Nagpadiliver ako ng dozen of roses. Ipapadala ko sana sa bahay. Naisip ko na ako na lang ang magbibigay sa kanya. Mamaya kasi nung ibigay ko sa kanya yung Bag na pinabili ko kay Alyssa sa Makati mukhang hindi niya nagustuhan kaya naisip kong baka pag bulak lak ang binigay ko matuwa siya. Kaso gabi na ako ng makauwi kasi may dinaanan pa ako. May kinailangan pa akong kausapin bago umuwi. Kaya pagdating ko tulog na siya. Sinilip ko na lang siya sa silid niya. Napangiti ako ng makita ang ayos niya. "Hindi ko alam na malikot pala siya matulog. Dati naman kasi sa tuwing sisilipin ko siya maayos naman ang ayos niya. Ng mapatingin ako sa paligid ng silid niya. Napakunot ang noo ko. "Anong bang nangyari dito parang dinaanan ng bagyo. Hindi naman ganito dati Ang silid niya ano ba ang ginawa niya

