pinaandar ang Chopper ni madam at sumampa na sila Kay at Michael. si Michelle ang may hawak ng Laptop para Comonect sa amin. Nang magising ako nasa isang kwarto na ako. Naalala ko paglabas ko ng building na pinagtatrabahuan ko may sumunod na dalawang lalake sa akin at pagdating ng highway may biglang huminto na Van sa harap ko at may bumaba na mga lalakeng Naka Bonet at tinakpan ng panyo ang mukha ko. Nakita ko pa na sinalo ako ng dalawang lalake na sumusunod sa akin bago ako mawalan ng malay. Sapo sapo ko ulo ko ng bumangon ako. "s**t! Ang sakit ng ulo ko. Ang tapang ng gamot na ginamit nila." Bulong ko. Saka tiningnan ang sarili. Iba na ang suot ko. Pinakiramdaman ko ang sarili ko. Wala namang masakit sa akin maliban sa ulo ko. Bumango ako saka ini on ang microchip na nasa batok ko. Hindi ito mapagkakamalan na microchip kasi para itong nunal ko lang at kahit kuskusin nila ito hindi ito matatangal. Kasi ones na dinikit namin ito sa balat kusa itong kumakapit sa balat namin. Makabagong device na gawa ni Michelle. Tanging yung machine lang na nasa hide out ang makakatangal nito. "Roger!" "Roger! did you hear me?" Bulong ko. "Yes, naririnig ko kayo, nasan kayo ngayun?" Sabi ni madam. Pinagana ko ang device na nasa mata ko. Isa itong camera na nakaconect sa Laptop na dala ni Mick kahit anong makikita ko makikita nila sa computer. Maya maya may nag bukas ng pintuan. May pumasok na lalake naka ngise ito sa akin. Nakita ko na tumingin ito sa hita ko na nakalabas dahil sa pagkakalihis ng damit ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD